Kabanata 4

245 19 1
                                    

Kabanata 4

Meeting

Maayos naman akong nakaalis ng office ni Dean, wala na akong nagawa I just confirmed na talagang kami ni Mr. Bryan Ledesma. Laking pasalamat ko dahil hindi naman nagduda ito sa sinabi ko.

Umiling na lamang si Dean at hinayaan na kami ni Lily na lumabas, he just pointed out na labas na siya sa personal life ko especially sa aking lovelife but if this affect my grades at ang pagiging Deans Lister ko ay kakausapin niya daw ako ulit, lalo na may tunog pagbabanta ang huling sinabi ni Mrs. Ledesma.

I explained everything to Lily, humagalpak siya ng tawa pati daw si Dean ay napaniwala ko, but knowing Lily talagang hindi man lang naniwala sa akin she was doubtful from the beginning at napailing na lang din ako dahil wala talaga akong maitatago dito. Pasalamat nalang din ako at hindi niya na ako masyado binuking kay Dean. Nakiayon na lamang din ito, pero nanlalakihan ang mata mga pinukol nito sa akin habang tudo paliwanag ako kay Dean.

"Bes naku nangangamoy labanan ng mother and son because of you. Kita mo ang nanay niya di papahuli ng buhay naku bes mag-iingat ka, sinasabi ko sayo. Pero mukhang exciting eh." nakangiti pa nitong turan at tatango tango pa. Na para bang tama nga lahat ng mga sinabi niya.

"Hindi ko naman alam na ganon pala ang ugali non, alam kung matapobre iyon sa una palang na pagkikita namin pero I didn't expect na talang titingnan niya ang records ko sa school." Sumakit ang ulo ko bigla dahil sa pangyayari.

Natahimik na lamang kami ni Lily ng dumating na ang professor namin for our first subject today. I texted Bryan that i already  in-cash his cheque and paid all the hospital bill at ipinaalam ko na agad ito sa kaniya, kako ibibigay ko na lamang ang receipt pag nagkita kami. Nabanggit ko din about sa mom niya that she in my school and check for my records. Pinagisipan kong mabuti ito, pero mas nanaig na ipaalam ko ito sa kaniya.

He message me after I informed him about his mom at dadaan daw siya dito at susunduin niya ako after my school hour, I reply Okay with him. Siguro mas maganda na iyon na alam niya lahat kesa naman ako lang magkimkim ng hinanakit about sa mom niya. Ano siya siniswerte? Kakatakot pa man din ang nanay niya, and chance ko na din ito para maibigay ang receipt at maibigay ang natitirang sukli.

"Naku hindi ako dito aalis hanggat hindi ko nakikita si Mr. Ledesma" matigas na salita ni Lily habang nasa my labas na kami ng gate ng campus at nakataas ang kilay sa akin.

"Ano ka ba Lily nakakahiya baka kung ano ang isipin noon" naiirita kong sagot dito.

Natigil lamang kami sa pagsalita ng may biglang may nagpark na sasakyan malapit sa amin, isang color blue Ford Expedition SUV car at bumukas ang driver seat nito at lumabas doon si Bryan.

Lily literary drop his jaw habang nakatingin kay Bryan, umiling na lamang ako sa reaksyon nito.

"Hi, pinaghintay ba kita?" tanong ni Bryan ng makalapit sa amin. His wearing a blue longsleeve shirt na hapit sa katawan and a faded jeans and a white sneakers.  

"Hi, I'm Lily De Guzman bestfriend of Jessica Ramos" salita ni Lily at inilahad pa ang kamay dito.

Saka lamang lumingon dito si Bryan at nangunot ang noo na para bang ngayon niya lang ito napansin na kasama ko pala. Nang magtama ang kanilang mga mata ay ibinalik ulit sa akin ni Bryan ang kaniyang tingin at nginitian ko na lamang ito like telling him that everything is under control. Nakipagkamay naman dito si Bryan at ngumiti na din.

"Nice meeting you Lily" sagot ni Bryan ng matapos silang magkamay.

"Alam ko ang deal niyo ng kaibigan ko, pero binabalaan kita Mr. Ledesma pag itong kaibigan ko ay nagalusan ng dahil sa nanay niyo ay ikaw ang mananagot sa akin. Oh bestfriend alis nako" biglang tingin nito sa akin at paalam agad.

Love MovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon