CHAPTER TWENTY

4.8K 153 0
                                    

CHAPTER TWENTY

"BAKIT ba kanina ka pa nakasimangot diyan?" untag ni Grendle sa pananahimik niya.

Sinundo nga siya nito ngayong tanghali. Dinala siya nito sa pinakamalapit na foodchain sa labas ng school.

Sinulyapan niya lang ito pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa kinakain.

"Wala."

Akmang susubo siya ng pigilan nito ang kamay niya.

"Bakit nga?"

Binawi niya dito ang kamay.

"Wala nga." Itinuloy na niya ang pagsubo.

Nang balikan niya ito ng paningin ay hindi na maipinta ang mukha nito.

'Bahala ka diyan! Nabubuwisit pa ako sa'yo ngayon!'

Ipinagpatuloy niya ang pagkain. Pero hindi rin siya nakatagal nang makitang hindi nito ginagalaw ang pagkain nito.

"Hindi ka ba kakain?"

"Not until you say what's bothering you."

Inirapan niya ito. Sabay iwas ng paningin.

"Wala nga, eh."

"Meron."

"Wala."

"Meron... And stop pretending na wala. Nararamdaman kong meron kang problema sa akin. What is it?"

Tiningnan niya ito ng masama. Hindi ba nito alam ang ginawa nitong kalokohan kanina?

Inirapan niya ulit ito. Pagkuwa'y itinuon ulit ang pansin sa pagkain. Sana lang ay matunawan siya.

'Bahala ka diyan!'

"Uy, Donita..."

Hindi siya sumagot.

"Girlfriend..."

"...."

"Iiwan kita dito... Ikaw ang magbabayad ng mga inorder natin."

"Binayaran mo na kanina kaya okey lang na iwan mo ako dito."

"Bakit ka nga nagagalit sa akin?"

Hindi niya ito pinansin.

"May sauce sa pisngi mo."

Taas ang kilay na tiningnan niya ito. Pinagloloko na naman ba siya nito?

Pero kumuha lang ito ng tissue at pinahid ang pisngi niya.

Napakislot siya ng dumampi ang daliri nito sa pisngin niya.

Hay, ito na naman ang pagdya-jogging ng puso niya sa loob ng ribs niya.

Bigla siyang napainom ng tubig.

Naiinis siya dito. Pero mas naiinis siya sa sarili dahil hindi niya magawang magalit dito. Tila naibsan na rin ang pagkabuwisit niya dito.

Naalala na naman niya ang paghalik nito sa kanya kaninang umaga. Pinigilan niya ang pamumula ng pisngi--kung napipigilan man iyon.

Iniiwas niya dito ang paningin at muling pinagtuunan ang pagkain. Wala na siyang gana pero hindi niya naman alam kung saan pa ibabaling ang paningin.

"Donita..."

"Kumain ka na lang diyan."

"Ayoko."

"Magugutuman ka. Kumain ka na diyan."

"Ayaw ko nga."

"Grendle..." nagbabantang tumingin siya dito.

Nakipagmatigasan ito ng titig sa kanya.

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon