Kabanata 5

209 15 0
                                    

Kabanata 5

Invite

Mabilis na nakipagkamay si Bryan kay itay, nanlaki ang mata ni itay sabay tingin sa akin, isang ngiti lamang nag naigawad ko dito habang sobrang kabado na ako.

"Boyfriend ka ng anak ko?" paguulit pa ni itay na animo'y hindi makapaniwala sa sariling tanong.

"I am Sir" mabilis na turan ni Bryan. Ngiting ngiti pa ito sa harap ni Itay na animo'y isang napakabait na nilalang lalo na sa harap ni itay. Diyos ko po, malaking pagkakamali ito pati ba mga magulang ko ay lulukuhin ko. Patawarin niyo ako Diyos ko! 

Kailangang makaisip ako ng paraan para mapauwi na si Bryan kung hindi ay malalagot ako ng tuluyan kay itay.

"Goodnight Bryan, thank you sa paghatid" mabilis ang pagkilos ko sabay lapit kay itay at hawak sa braso nito. Hinila ko na siya papalayo kay Bryan, ni hindi ko na tiningnan pa ang reaksiyon ni Bryan basta na lamang ako tumalikod kasama si Itay. Mabuti na lamang at hindi na din nagpumilit si itay naestatwa na lamang itong sumunod sa akin. Kita ko na ang jeep nito sa di kalayuan, iginiya ko na siyang sumakay at nagpatianod naman ito. Tinakbo ko na ang harap para makaupo na din sa unahan katabi ni itay. Lagot ako nito paguwi ng bahay, naiiling dahil sa aking naiisip.

I just texted Bryan that I'm sorry for dragging my father away from him kasi nga ayokong magulat si itay sa mga nangyayari. I also said na ipapaliwanag ko muna sa amin ang lahat and I even say na mag-ingat siya paguwi.

"Anak kailan mo ito balak itago sa amin?" tanong ni itay ng makauwi kami sa bahay. Nakaupo ako ngayon sa aming sala, habang ang dalawa kong kapatid ay matamang nakikinig din sa amin. Si inay naman nagtatakang nakatingin at nagaabang ng aking isasagot.

"Itay kumalma po kayo, wag po kayong mag-alala hindi ko naman po pinapabayaan ang pagaaral ko." sagot ko habang tinitingnan silang lahat na nagsusumamo.

"Kailan pa ito? Matagal mo na bang boyfriend iyon?" taas boses na tanong ni itay.

"Boyfriend!?" sabay sabay na salita ng aking kapatid at ni inay na animo'y may duet na nagaganap.

Isang malalim na hinga ang ginawa ko, kahit gusto kung itama sa lahat ang nagawa ko pero naisip ko din na huli na ang lahat. Hindi nila matatanggap ito ng basta basta, and I was decided also noong pumirma na ako sa kontrata. Tama wala ng atrasan, I just need to follow the contract or else malalagot ako kay Bryan.

Mabilis na naglapitan ang dalawa kong kapatid at talagang takang taka sa narinig, si inay ay tiningnan ko naman kasi nagaalala ako na baka hapuin ito. Kalalabas niya lang ng ospital kaya't mahirap ng masugod siya ulit.

Mabilis ang pag-amin ko, omitting the parts that it's only a deal between me and Bryan. Katakot takot na pangaral ang inabot ko kay itay kahit din sa dalawa kung kapatid ay talagang napagsabihan ako. Si inay ay napailing na lang sa akin, but I promised them na hinding hindi ko pababayaan ang aking pag-aaral. After the final exam for this semester ay isang taon nalang ang bubunuin ko ay makakapagtapos na din ako at ito ang ipinangako ko sa kanila.

Sa araw na ito ay whole day ang pasok ko sa school from 8 am to 5 pm, lunch break lang ang magiging pahinga namin from 12 noon to 1 pm. Nakataas ang kilay ni Lily sa akin na animo'y masusi akong pinag-aaralan. I know balisa at tahimik ako sa araw na ito at alam kong weird na ito para kay Lily.

"Bes, anong nangyari kahapon? Kuwentuhan mo naman ako ng ganap niyo ni Papa Bryan? Naiuwi ka ba ng maayos, hmm mukhang wala ka namang galos eh? Eh iyong nanay non nagkausap ba kayo?" tanong nito na parang pulis lang na nagiimbestiga.

"Jessica? Are you with me?" malakas na salita nito sa akin sabay hawak at yugyog sa aking dalawang balikat.

"Narinig kita Lily" sagot kong nanghihina dito sabay hawi sa kamay niyang nakahawak sa akin.

Love MovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon