CHAPTER EIGHTEEN
AGAD na napaupo si Grendle nang aksidenteng tumulo ang luha niya sa pisngi nito. Lumapit ito sa kanya at pinahid ng daliri ang luha niya.
"Hey! Why are you crying?"
"S-sorry. Hindi ko napigil ang sarili ko."
Tinulungan niya na itong magpahid ng luha niya.
"I'm sorry."
Napatingin siya dito. "Bakit ka nagsosory?"
"Kasi dahil sa akin kaya ka umiiyak. I don't want to see you cry. And I'll hate myself if I make you cry," seryosong sabi nito.
Gusto niya tuloy magtitili sa kilig. Pero pinigilan niya ang sarili niya. Ngumiti siya dito.
"Makabagbag damdamin ang kwento mo pero hindi naman ako umiyak dahil doon."
"Ha? Eh, bakit ka umiiyak?"
"N-naalala ko lang kasi ang parents ko."
Nangunot ang noo nito. "Why? Wala namang problema sa parents mo ah. Unlike mine, masayang nagsasama ang tatay at nanay mo."
"Si tatay Gilbert at si nanay Cora? Masaya nga silang nagsasama. Pero iyong tunay kong magulang..."
"Wait, hindi sila ang true parents mo? Ano mo sila? Nasaan ang tunay mong magulang?"
Tinapik niya ang noo nito. "Pwedeng patapusin mo muna akong magkwento?"
"Ah, okay."
Umayos sila ng upo.
"Nakababatang kapatid ni nanay Cora ang tunay kong nanay. Eight years old naman ako nang iwan ako ng mother ko... Namatay kasi noon ang papa ko. Nadamay siya sa rambulan sa isang kanto malapit sa bahay namin. Pagkatapos ng ilang buwan na pagluluksa, umalis naman ang mama ko para magtrabaho sa Texas. Nurse siya doon. Naiwan ako kina nanay Cora. Mag-e-eight years na ang mama ko doon. Sina nanay Cora na talaga ang tumayong magulang ko."
Huminga siya para punuin ng hangin ang dibdib. Tila kasi naninikip na naman iyon. She really miss her mom.
"Alam mo, kaya ako nag-aaral ng mabuti para kay mama. Gusto ko makapagtapos ako ng pag-aaral nang may mataas na grades para hindi na ako mahirapang humanap ng magandang trabaho. Kapag may trabaho na ako, pababalikin ko na dito si mama para magkasama na kami."
Marahang tumawa siya. "Hindi ko dapat magiging boyfriend si Gerald pero ibinuyo ako ng mama ko. Natural lang daw sa kabataan ngayon ang magkaroon ng nobyo. Matataas naman daw ang grades ko kaya pinapayagan niya daw akong magboyfriend."
Si Grendle naman ngayon ang natahimik.
"O, tapos na akong magkwento. Ano na?"
"Wala."
"Wee? Halatang-halata sa mukha mo na nalulungkot ka."
"Hindi. Nababanas ako. Bakit kailangan mo pang isali ang lalaking 'yon sa kwento mo?" Kita nga sa nakasimangot na mukha nito ang pagkainis.
"Ha? ... Para exciting," nang-aasar na sabi niya. Nakalma na siya ngayon at nasa mood na siya para mangtrip.
"Talaga? Grabe ang ganda talaga ng kwento mo. May 'excitement'," eksaheradong sabi nito.
"Selos ka lang eh!"
"Alam mo naman pala eh! Nagkukwento ka pa about that stupid ex of yours."
Natigilan naman siya.
Hindi niya talaga maintindihan ang lalaking ito. Minsan ay gusto na niyang maniwala na may nararamdaman din ito sa kanya kaya wala itong pakialam malaman man ng lahat na may relasyon sila. At nagseselos pa nga daw ah!
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 1: GRENDLE
Genç KurguBroken hearted si Donita nang aksidenteng mabunggo niya ang bokalista ng bandang pinakapinag uusapan sa campus nila, si Grendle ng The Rebel Slam band. Hindi na sana niya iyon pagtutuunan ng pansin subalit hindi pala doon nagtatapos ang mga enkwentr...