Kabanata 18

162 12 2
                                    

Kabanata 18

Broken

Nanglulumo akong nakauwi ng bahay, Lily's been so thankful at pumayag daw akong kay Bryan kami mag OJT. Tahimik ako habang pauwi kami, naging madaldal si Lily sa buong byahe. She said she will enquire tomorrow about the details ng OJT namin sa school at puro tango na lang ang tanging naisagot ko dito. Hindi ko alam kung bakit ako natutulala, siguro sa kaisipang sa opisina ako nito magtatatrabaho, na araw araw ko siyang makikita pag nagsimula na ang OJT ko dito, na hindi ko alam kung magiging maayos ba ang pakikitungo nito sa akin.

Ang daming tanong ngayon as aking isipan, kahit nakahiga na ako at handa ng matulog ay hindi pa din ako dalawin ng antok. Pero isa pa ang nagpapakaba sa akin talaga ang kaalamang malalaman ito ng kaniyang mama, paano kung gumawa na naman ito ng ikakapahamak ko o ng aking pamilya. Ayokong panghinaan ng loob ayokong matakot na naman sa kaniya, pero ang pagkakalapit ulit namin ng kaniyang anak ay alam kung malaking issue na naman ito sa kaniya.

Bago ako nakatulog napagdesisyunan kong kailangan masigurado ni Bryan na magiging okay ang lahat sa akin once malaman ng mama nito na nagtatatrabaho ako sa kaniyang anak. Kung hindi nito masisigurado na magiging ligtas ako at ang pamilya ko ay magbabackout ako kahit ano pa ang sabihin ni Lily sa akin. Of course ayaw ko ng maranasan ang mga pinaranas ng mama nito sa akin. Even Ma'am Beth I know she has an idea about Mrs. Ledesma at hindi niya mapapasawalang bahala ang posibelidad na manakit nga ang mama nito, kahit siya she was threatened by her own sister. 

Maaga ang pasok ko ngayon, magkakasabay kaming magkakapatid sa jeep ni Itay. Manaka nakang tinitingnan ako ni bunso na mababanaagan mo na may gusto itong sabihin sa akin.

"Wala na kayo ni Kuya Bryan, ate?" tanong ni James.

Ikinagulat ko ang naging tanong nito sa akin, napalingon din si bunso. Ang inaasahan kung magtanong ay si bunso ngunit yung pangalawang kapatid ko na ang naglakas ng loob magsabi sa akin.

"Oo nga ate, sabi ni Itay huwag na daw kaming magtatanong saiyo non, kaya hindi ko na hinahanap pa si Kuya Bryan. Hindi na iyon nakakadalaw man lang sa bahay." Salita ni bunso na ramdam ko ang lungkot dito.

I felt broken, everytime na hinahanap nila ito sa akin ay mas nakakaramdam ako ng sakit. Napalingon ako sa gawi ni Itay, abala ito sa pagsusukli sa unahan. Nakaupo kami sa dulo ng jeep kaya malamang hindi niya kami naririnig.

Isang buntong hininga ang inilabas ko at nginitian ang dalawa, "Oo wala na kami, kailangang matapos ko muna ang pag-aaral ko. Kung mahal niya talaga ako maghahantay siya at kung meant to be kami sa huli magiging kami. Pero sa ngayon gusto kung unahin ang pamilya ko, kayo, sila Inay at Itay kailangan makapagtapos ako at makapagtrabaho muna ako. Kaya kayo no girlfriend muna hah." Salita ko dito.

Hindi ko alam kung napagaan ko ba ang loob nila, ramdam ko ang lungkot sa kanila. Alam kung kahit papaano ay tinuring nilang kuya si Bryan at alam kung nasasaktan sila sa paghihiwalay namin.

"Bakit kasi kayo naghiwalay ate? Mayroon na ba siyang iba?" tanong ni bunso na lalong nagpabagabag sa akin. My brothers looks broken, hindi ko alam kung papaano sila naging sobrang close kay Bryan na talagang hinahanap ito at nakikibalita pa.

"Huwag ng malungkot, hindi bagay sa inyo kaaga aga oh. Kung mayroon man siyang iba magiging tanggap ko na iyon kaya sana tanggapin niyo na din." sambit ko habang seryoso silang pinagsasabihan.

"Sinungaling pala siya!" galit na turan ni bunso. Napakagat labi ako sa sinabi nito kita ko si James na nagkibit balikat na lamang at naglabas ng isang buntong hininga. I felt awkward too, pakiramdam ko ay talagang dinamdam nito ang pagkawala ni Bryan.

Love MovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon