Kabanata 27

189 15 8
                                    

Kabanata 27

Hell

Mabilis kong tinungo ang parking lot kung saan nandodoon ang aking sasakyan, I unlock it at mabilis ko nang binuksan ang driver seat para ako ay makapasok na. Kabado akong nagmamaneho pero alam kong wala ng atrasan pa ito ngayon. I'm wearing a red tube with black blazer and a black tight denim jeans while my red stiletto is on. Nang makababa na sa building nito ay mas lalo lamang dumoble ang kaba sa aking puso, I don't know if natatakot ako or ano, I just can't explain myself why I'm feeling this way.

"Good Morning Ms. Jessica, I'll assist you at Sir Bryan's office."bungad ng receptionist sa akin.

I wonder kung naihandang mabuti ni Bryan ang kaniyang emplyedo sa aking pagdating. Tumango at nagpasalamat ako dito, ngayon naman ay sinundaan ko na ito kung saan ito patungo. Nagawa ko pang tumingin sa paligid, pero wala akong makitang kakilala man lang dito o kaya ay mamukhaan ko. Naisip ko tuloy ang secretary nito, maybe she has her own office near at Bryan's office at naisip ko din kung bakit hindi siya ang nagassist sa akin.

"Ma'am dito na po."

Natigilan ako ng magsimula itong magsalita sa akin, tatlong beses na kumatok ito at binuksan na ang pinto. Napalunok na lamang ako at tumango ulit habang nakangiti dito. I walk gracefully inside his office, I saw Bryan standing near his swivel chair habang nakapako na ang mga mata sa akin. He look at me from head to toe, I feel awkward though.

"Have a seat Jess, thank you for coming." Panimula nito.

I looked away, diretso kong tiningnan ang malapit na sofa sa aking kinatatayuan. "Thank you" I said while sitting down. "Well I want to know my schedule too para if my revision or hindi pwede I can plan as early as now." Tugon ko ulit.

Tumatango ito habang papalapit sa aking pwesto. Kahit ramdam ko ang aircon I feel hot inside maybe my blazer, but I just insist to wear it though. Baka isipin niyang nagpapacute ako dito kung huhubarin ko ito ngayon.

He handed me a paper habang nakatayo sa aking harapan, at dahan dahan ko naman itong tinanggap. I can't look at him in his eyes, pakiramdam ko kasi pag tiningala ko ito ngayon ay baka matulala na lamang ako. Kanina sa aking pagpasok ay sinipat ko na ito, he even become more manly. The way his suit clings on his body I just confirmed that he changes especially on his physique mas lalong tumangkad ito at lumaki ang pangangatawan. Maybe babad ito sa gym. Napansin ko din ang pagbabago sa kaniyang pananamit before just a simple jeans and longsleeve ay okay na ito, now he became more serious businessman like. His suit really looks good on him, he looks fresh and so professional. Napalunok ako sa biglang naisip ng nakaraan, tinagilid ko ang aking ulo at tiningnan na lamang ang papel na ibinigay nito.

He sit opposite on me, pero ramdam ko ang titig nito. Damn, kung ganito kami lagi ay hindi ko alam kung paano ko ito tatagalan. Biglang nangunot ang noo ko sa nabasa, bigla atang nagfocus ang aking utak sa nabasang pahina. Hindi lang pagkunot pati na paglaki ng mata ay nagawa ko na ata.

"I will be doing a commercial, a facebook live while enjoying at the Hotel, a twenty four hours hidden camera on my daily life, a Hotel representative on every event." I read the first page written in the paper loud and I want to get his attention about this. Hindi iyong masusi lang na nakatingin ito sa akin.

Napatingin na ako sa gawi nito, he is sitting so calmly crossing his legs. Tagilid ang ulo habang nasa akin ang buong atensiyon. Napalunok ako, bigla atang umurong ang aking dila sa gusto kung itanong. Napakagat labi ako at napayuko na lamang ulit, ibinalik ang tingin sa papel. Ni hindi din siya nagsalita, it's like his waiting for my words bago din siya magsalita. Damn bakit ba ako natitigilan dito, sita ko sa aking sarili.

Love MovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon