Kabanata 19
Peace
"Hi Jessica. I heard you will have your OJT here." Salita ni Stella sa akin ng magkasalubong na nga kami.
Natulala na ako sa sinabi ni Stella, hindi ko alam na close pala kami nito. Ngiting ngiti ito sa akin na wari mong walang namagitang masama sa amin noon. Napalunok na lamang ako sa naalala, naramdaman ko ang bahagyang pagsiko sa akin ni Lily. Napalingon ako sa gawi nito at kita ko paglaki ng mata nito sa akin. I know she's curious kung sino itong nasa harap namin pero I don't have the guts na ipakilala ito sa kaniya.
"Hi Ms. Stella." Turan ko na lamang sa kaharap ko. I can't smile kahit sobrang ngiti na itong nasa harapan ko. I can't really fake myself sa harap ng taong alam kung pinaplastik lang din naman ako.
"Auntie Violet remind me to be good on you for this day on, but I know we still have a raw at alam kung you won't forget it either. But anyway I already moved on so don't worry I just wanted to have peace with you para naman maging harmonious ang working environment natin because in no time I'll be one of your boss too." She said while smirking.
"Ganoon ba Ma'am, hello po I'm Lily, kasama po ni Jessica na mag-o-OJT din po dito." Pakilala ni Lily na walang kaalam alam kung ano ang pinagdaanan ko sa babaeng ito. Hindi ata maproseso ng utak ko ang mga sinabi nito.
Tumawa ito sa naging sagot ni Lily, binalingan ulit ako nito ng tingin. She looks so calm, na para bang ang gaan gaan ng aura nito. Last time na nakita ko siya ay ibang iba ito sa ngayon. Humakbang pa siya palapit sa akin at inilapit ang kaniyang bibig sa aking tainga, napatayo akong tuwid at napalunok na din na may kasamang kaba sa aking dibdib.
"I want to tell you that me and Bryan are now together, so as his ex I hope you behave and I hope you stay where you belong." Bulong nito sa akin. Lumayo na ito at isang matamis na ngiti ulit ang ipinakita sa akin na animo'y hindi mababahiran ng kasamaan ang ugali.
"So are you going home?" tanong na nito sa amin ni Lily. She's really good at faking huh, kung makapagsalita siya sa amin akala mo naman ay sobra kaming close sa isat isa.
"Yes Ma'am Stella." Sagot ni Lily dito. Ngumiti na lamang din ako ng tipid dahil sa pagtango nito sa amin. Iginiya na niya kami sa paglakad ulit at napabuntong hininga na lamang ako dahil sa nangyayari.
We walk together heading the reception area, Bryan is talking at his phone. Nauna na si Stella sa amin. Damn, hindi ko ata kakayaning everyday na makita silang ganito. So it is confirmed na sila na nga ni Bryan and she will be one of the boss here, paanong nangyari? Naguguluhan pa din ako at somehow my doubt ako dahil siya lang naman ang may sabi.
"Bes ano ba ang iniisip mo, ang lalim naman kasi ng hugot ng hininga mo diyan eh. Ako na ang natatakot saiyo friend? Okay ka lang ba?" tanong ni Lily na nagpabalik sa aking wisyo.
"Okay lang ako Lily, umuwi na lang tayo agad." Sambit ko dito.
Tumango naman ito sa akin, pero kita ko pa din ang pag-aalala nito sa akin. I just feel so awkward, everything is so weird at alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayaning makasama sila sa iisang bubong lalo na si Bryan at lalong lalo na si Stella. Working with them under the same roof makes me feel so awkward and weird. Dammit, ano ba itong napasok ko?
"Babe tuloy ba ang meeting?" Stella ask Bryan with her sweet voice ng makalapit ito.
"Yes, he just arrived." Seryosong sagot ni Bryan dito.
Damn ang arte, babe pa huh! Hindi ko mapigilan na makaramdam ng inis sa dalawang ito. Edi magsama sila wala akong pakialam sa kanila, salita ng utak ko na lamang. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Bryan, ni hind niya ba ako nakita, well I guess na kay Stella na nga ang buong attention nito.
BINABASA MO ANG
Love Moves
General FictionThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute, copy or publish in...