CHAPTER SIX
"BAKIT KA nandito? Hindi naman kita pinapapunta dito ngayon, ah," kunot noong sabi ni Grendle nang makita si Donita sa bahay nito nang hapong iyon.
Naabutan niya itong nakaupo sa wheelchair sa hardin ng bahay nito habang naggigitara.
"Nandito ako para itutor ka. Remember my aggreement with Sir Guevarra?"
"No." At itinuon nitong muli ang paningin sa gitara nito.
Napataas ang isang kilay niya. Iniinis na naman ba siya nito?
"Naggigitara ka na naman. Baka mamaya sumakit na naman ang tagiliran mo."
Tumingala ito sa kanya at kunot-noong tiningnan siya.
Saka niya napagtanto ang sinabi. Baka kung ano ang ipakahulugan nito sa sinabi niya. Maybe she really sounded like she was concerned about him. Pero hindi naman gano'n iyon.
At bakit ganito na lang ang pagkabog ng puso niya habang tinititigan siya nito?
"Ah... I mean... Baka madagdagan na naman ang atraso ko sa'yo kapag lumala 'yang kalagayan mo. Nag-aalala ako sa sarili ko."
Umangat naman ang isang sulok ng labi nito. May amusement na naman siyang nakikita sa mga mata nito.
'Ano'ng mali sa sinabi ko?'
"Wala naman akong sinasabi, ah. Napakadefensive mo."
Muli nitong ibinaling ang paningin sa gitara at tumipa doon.
Ngayon ay ang sarili naman niya ang gusto niyang kutusan.
Pinanood na lang niya ang pagtipa nito sa gitara. Nagagandahan kasi siya sa tinutugtog nito at parang pamilyar pa iyon sa kanya.
Nagulat pa siya nang muli itong mag-angat ng paningin.
"Kumanta ka nga."
"Ha?" Lalo siyang nagulat. Pinagtitripan na naman ba siya nito?
"Napakapopular ng kantang ito para sa mga babaeng broken hearted. So don't ever deny na hindi mo ito alam."
Ang hambog na ito! Kailangan ba talagang ipagngalandakan na broken hearted siya?
Tama nga siya. Pinagtitripan na naman siya nito.
Tiningnan niya ito ng masama.
"Hindi ako marunong kumanta."
"Marunong kang tumula, diba? E di tulain mo na lang."
At talagang...!
"Ayoko."
"Hindi ako magpapatutor kapag hindi ka kumanta. Ikaw din, madaling magbago ang isip ko."
"Ano?" Nagkamot siya ng noo. "Pinaglololoko mo ba ako?"
"Hindi. Take it or leave it? Ito na, simula na ang verse."
Wala siyang nagawa kundi sumabay ng kantahin nito ang unang verse ng kantang tinutugtog nito.
"Tulala lang sa'king kwarto
At nagmumuni-muni
Ang tanong sa'king sarili
San ako nagkamali...
Bakit sa iyo pa nagkagusto
Parang bula ika'y naglaho..."
Hinayaan na siya nitong kantahin ang chorus.
"Por que contigo yo ya eskuhi
Ahora mi corazon ta supri
Bein simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro bira'l chempo
El mali ase derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era ulvida yo contigo...
Ang lahat ay binigay ko
Ngayon ay sising sisi
Sobra-sobra ang parusa
Di alam kung kaya pa...
Bakit sa iyo pa nagkagusto
Parang bula ika'y naglaho..."
Hindi niya maiwasang hindi maalala si Gerald. Kung paano ito nakipagbreak sa kanya. She felt the pain. Lalo na kapag nakikita itong kasama ang babaeng ipinalit nito sa kanya. Nabalewala ang one year na pinagsamahan nila, ang oras at ang pag-ibig niya dito.
She knew, she have to move on. Pero inaasahan na niyang hindi iyon gano'n kadali lalo na at palagi niya itong nakikita sa school.
Napatingin siya sa mukha ni Grendle. Nakatingin ito sa kanya na tila binabasa ang laman ng utak niya. Pagkuwa'y ngumiti ito sa kanya at sinabayan siya sa pagkanta.
"Wag nang lumapit at tumawag pa
At baka masampal na kita
Di babalikan, magsisi ka man
Ako ay lisanin..."
Muntik nang mawala ang lyrics sa utak niya dahil sa pagngiti nito. Buti nalang at sinabayan siya nito.
Nararamdaman niya na naman ang papabilis na pintig ng puso niya. Paano niya ba patitigilin ang puso niya sa pag-akto ng ganito?
"Bakit ikaw pa ang napili
Ngayon ang puso ko ay sawi
Kay simple lang ng aking hiling
Na madama mo rin ang pait at pighati
Sana'y magmilagro
Mabalik ko, mali ay ay maiderecho
Pinagdarasal ko sa'king puso
Na mabura na sa isip ko..."
Ngayon niya napatunayan na magaling din pala itong maggitara.
"Hindi ka nga marunong kumanta. Tinula mo eh."
Napasimangot si Donita.
Wala na ang tila malaanghel na itsura nito kanina habang kumakanta sila. Balik na naman ito sa pagiging demonyito nito.
"Pinakanta mo lang ako kung lalaitin mo lang din."
"Sino ba iyong ex mo? I presume, sa school din natin siya nag-aaral."
'Pakialamero din pala ito. Hmp!'
"It's none of your business. Tara na mag-aral na tayo. Saan ba pwede?"
Subalit hindi na ito nakikinig sa kanya. Nakatutok na naman ito sa gitara nito.
Nagsisimula na namang mag-init ang ulo niya. Kinalma niya ang sarili. Walang mangyayari kung makikipagtalo pa siya dito.
"Doon na lang tayo sa sala niyo."
Pumunta siya sa likuran nito at itinulak ang wheelchair nito.
"Teka. Saan mo ako dadalhin?" naaalarmang sabi nito.
"Sa lugar kung saan pwede tayong mag-aral."
Walang nagawa ang pagpoprotesta nito nang itulak niya papasok ng bahay ang wheelchair nito.
------------------------
"ITO ang Cartesian Plane. May y-axis at x-axis. Ipa-plot natin dito ang mga nakuha nating coordinates galing sa sinolve natin..."
Marami pang sinabi si Donita. Tahimik lang si Grendle at medyo nagtataka na siya.
Sa sala nga sila nakarating. Magkatabi silang nakaupo sa mahabang sofa habang nagdidiscuss siya.
Ganoon na lang ang inis niya nang malingunan itong nakapikit habang nakasandal sa sofa. Mukhang natutulog na ito samantalang daldal siya ng daldal doon.
'Aahh! Matutuyuan ako ng dugo sa lalaking ito.
"Hoy, Grendle!"
Hindi man lang ito natinag sa sigaw niya.
Hindi na siya nakapagtimpi. Inabot niya ang tenga nito at hinila.
"Aray!"
"Marami tayong kailangang pag-aralan. Kaya huwag mo akong tutulugan!"
"Bakit mo ako piningot?" sa halip ay sabi nito habang hinihilot ang nasaktang tenga.
Lalo naman siyang nainis dito. Alam niyang namumula na siya sa galit.
"Ang dami-dami ko nang sinabi dito pero nababalewala lang pala! Nakakainis ka na talaga! Napakamakasarili mo! Ikaw kaya ang pumalit sa kalagayan ko? Tapos tutulugan din kita. Ano kayang--"
"So, suko ka na?"
Natigilan siya.
Oo, suko na siya. Pern alam niyang hindi siya pwedeng magback out sa pagtututor dito.
Nanlulumong bumuntong hininga siya.
"Ano ba'ng kailangan kong gawin para pakinggan mo ako?"
"Hmm..." Umakto itong nag-iisip.
Sa taas ito nakatingin kaya napagmasdan niya ang mukha nito. Ayaw man niyang punahin pero talagang gwapo ito. Maiinggit ang mga babae sa kinis ng mukha nito, sa haba ng pilikmata, sa magagandang mata, sa tangos ng ilong at sa kapulahan ng mga labi. Tila ba napakaperpekto ng itsura nito.
'Napakaunfair talaga ni God.'
Hindi na niya namalayan na ilang sandali na siyang nakatanga sa mukha nito at pinagmamasdan iyon.
Nagulat pa siya nang ibalik nito ang paningin sa kanya.
"Iextend natin ang paninilbihan mo sa akin. Imbes na hanggang gumaling lang ako, iextend natin ng two months."
Agad niya namang nakuha ang sinabi nito.
"Ano? Adik ka ba?"
Wala pa nga siyang isang linggo na nakakasama ito, halos matuyuan na siya ng dugo. Paano pa kaya kung two months pa?
"I'm serious. Siseryosohin kita sa pagtuturo mo kapalit ng two months na pagsunod mo sa mga utos ko. Nakakaawa ka kaya I'm giving you consideration."
Batukan niya kaya ito? Mukha na ba talaga siyang kaawa-awa sa paningin nito para malaman nito ang salitang konsiderasyon?
Tumingin siya dito ng masama. Bakit ba lahat ng bagay para dito ay may kapalit dapat?
"Siguraduhin mong hindi mo ako pinaglololoko, Grendle. At siguraduhin mo ring makakapasa ka sa dalawang exams mo."
"We'll see."
"Kapag hindi ka nakapasa sa exams mo, ika-cut na natin ang aggrement na ito. Wala nang sense para ipagpatuloy ko pa ang pagsunod sa'yo."
Saglit itong nag-isip. "Isn't it unfair?"
"Unfair?" inis na gagad niya sa sinabi nito. "Ako ang mas dehado dito kaya wala kang karapatang magsabi ng unfair! Gagawa ako ng kasulatan para sa aggreement natin na ito."
Kumuha siya ng isang malinis na papel at nagsimula nang magsulat.
"Kailangan pa ba talaga niyan?"
"Oo. Para masiguro kong hindi mo ako pinaglololoko lang."
"Kapag hindi ako sumunod?"
"Pinaglololoko mo ba ako?"
"Hindi."
"Good. Kakasuhan kita ng breach of contract kapag hindi ka sumunod... Hayan, pirmahan mo na."
Siya muna ang pumirma bago iniabot dito.
"Breach of contract, huh?" Akala niya ay magsasalita pa ito at sasalungatin siya. Pero walang imik na pinirmahan lang din nito iyon. "'Ayan, masaya ka na?"
Eksaheradong nginitian niya ito.
"Bibigyan kita ng kopya nito bukas... Magsimula na ulit tayong mag-aral."
Hindi na ito umimik pa.
Sana lang ay talagang pinapakinggan nito ang mga itinuturo niya.
Featured song:
PORQUE by Maldita
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 1: GRENDLE
Teen FictionBroken hearted si Donita nang aksidenteng mabunggo niya ang bokalista ng bandang pinakapinag uusapan sa campus nila, si Grendle ng The Rebel Slam band. Hindi na sana niya iyon pagtutuunan ng pansin subalit hindi pala doon nagtatapos ang mga enkwentr...