CHAPTER SEVENTEEN

4.8K 155 6
                                    


CHAPTER SEVENTEEN

ANNSSAVEEEE???

Awtomatikong namula ang mga pisngi niya sa sinabi nito. Nagwala ang puso niya at nag evacuate na naman ang utak niya. Hindi naman ito ang first kiss niya kung sakali dahil si Gerald ang nakakuha ng first kiss niya. Pero bakit parang ngayon lang siya mahahalikan sa reaksyon niya?

"O, ano? Sasabihin mo ba o hahalikan kita?" Inilapit pa ni Grendle ang mukha sa mukha niya.

"L-lumayo k-ka n-nga s-sa a-akin..." Syet! Hindi naman siya bulol pero bakit ngayon ay hindi niya maderetso ang pagsasalita?

Nakita niya ang pagngiti nito. "Nervous, girlfriend?"

"H-hindi mo naman ako g-girlfriend. B-bakit mo a-ako h-hahalikan?"

"Sa pagkakaalam ko girlfriend kita. Hindi pa ba alam ng lahat iyon?"

Kung ganoon, inaasahan na nitong malalaman ng lahat ang tungkol doon!

"P-pa'no kita m-magiging boyfriend? N-nanligaw ka ba at s-sinagot ba kita?" Mabuti na lang at may nasasabi pa siya ngayon. Sobrang lakas na ng tibok ng puso niya.

"So, kailangan pa kitang ligawan?" Nangingiting ipinatong nito ang noo sa noo niya. "Tayo na. Bakit pa kita liligawan?"

Lalong nawala ang concentration niya sa posisyon nila ngayon. Wala nang isang dangkal at maglalapat na ang mga labi nila.

'Ano'ng gagawin ko? Sabihin ko na kaya? O... wag na lang kaya?' Para kasing hihimatayin na siya sa kilig ngayon.

"G-Grendle..." Ahhh.... ano nga ba ang sasabihin niya?

"Donita..."

Tila isang musika iyon sa pandinig niya. Hindi niya mapiglang mapapikit. Hindi niya na talaga alam ang gagawin. Hinintay niya na lang kung ano'ng mangyayari.

"Nilapitan ka ba ng mga babaeng iyon kanina?"

Wala na siyang kakayahang mag isip. Umoo na lang siya.

"Ginulo ka ba nila kanina?"

Umoo ulit siya.

"Sinaktan ka ba nila?"

Umoo pa rin siya. Wala siya sa sarili, mukhang natulog na naman ang utak niya. Nagulat siya ng pumalatak ito. Lumayo sa kanya at hinawakan ang mga mga balikat niya.

"Sinaktan ka nila? Saan ang masakit?"

Napamulat siya ng mata. Ano bang sinasabi nito?

'At teka... asan yung kiss ko?' Sinaway niya ang sarili sa pag-iisip ng kalaswaan.

Nakatitig lang siya dito. Bakas ang pag-aalala sa gwapong mukha nito.

"Sinampal ka ba? Sinabunutan? Dapat talaga pumasok ako kanina."

"Ha? A-ano ba'ng sinasabi mo diyan?" Nagsisi tuloy siya kung bakit lumutang agad ang utak niya kanina.

Napakunot ito ng noo. "Sabi mo sinaktan ka nila... So saan ang masakit?"

"Sinaktan?" Saka niya lang nagets ang pina-uusapan nila. "Hindi. Hindi nga nila ako malapitan dahil vice president ako ng Student's Council. Saka maghapon kong kasama si Sean..."

Lalong napakunot ang noo nito. "Sino si Sean?"

"Hindi mo siya kilala?"

"Magtatanong ba ako kung kilala ko siya?"

"Siya ang president ng SC."

"Gano'n?" anito na nakakunot-noo pa rin. "Eh, bakit nagagalit ka sa akin kanina?"

"Kasi..." 'Pag sinabi ko ba, wala na'ng kiss?' Parang ayaw na niya tuloy magsalita. Pero pinilit niya pa rin ang sarili. Baka sabihin nito pinagnanasaan niya ang labi nito... na totoo naman talaga. Iniiwas niya ang paningin. "B-bakit kailangang malaman sa school na m-magboyfriend tayo?"

"Wala lang..." Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatitig sa kanya. Maya-maya'y nahiga itong muli sa kandungan niya.

"A-ano'ng 'wala lang'. Trip mo lang ganoon?"

Pumikit ito. "Hindi."

"Eh, bakit nga? Alam mo bang kalat na kalat sa buong campus ang tungkol sa atin?"

"I'm expecting for that."

"Bakit nga eh!" 'Naman! Nabitin na nga yung kiss ko, pati ba naman mga sagot mo, bitin din?'

Hindi ito umimik.

Hindi na rin siya nagsalita. Nakakainis talaga ang lalaking ito, oo.

'Pero nakakainlove...'

Napabuntong hininga na lang siya.

Pinagmasdan niya ang gwapong mukha nito. Ang gwapo talaga. Parang anghel... parang gusto tuloy niyang kumanta...

'Anghel sa lupa...
Nahuhumaling na
Di na hahayaang lumipad at iwan ako...'

*ANGHEL by Stonefree*

Iyon ang palaging kinakanta sa kanya ni Gerald noon.

Natigilan siya. Bakit sa tuwing naaalala niya ngayon ang stupidong ex niya, hindi na masakit sa bahaging iyon ng kanyang dibdib?

Ah, siguro talagang nakamove on na siya at may iba nang laman ang puso niya.

And that man lies in her lap.

She can't help herself but to stroke his hair by her fingers. Napakalambot ng may kahabaan na ring buhok nito. If only they could stay this way forever...

Waring may malamig na palad na humaplos sa puso niya habang nakatitig sa mukha nito at hinahaplos ang buhok nito.

"Grendle?"

"Hmm?"

"Bakit galit na galit ka sa dad mo?"

Kita niyang natigilan ito. Nagmulat ng mata at saglit na tinitigan siya bago pumikit ulit.

"Bakit gusto mong malaman?"

"Ah... wala lang. curious lang ako."

Nawalan ito ng imik. Akala niya ay hindi na naman ito sasagot nang biglang magsalita ito.

"Nilayasan kami ni mommy dahil sa kanya. Sobrang workaholic daw ni dad. Laging ginagabi ng uwi at minsan hindi na nakakauwi kapag gabi. I saw my mom wait for him every night. Pero ni ilaw ng kotse niya, wala. Later on, nalaman naming may kabit pala siya. I saw my mom cry and curse him to death. Nakita ko siyang naghihirap pero wala akong magawa... Hanggang sa pareho na lang silang dalawa na gabi na umuuwi. Si mom, nag-aaliw ng sarili sa labas, while dad... I don't know kung nasa work siya or nasa babae niya..."

Napaawang ang bibig niya. Hindi niya akalaing sasabihin nito iyon sa kanya. Wala siyang masabi. Tanging ang kirot na iyon sa kanyang dibdib ang malinaw sa kanya.

Nagmulat ito ng mata. Pero sa kisame ito nakatingin.

"Hanggang sa mauwi ang lahat sa malalang pagtatalo. My mom pack her things up. Gusto niya akong isama pero ayaw ni dad. Magiging masama lang daw ako at hindi mapapalaking maayos ni mom. Kapag nagpumilit si mom, idedemanda niya ito. Iniwan na lang ako ni mommy. Before that, nag-usap silang dalawa at pumayag na lang si mom na iwan ako.

"Iyang hagdan na yan?" tukoy nito sa grand staircase. "Nandyan lang ako noon at pinapanood ang pag-alis ni mommy. Hindi ko siya mapigilan dahil nakabantay si dad sa verandah. Mula noon, hindi na ako inasikaso ni dad..." He smiled bitterly. "Walang ama at ina na gumabay sa akin. Walang ama na nagtatanggol sa akin sa mga umaaway sa akin. Walang ama na nagsasabi sa akin kung anong dapat kong gawin nang mga panahong hindi ko alam ang gagawin... I hate him. He's the reason why I became like this. Siya ang dahilan kaya hindi ko kasama si mommy ngayon. Siya ang dahilan kaya broken family kami ngayon..."

"Grendle..."

Para siyang maiiyak habang nagkukwento ito.

Ilang sandali silang natahimik pareho.

Hindi alam ni Donita ang sasabihin. Ang gusto niya lang ngayon ay ang umiyak. Nanunubig na ang mga mata niya. Naalala niya tuloy ang parents niya... ang mga tunay na magulang niya...

Hindi na siya nakapagpigil at tumulo na ang luha sa kanyang mga mata....

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon