CHAPTER NINE
HINDI na nagtangka pa si Donita na sumingit sa mga babaeng nasa harapan niya. Mukha kasing anumang oras ay sasakmalin na siya ng mga ito kapag nagpumilit pa siyang makasingit.
Nakangiti-ngiwing umiling na lang siya nang magsitaasan ang mga kilay ng mga ito. Pairap na binawi ng mga ito ang tingin at ibinalik iyon kina Grendle.
Nakahinga naman siya ng maluwag.
"Ladies, please calm down. May ibang banda pa po tayong magpeperform," nakamic na sabi ng host.
Pero wa-epek iyon sa mga babae at mga binabae ito. Tuloy pa rin ang mga ito sa tilian at at tulakan para makalapit lang sa The Rebel Slam band. Tuloy, hindi na makababa ang apat sa stage. Mabuti na lang at pinipigilan ng mga coordinator ang mga die hard fans ng banda para hindi makaakyat.
"Akala mo naman si John Lloyd, Piolo at Sam ang nakita nila. Kung magsitilian ang mga ito. Wagas!" inis na bulong ni Donita.
Nakita niya ang patuloy na paglinga linga ni Grendle sa paligid nito. Nakasimangot na ito. Sigurado siyang siya ag hinahanap nito.
"Grendle! Grendle!"
Duda niyang maririnig nito ang pagtawag niya. Paano'y lahat nang nakapaligid sa kanya ay pangalan nito ang isinisigaw.
Tinawag niyang muli ang pangalan nito. Sinabayan niya po ng pagkaway at pagtalon.
Para na talaga siyang ewan nito. Hindi niya akalaing gagawin niya ang bagay na ito para lang sa bandang ito at dahil sa lalaking iyon na lahat yata ng inaayawan niya sa isang lalaki ay tinataglay. Pero hindi niya maiikaila ang atraksyong nararamdaman niya para dito. Hindi ito nabigong pabilisin ang pintig ng puso niya at guluhin ang mundo niya.
Laking pasasalamat niya nang sa wakas ay tumuon sa kanya ang paningin ni Grendle.
Tila nakahinga ito nang maluwag nang makita siyaat nawala ang kunot ng noo. Subalit napalitan naman iyon ng pagsasalubong ng makakapal na kilay nito. May inusal itong salita at akmang lalapit sa kanya pero pinigilan ito ni Aser.
Tila nagtalo pa ang dalawa bago tumango si Grendle bandang huli. Muling tumingin sa kinaroroonan niya si Grendle na para bang anumang oras ay mawawala siyang muli sa paningin nito.
Maya-maya pa'y naramdaman niyang may humila sa kanya paalis sa mga babaeng nagwawala na iyon. Tinulungan siya niyong umakyat sa stage. Isa ito sa mga coordinator ng fund raising na iyon.
Sinalubong agad siya ni Grendle at kinuha ang braso niyang tangan pa rin ng coordinator.
"Bakit nandoon ka?" inis na sita nito.
Tila bumagsak ang maliit na pag asang namumuo sa dibdib niya. Panira talaga ito ng pangangarap. Akala pa naman niya ay...
Tiningnan niya ito ng masama. Sumakit na nga ang mga braso at katawan niya sa pakikipagsiksikan makalapit lang dito, ganoong tono ng pananalita pa ang ibubungad nito sa kanya. Ni hindi man lang nito uusisain kung ayos lamang ba siya o kung nasaktan ba siya?
"Alangan namang nandito ako sa stage habang pinapanood kayo? Doon mo kaya ako iniwan kanina," inis na pamimilosopo niya.
Subalit nalimutan niya yatang mas pilosopo kesa sa kanya ang kaharap.
"Sa upuan kita iniwan kanina, hindi sa mga baliw na iyon."
Mga baliw? Naalala niya tuloy bigla ang babaeng nakilala kanina. 'Mga baliw' din ang tawag nito sa mga die hard fans na ito ng Rebel Slam.
"Tara na nga. Sa backstage tayo dadaan para makaalis dito."
Wala siyang nagawa nang hilahin siya ni Grendle pasunod sa backstage. Iginaguide sila ng isa sa mga coordinator na may kasama pang mga alipores.
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 1: GRENDLE
Teen FictionBroken hearted si Donita nang aksidenteng mabunggo niya ang bokalista ng bandang pinakapinag uusapan sa campus nila, si Grendle ng The Rebel Slam band. Hindi na sana niya iyon pagtutuunan ng pansin subalit hindi pala doon nagtatapos ang mga enkwentr...