Chapter 16

1K 17 17
                                    

Unti-unti na ngang bumibigat ang mga mata ko. Isa-isa na rin na pumapatak ang luha ko.

Sinasabi ng utak ko na nagsasayang na naman ako ng luha sa walang kwentang lalaki pero sigaw ng puso ko na oras na para harapin ko yung taong walang ginawa kundi saktan ako.

Gusto niyang punasan yung mga mata ko ng makita niyang umiiyak ako pero pinigilan ko siya. Kung last na iyak ko na to sa kanya tuloy-tuloy na. Hindi yung pupunasan niya tapos iiyak na naman ako. Pupunasan niya ulit. Pa-ulit-ulit hanggang sa masanay na naman ako. Tapos babalik na naman sa part na masasaktan ako paglumayo ulit siya.

"Hwag.. Sanay na ako na ako ang pumupunas sa mga luhang yan simula nong nawala ka sa buhay ko. Sabi ko sa sarili ko kanina kung iiyak ako, ako na ang pupunas.. Kasi kaya ko na naman.."

"Jaz.." ang hina ng boses niya non.

"Jed.. Kahapon naisip ko na itanong sayo lahat ng yun pero walang lumalabas sa bibig ko. Gusto kitang sampalin nung nasa Airport tayo pero hindi ko magawa kasi kahit wala na tayo at kahit na nasaktan mo ako, hindi nawala yung respeto ko sayo bilang kaibigan ko.."

"S-ss-sorry Jaz.."

"Wala na namang magagawa yang sorry mo Jed eh. Nasaktan na ako."

"Okay lang talaga saktan mo ako ngayon. Sumbatan. Curse me All you want."

"Why?"

Tinignan niya naman ako, pero hindi siya nagsalita.

"Bakit mo ino-offer na saktan ka?" parang sira din yung taong to. Ewan ko kung matatawa ako o ano. Pinunasan ko na yung luha ko non. Medyo nahimasmasan na din ako.

"Para naman makabawi ako sa'yo."

"Gusto ko gawin yung mga yun eh.. DATI." diniinan ko talaga. "kaso huli na Jed. Kung kinakausap man kita ngayon dahil gusto ko lang bigyan ng closure ang lahat ng to. Para matapos na yung gulo. Matapos na yung.. yung tayo.."

"Bakit?"

"Anong Bakit?"

"Bakit ganon lang kadali sayo? Na ganito na lang.." huminga naman siya ng malalim. Parang bigla siyang nanghina,"Tanggap na yung walang tayo?"

Dinaan ko naman sa tawa yung tanong niya  tapos sabi ko.. "Sayo ko naman itanong yang tanong mo.. Bakit?? Bakit ganun-ganun na lang??" that moment hindi ko na talaga mapigilan yung sarili ko. Humagolgol na ako.

Akala ko last na yung nauna. Hindi pa pala tapos.

"Jazz, hindi yun madali para sakin.. kaso.."

"kaso ang layo ko kaya hindi ka nakapaghintay??" ako na talaga yung tumapos.

At feeling ko tama ko. 

****

Binalot kamo ng katahimikan ng mga oras na yun. After ko na kinonclude ang lahat ng yun wala ng gustong magsalita.

Actually, gusto ko eh.Gusto kong magsalita at sabihin na okay na yun. Tapos na naman yung lahat ng yun. Okay na ako. Yung nag-sorry na siya solve na lahat. Pero hindi. Hindi ako ganyan kaplastik. Kasi hindi ako okay.

ALam ko, akala ko din na ma-o-okay na pag magkaka-usap kami pero habang tumatagal yung usapan namin lalong kinukwestyun ko yung sarili ko kung talagang okay lang ako. 

Pero wala kong masagot sa sarili ko kasi maski ako hindi ko alam yung nararamdaman ko.

"Hindi naman ganon Jaz.."

"Jed.. Tama na.. Tapos na eh. Kahit na ilang beses mong idepensa ang sarili mo, nasaktan mo na ako. Wala ng tayo.." pinilit kong ngumiti non. "Okay na ako.."

Kinuha niya naman yung kamay ko non. Tinignan ko siya sa mata nakita ko na yung namumuo niyang luha. Gusto kong unahan siya pagpunas sa mga luhang yun pero pinipigilan ko yung sarili. Kasi hindi tama. 

"J-jazz.. Mahal mo ba ako??"

Nginitian ko naman siya, saka ko hinawakan ang pisngi niya. "Dati? Oo. Ngayon bilang kaibigan.. Oo. Kaya nga kahit ano ang desisyon mo at kung ano ang makapagpapasaya sa'yo magiging masaya na rin ako."

Sinuklian niya naman yung ngiti ko fro the first time. "Kasi ako Jaz.. I can't remember when I didn't."

Hindi ko alam kung ano yung reaction nong mukha ko non. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko non. Ang alam ko lang..

Nong hinalikan niya ako pinabayaan ko siya. Pinabayaan ko siya na maski ako napabayaan ko na ang sarili ko na suklian yung mga halik na yun.

"Wala na ba talagang Chance?" sabi niya na hindi hinihiwalay yung mukha niya sa mukha ko.

"J-jed.. Wag na nating ipilit.."

Niyakap naman niya ako ng mahigpit. Hinaplos haplos niya yung buhok ko. "Kaya ko naman na kalimutan si Chereese para sayo."

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya. Kung kanina nahihirapan ako na hilahin siya ngayon sobrang gaan niya.

"NO JED. WALA NA." I'm not shouting. Dinidiinan ko lang for Emphasis. "May mga kanya-kanyang buhay na tayo. Let's just deal with it. Ikaw din naman yung may kasalanan. Oo sayang pero Wala na JEd. Hanggang dito na lang yung kaya ko."

Niyakap na naman niya ako.. "Please Jaz.. I've been waiting for this moment for eigth years hoping that you'll give me a chance, I don't know how to live life without you in it." Humiwalay naman siya. TInignan niya ako sa mata. For some reason nakikita ko yung sincerity niya. "Please. Let's Try.. I'll do everything."

"s-s-sige."

Gusto kong i-try, kahit alam ko na kung ano yung patutunguhan. Kahit na natatakot ako sa pwedeng mangyari. Kahit na hindi ako sure sa nararamdaman ko sa kanila ni Marky. 

Til Death Do us Part [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon