CHAPTER TWENTY-TWO
KULANG na lang ay ngatngatin ni Donita ang mga kuko niya sa sobrang kaba.
Periodical test na ngayon. Two days iyon, wednesday and thusrsday. Ngayon ang first day. Kaya sobrang kinakabahan siya. Hindi para sa sarili niya, kundi para kay Grendle.
Nasa library siya at nagpapalipas ng oras. Tulad kasi ng napagkasunduan nila ng mga teachers niya, sa oras na makapasa si Grendle ay automatic na perfect ang score niya sa test.
'Paano kung bumagsak ang unggoy na 'yon? Paano kung tamaring sagutan ang test papers niya? Paano kung tulugan ang teacher at ang exam? Paano kung layasan ang exam at magcutting na naman? Paano kung...'
Ngee, periodical test day pero magka-cutting classes? Wag naman sana.
Pero paano nga kung hindi ito pumasok?
Haaaah!!! Mababaliw siya kaiisip! Kailangan niya itong icheck kung hindi nga nito nilayasan ang exams nito.
Itiniklop niya ang binabasa kunong libro at dali-daling lumabas ng library.
Napakatahimik ng hallway. Halatang nahihirapang mag-isip ng isasagot sa test ang mga mag-aaral.
Nilagpasan niya ang rooms ng third year at nagdere-deretso siya sa mga room ng fourth year. Hanggang sa makarating siya sa four-narra.
Sumandal siya sa bintana at pasimpleng iginala ang paningin sa loob ng classroom. Iniwasan niyang magpakita sa teacher.
Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang makita si Grendle kasama ang mga kaibigan nito. Nasa panghuling row ang mga ito. Busy sa pagkokopyahan sina Aser at Clyde, si Kyle naman ay sapo ang ulo habang nagsusulat, at si Grendle... mukhang busy ang lalaki sa pagsagot sa test ah! Mukhang napakabuting estudyante na nagpapakasubsob sa pag-aaral.
Ewan ba niya pero tila mas gumwapo ito sa paningin niya. She can't help but to smile. Ngayon ay napanatag na ang dibdib niya.
Nakangiting tumalikod siya at naglakad pabalik sa library.
Sana lang talaga ay makapasa si Grendle.
--------------------------
"GRABE! Ang hirap ng test kahapon!" nakangiwing sabi ni Irene. Sapo pa nito ang ulo.
Friday noon. Araw ng pagchicheck ng mga test papers. Tulad ng karaniwang araw pagkatapos ng exam, kakaunti lang ang pumasok na estudyante.
Naglalakad sila noon papunta sa classroom nila.
Natawa si Donita sa reaksyon ng kaibigan.
"Okey lang iyan. Nakasurvive ka naman."
"Nakasurvive nga ako. Pero may aftershock pa. Ansakit ng ulo ko! Natuyo yata ang utak ko sa dalawang araw na test."
"Over ka, ha," tatawa-tawang sabi niya.
"Buti ka pa, hindi nag exam."
"Ano'ng buti pa ako? Nakasalalay kay Grendle ang grades ko, noh. Kapag bumagsak 'yon, bagsak din ako. Saka buti ka pa nga hindi nangunsumisyon sa lalaking iyon eh."
"At least nakasama mo siya and later on naging boyfriend mo si Mr. Rakista Heartthrob. Hay, buti ka pa, Donita. Kami kaya ni Aser? Paano magiging happy ending ang love story namin?"
Oo nga pala, hindi pa niya naikukwento dito ang totoong dahilan kung bakit 'girlfriend' siya ngayon ng ni Grendle. Hindi rin naman kasi ito makikinig. Masyado itong kinikilig sa kanila ni Grendle.
"Bakit, meron nga ba kayong love story ni Aser? No offense meant, Irene, pero masasaktan ka lang kay Aser. Sabi ni Grendle, may ibang babae na'ng gusto si Aser."
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 1: GRENDLE
Teen FictionBroken hearted si Donita nang aksidenteng mabunggo niya ang bokalista ng bandang pinakapinag uusapan sa campus nila, si Grendle ng The Rebel Slam band. Hindi na sana niya iyon pagtutuunan ng pansin subalit hindi pala doon nagtatapos ang mga enkwentr...