Kabanata 14

140 14 1
                                    

Kabanata 14

Change

"Please don't make it hard on me Jess" sa tono nitong nagmamakaawa.

I hold his arm at pilit na tinatanggal ang pagkapulupot sa aking baywang nito pero mas lalo ko lang naramdaman ang paghigpit niya dito. Lalo akong naistatwa sa kinatatayuan ng maramdaman ko ang kaniyang dibdib sa aking likuran at hindi na din ata ako makahinga ng iniligay niya ang kaniyang baba sa aking leeg at pinagpahinga ito dito.

"I can't let you go Jess, I told you I love you. Akala ko kaya mo akong ipaglaban kay mama?" mahinang salita nito.

"Bryan we can't be together, we are not equal at mas may babagay pa sa iyo. Tama ka hindi kita kayang ipaglaban, nakakatakot ang mama mo. Pamilya mo pa din ito, at ako mas pipiliin ko ang matahimik na buhay. I can't love you back, madami pa akong pangarap sa buhay Bryan at pag ikaw ang nasa tabi ko pakiramdam ko hinding hindi ko iyon maaabot. At ayokong mamuhi ako saiyo ng tuluyan dahil lang sa mama mo." Salita ko na dito ng walang awat.

"Bryan I want to go home." Nanghihina kung salita ulit, ng hindi na siya kumibo.

Isang buntong hininga ang ginawa niya at kusa na akong binatiwan, napalunok ako. Maya maya ay iniabot ko na ang seradura ng pinto para mabuksan na ito. Palabas ng ako ng room at tinahak na ang hallway, Bryan walks behind me, ramdam ko ang presensiya niya sa aking likod. Ayokong lingunin siya dahil alam kung hindi ko lang kakayanin ang makikita ko dito. He never dares to walk beside me, hinayaan ko na lang. Naiinis ako, pero I think okay na ito, iyong wala kaming dapat pang pagusapan. I'll just make sure na maihatid niya ako ngayon and that's it. Kung magpipilit pa din siyang makipagusap ay hindi ko na alam kung paano pa siya kukumbinsihin.

Hindi ko na alam kung saan na ang tungo ko, nasa isang malaking hallway pa din ako. Naglalakihan na chandelier at red carpet din ang aking nilalakaran, rinig ko lamang ang mga yapak ng sapatos namin. I look at my wristwatch 10:30 p.m na, we should hurry, bukas Monday na may pasok na ako, babayahe pa kami.

Tumigil ako sa paglakad at mabilis ko siyang hinarap, "Bryan I'm sorry pero I really need to go home, I'm not familiar in this place" bago ko matapos ang aking sasabihin ay iniabot niya na ang aking kamay, at naglakad na kami ulit. Nagulat ako dito, he never speak bagamat ang mabilis na pagkilos niya ay waring nauunawaan na niya lahat ng gusto kong ipahiwatig dito.

Natigilan lang ako ng may lumapit sa amin at my binigay na susi dito.

"Sir your car is already at the entrance." Salita pa ng lalaking nakauniform din.

"Thanks" sambit ni Bryan at kinuha na ang susi.

Mabilis ang naging oras, we never talk inside his car, diretso lang ang drive nito. Kagat labi akong napapatingin sa kaniya at balik ulit ng tingin sa unahan ng daan. Damn, lalo lang akong nasasaktan sa ginagawa nito. Pero ito naman talaga ang gusto ko diba? Jessica huwag ka ng maguluhan, isipin mo nalang na pabor ang ginagawa ni Bryan sa iyo.

"Ahm, thank you. Sorry at hindi ka na pala nakadaan sa celebration niyo." Salita ko na wala na sa sarili, dammit! Just tell him to go home, sita ko sa aking sarili.

Isang tango lang nito at nagiba na siya ng tingin, nanglalambot akong inaabot ang pinto ng sasakyan niya para mapagbuksan ito. Bago bumaba I look at his side, seryoso ang tingin niya sa madilim na daan, habang mahigpit na nakakapit ang dalawang kamay sa manibela nito. I know his hurt pero ganoon naman talaga, diba hindi kami ang nakatadhana dahil mayaman siya at ako ay para sa mahirap lang.

Bumaba na ako pero bawat hakbang ko ay parang bumibigat, na para bang nag-aantay ako sa maari niyang sabihin, na baka pigilan niya ako na baka he will ask for a chance na baka sasabihin niyang kaya naming labanan ang kaniyang mama. Pero bigo ako, wala na akong narinig dito.

Love MovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon