CHAPTER TWENTY-EIGHT
"SIGURO mas maganda kung tutugtog ang Rebel Slam sa Christmas Party natin."
Lumipad ang paningin ni Donita kay Sean.
Nasa mesa na sila noon at kumakain.
"Ah... o-oo nga," ibinaba niya ang paningin sa kinakain.
"I'm also planning to invite another band."
"Okay. Bahala ka."
Wala siyang ganang pag-usapan ang tungkol sa Christmas Party nila. Ipapabahala na lang muna niya kay Sean ang lahat.
"Hindi mo ba gustong mameet ang bandang sinasabi ko?"
Nginitian niya ito at umiling. "Hindi na... Siyanga pala, parang kilala ko ang bokalista ng banda na iyon." Itinuro niya ang bandang nagliligpit na ng instruments nila.
Nilingon nito iyon. Lumawak ang ngiti nito.
"Siya? Kilala ko siya... Sandali lang..."
Bago pa siya makapagreact ay nakatayo na si Sean at lumapit sa babaeng iyon.
Nginitian nito si Sean at saglit na nag-usap ang mga ito. Mukhang talagang kakilala ito ng lalaki.
Maya-maya pa'y lumapit na ang mga ito sa kanya.
\f0 "\f1 Hi!" nakangiting bati ng babae sa kanya.
Nginitian niya din ito. "Hello."
Kumunot ang noo nito. "You look familiar. Have we ever meet before?"
Bahagya siyang natawa sa tinuran nito. "Pamilyar ka rin sa akin."
"Wait, before anything else, umupo muna tayo, Krizhia."
Napakunot ang noo niya.
'Krizhia?'
Naupo sa tabi niya si Krizhia.
"Yes! I remember you!" biglang palatak nito pagkaupo. Nagliwanag agad ang mukha nito. "Nagkameet tayo sa isang gig namin. I think sa fund raising yata iyon weeks ago. Di ba?"
Bigla niyang naalala ang rakistang babae na nakausap niya noong minsang isinama siya ni Grendle sa gig nito. Sa fund raising nga yata iyon. Kinanta pa nga noon ni Grendle ang isang sweet rock na kanta while looking at her.
Naipilig niya ang ulo. Nasasaktan lang siya kapag naaalala ang mga panahong sweet ito sa kanya.
"Ah... oo nga! Ikaw nga iyon!"
"Ikaw si..." Nag-isip itong muli habang ipinipitik-pitik ang daliri. "Di... Dor...Don..."
"She's Donita," singit ni Sean.
"Oo! Donita! It's good to see you again! Teka, Sean, bakit magkasama kayo? Girlfriend mo siya, ano?" Nanunudyong tumingin ito sa kanila.
Nabigla siya sa sinabi nito. Pero tumawa lang si Sean.
"Ofcoarse not! Donita is my friend. Kaklase, saka vice president ko sa Student's Council."
"Oo nga, Krizhia."
"Ahh..." tila hindi naniniwalang sabi nito. Magsasalita pa sana ito pero inunahan ni Sean.
"Donita, si Krizhia nga pala, kapitbahay ko. Magkababata kami."
\f0 "\f1 Gano'n ba? Kaya pala magkakilala kayo."
"Oo. Medyo wierd ang isang 'yan pero kaibigan ko 'yan," tumawa si Krizhia at ginulo ang buhok ni Sean.
"Ang sama naman nito... By the way, gusto kitang imbitahang tumugtog sa Christmas Party namin. Free ka ba?"
"Kelan ba iyan?"
"This Saturday."
"Okay call! Basta ikaw! Malakas ka sakin eh!"
-------------------------------------------------
"DONITA!"
Muntik nang matalisod si Donita nang biglang may tumawag sa kanya kasabay ng malakas na busina mula sa likod.
Naglalakad siya nang tanghaling iyon papasok sa school. Hindi siya nakapasok kaninang umaga dahil tinanghali siya ng gising. Masyado niyang dinibdib ang sinabi ni Grendle sa kanya. Magdamag tuloy siyang umiyak. Daig pa ang nararamdaman niyang sakit at pagkadepress noong nagbreak sila ni Gerald.
Ngayong tanghali nga ay wala pa sa sariling naglalakad siya sa katirikan ng araw.
Nilingon niya ang may ari nang motor na nakasunod sa kanya.
"Donita, kanina pa kita sinusundan at tinatawag. Hindi mo ba ako naririnig?"
"Krizhia, ikaw pala. P-pasensya na. May iniisip lang ako." Hinagilap niya ang nagkalat na braincells niya at pinilit na ngumiti dito.
Inalis ng dalagita ang suot na shades at inihinto ang motorbike sa harap niya.
"Mukha ngang sobrang lalim niyang iniisip mo. Saka mukhang depress na depress ka ngayon. Para kang broken hearted."
"Ha? H-hindi naman..." Iniiwas niya ang mga mata dito.
Gano'n ba talaga kahalata ang pamamaga ng mga mata niya at kalungkot ng mukha niya para mahalata nito kaagad iyon?
"Talaga? Hindi halatang hindi," sarkastikong sabi nito. "Come on, sabihin mo na kung sino ang bumasted sa'yo. Gulpihin natin. Si Sean ba?"
"Naku, hindi. Kaibigan ko lang talaga si Sean."
"Eh, sino nga?"
Bago pa siya makapagsalita ay may dalawang babaeng lumapit sa kanila. Nakilala niyang mga schoolmate niya ito.
"Hi, Donita! Kamusta kayo ni Grendle?"
"Balita namin, break na kayo?"
Tila nang-iinis ang mga ngiti at tono ng pananalita nito.
"Si Grendle? Ng Rebel Slam?" kunot-noong singit ni Krizhia.
Bago pa siya makasagot ay naunahan na siya ng mga babae.
"Oo! Siya nga! Ang nag-iisang rakista heartthrob ng school namin!"
"Boyfriend mo si Grendle, Donita?" gulat na sabi niKrizhia.
Hindi siya makaimik. Ano nga ba ang sasabihin niya? Ang totoo ay hindi naman naging sila ni Grendle. Madalas nitong sabihin na girlfriend siya nito noon. But now...
Napatungo siya. Nagdurugo na naman ang puso niya.
"Hindi na kayo nagpapansinan, hindi ba, Donita?"
"Wala na kayo, di ba?"
"You know, girl." Tinapik siya ng isang babae sa balikat. "Maswerte ka pa nga dahil naranasan mong maging sweet sa'yo si Grendle."
"Oo nga. Kainggit ka do'n, girl! Balita pa namin nakakapunta ka sa bahay nila. Ang swerte mo talaga!"
Kailangan bang ipaalala ng mga ito ang mga nangyari sa kanila ni Grendle?
\f0 "\f1 Teka, wala na ba talaga kayo?"
Napatingin siya sa babaeng iyon. Hindi man lang nito inalintana ang mararamdaman niya sa mga sinabi nito. Gusto na niyang paalisin ang mga ito pero hindi niya kayang maging ganoon ka-rude. There's no choice but to tell the truth.
Handa na siyang sabihin dito ang totoo nang sumingit si Krizhia.
"You know, girls, may pupuntahan pa kasi kami ni Donita eh. Nagmamadali kami. Let's go, Donita." Hinatak pa siya nito. Wala siyang nagawa kundi ang sumakay sa motor nito. "Bye!"
Naiwan ang dalawang babae na nakasimangot.
"Bakit hinahayaan mong depress-in ka pang lalo ng mga iyon? Halata namang nag-aasar sila."
Hindi siya sumagot dito. Namalayan niya na lang na nagtutubig na naman ang mga mata niya.
Maya-maya'y napabuntong hininga ito.
"So, si Grendle pala ang dahilan kaya ganyan ang itsura mo ngayon."
"H-hindi naman, Krizhia. 'Wag mo akong pansinin. Okey lang ako."
Bahagya itong lumingon.
"Hindi ka mukhang okey... Hay... ang magbabarkada talagang iyon! Walang magawa sa buhay kundi manakit at mantrip! Mga pasaway! Bakit ba napaka-unfair ni God? Sa mga rebelde pa'ng iyon binigay ang kagandahang lalaki at kasaganaan sa buhay? Hayan tuloy ang daming umiiyak na babae nang dahil sa kanila! Hmp! Nakakainis sila!"
Pinigil niya ang luhang nagbabantang pumatak.
"Oo nga. Napakaunfair nga ni God. Sa dinami-dami ng lalaki, sa kanya pa ako nainlove."
"Tell me what happened. Ayokong sumugod nang walang alam. Baka lokohin lang ako ni Aser pag nagkataon. Kuu! Ang lalaking 'yon! Isa pa ang lalaking iyon sa mauumbag ko!"
Huminga siya ng malalim upang lumuwag ang dibdib. Magaan ang loob niya kay Krizhia kaya hindi siya nagdalawang isip na sabihin dito. "Okay."
"Anyway, sa coffee shop muna tayo. Gusto kong magconcentrate sa pakikinig sa'yo."
Iginiya nito ang motor nito sa nadaanang coffee shop.
--------------------------------------
"TSK. tsk..." umiiling na palatak ni Krizhia nang matapos ang kwento niya.
Pinahid ni Donita ang luha sa pisngi.
\f0 "\f1 May pagkasweet din pala ang taong batong wirdong iyon," tukoy nito kay Grendle. "Pero naguguluhan ako. Bakit ka niya iniwasan ngayon?"
Umiling siya.
"Hindi ko rin alam, Krizhia."
"Hay, ang gulo naman pala ng taong iyon. Pinaramdam na mahal ka tapos iiwan ka lang? Why don't you just grab his shirt when you saw him and slap his face? Tapos sigawan mo siya na nasasaktan ka na at siya ang dahilan. I hate to say this but kung talagang mahal mo siya, bakit hindi mo ipaglaban?"
\f0 "\f1 P-pero, b-baka ayaw na talaga niya sa akin..."
\f0 "\f1 Hindi masama kung magtatry. All you need is to have the guts."
"W-wala yata ako noon."
"Meron ka noon. Basta itry mo lang. Sabi nga sa kanta," tumikhim muna ito bago kumanta. "'Akala ko alam ang pupuntahan.Pero mali na naman kung di ko sinubukan. Sana'y hindi ko na nalaman. E di nasayang lang. Wag kang matakot na baka magkamali. Walang mapapala kung di ka magbakasakali. Dahil lumilipas ang oras. Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan.' O diba?"
"Pero..." Ayaw niyang maging katulad ng mga babaeng nagkakandarapa dito. Baka lalo lang maturn off sa kanya si Grendle.
"Teka nga, mahal mo ba talaga si Grendle?"
"Oo," aniya na may kasama pang tango.
"Do you want to have him back?"
"Oo naman."
"So kailangan mong umaksyon. Walang mangyayari kung magmumukmok ka lang sa isang sulok. Baka mamaya niyan maagaw na ng tuluyan ng iba si Grendle."
Napatayo siya sa kinauupuan. Hindi niya kakayaning makita na may kasama na'ng ibang babae si Grendle!
"Hindi ako papayag."
Napangiti ng tagumpay si Krizhia. "Then let's start making a plan."
-------------------------------------
"GJ, kinausap ako ng Student's Council's president. Iniimbitahan tayong tumugtog sa Christmas Party sa Saturday."
Napatingin siya kay Aser. "O?" Ibinalik niyang muli ang paningin sa gitara. Tumipa doon.
Kasalukuyan silang nagpapractice ng hapong iyon. Kanina pa'ng tanghali ang mga kabarkada niya sa bahay niya. Nang malaman yata ng mga ito na hindi siya pumasok ay pumunta na rin sa bahay niya.
"Nasa mood ka na ba?"
Hindi siya sumagot. Tumipa lang siya sa gitara.
Sa totoo lang ay wala siya sa mood makipag-usap sa kahit sino ngayon. Pero kilala niya kung gaano kakukulit ang tatlong kaibigan. Hinayaan na lamang niyang bulabugin ng mga ito ang pagmumukmok niya doon.
Saka niya narealize ang tinutugtog. It was a song na kinanta nila ni Donita noong intututor pa siya nito.
Hawak Kamay.
Napapikit siya. He remember Donita while singing this song. Nakaupo sila na magkatalikuran noon.
Pagkuwa'y napabuntong-hininga siya. He suddenly feel that kind of pain and loneliness on his heart.
Bakit ba sa mga panahong ito ay gustung-gusto niyang pinahihirapan ang sarili? Hindi naman siya dating masokista ah?
Iniiwasan niya ngayon si Donita for her sake. Ayaw niyang madamay pa ito sa problema niya.
Pero bakit tila nasasaktan siya sa ginagawa?
Itinigil na niya ang pagtipa at inilapag ang gitara.
Pagtaas niya ng paningin ay nakita niya ang mga kaibigan na nakatunganga sa kanya.
Napakunot siya ng noo.
"Bakit ganyan kayo makatingin?"
"Kumusta kayo ni Donita, 'tol? Wala na ba talaga?" ani Clyde. Tumingin siya labas ng bintana.
"Wala naman talaga."
"Pero, GJ, granted na iniiwasan mo siya dahil diyan sa family problem mo. But isn't it unfair with Donita?" segunda ni Aser.
Alam ng mga ito ang lahat. Pagdating sa problema ay sila-sila rin ang nagdadamayan kaya alam ng bawat isa ang problema ng isa sa kanila.
"Bakit naman magiging unfair iyon? It's for her sake. Guguluhin ko lang siya."
"She's affected. Absent nga siya kanina eh," sabi naman ni Kyle.
Napatingin siya dito. As usual ay walang ekspresyon ang mukha ni Kyle. Hindi niya tuloy alam kung nagbibiro ito o talagang seryoso.
"Absent?"
"Oo nga, GJ. Absent nga si Donita kanina."
"Kasasabi ko lang, Aser."
"Inulit ko lang naman, Kyle."
"Nga pala, kahapon nakita kong magkasamang umuwi sina Donita at iyong SC president ng school, 'tol," singit ni Clyde.
Lalong kumunot ang noo niya.
"Bakit sila magkasama?"
"Baka nagdedate--aray!" Napa-ngiwi si Kyle nang sikuhin ito ni Aser. Inis na bumaling ito sa katabi. "Bakit ba? Bagay naman sila--" Tinakpan ni Aser ang bibig nito.
May naramdaman siyang pitik sa puso niya.
"Baka naman may pinag-uusapan lang about sa Student's Council, GJ. Di ba, Clyde?"
"Oo nga, 'tol. Besides, malapit na ang Christmas Party kaya siguro busy sila sa paghahanda."
Tumugtog si Clyde ng isang beat sa drums.
"Ano? Magpractice na tayo?" ani Aser sa kanya.
Tumango na lang siya bagaman gumugulo pa rin sa isipan niya kung bakit magkasamag umuwi sina Sean at Donita kahapon. Inihatid ba ito ng lalaki? Nanliligaw ba ito kay Donita? Bakit tila nagpapaligaw naman si Donita dito?
Ahh! Nakakabaliw mag-isip ng kung anu-ano.
Ibinaba niya ang gitara at tumindig.
"Ayokong magpractice ngayon. Gusto kong lumabas."
Tinungo niya ang pinto.
"GJ, if you really love Donita, hindi mo siya hahayaang mapunta sa iba."
Napahinto siya.
"Wow, Aser. Gumagano'n ka na, ha?" biro ni Clyde dito.
"Pero kung magpapakaduwag ka lang and keep pretending that it's fine with you, even if it's not, hayaan mo na nga si Donita. Maraming babae diyan para sa'yo at marami ding lalaki sa tabi-tabi para kay Donita."
Nagulat siya nang magsalita si Kyle. Paminsan-minsan lang kasi ito magsalita ng matino. Madalas ay sadista itong magsalita at pilosopo pero ngayon...
Ipinilig niya ang ulo. Kailangan niyang paglabanan ang sarili upang hindi baliin ang pasya niya.
Donita had a dream. Ang makasama ang mommy nitong nasa ibang bansa. Kumpara sa kanya na walang pangarap sa buhay at hindi iniisip ang mangyayari kinabukasan. Bibigyan niya lang ito ng problema kapag patuloy pa siyang lumapit dito.
Nagpatuloy na siya sa paglabas sa music room.
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 1: GRENDLE
Fiksi RemajaBroken hearted si Donita nang aksidenteng mabunggo niya ang bokalista ng bandang pinakapinag uusapan sa campus nila, si Grendle ng The Rebel Slam band. Hindi na sana niya iyon pagtutuunan ng pansin subalit hindi pala doon nagtatapos ang mga enkwentr...