Chapter 12

1K 14 2
                                    

Hindi na ako natulog buong byahe kahit na nababagot na ako. Hindi ko rin naman makausap ang tatlo. Si Glady kasi natutulog, hindi ko na lang nga pinansin kasi alam ko naman na matakaw siya sa tulog. Si Andrei naman nagda-drive. Ayoko naman na disturbuhin siya at gumagabi na baka mapano pa kami. At si Jed naman.. Ayun! Hindi na ako pinansin katapos niya akong sungitan. 

Naisip ko tuloy baka meron siya kaya nagmo- moodswings.

Hmmmp. Para yung nananaginip lang nga yung tao maingay na. Sana naman noh hindi siya naggaganon kaagad. Pagod pa naman ako.

Tiniis ko na lang nag isang oras na byahe na nakatikom lang yung bibig ko. Feeling ko magkaka-bad breath ako sa ginagawa ko. 

Past 7 na ng makarating kami sa Labas ng bahay. At 8:00 PM na ako ng makapasok. Ang tagal ko kasing nakapagplano kung paano isusurprise sila Mamu. Dami-dami kong plano yun pala ako lang masusurprise.

Ganito kasi yun.. Si Andrei ang unang pumasok sa aming apat.

"Tita!! May Surprise aa--aako.." ang bagal na niya magsalita non. "San po ang Punta niyo?"

"Naku! Andrei Pasok ka.."

Pumasok naman siya. Nasa bintana lang kami non kaya kita at rinig ko yung pinag-uusapan nila kaso hindi ko makita sila Mamu. Bwesit din kasi tong Malaking Flower Vase sa harapan ko..

"Upo ka Hijo.." si Papsy.

Umupo naman si Andrei..

"Ano nga uli yung sinasabi mo kanina?"

"Ah--ehh-- W-wala po.." anong Wala? "Saan po ang punta niyo??" sabay turo ng nasa harapan niya na hindi ko alam kung ano.

"Sa Davao. Emergency kasi. Na-ospital ang kapatid ko.. Saka Bibisita na din kay Kathryn. Alam mo naman yun.. Hindi pa umuuwi dito mula ng makapagtapos, mukhang sinunod yung mga ginagawa ng ate niya na hindi na umuuwi.."

"Yun na nga ang gusto ko pong sabihin sa inyo Tita eh.." sabay kamot sa batok.

"Ano yun Hijo?" tapos lumapit si Mamu sa tabi niya saka kinomfort. "Alam ko miss niyo na si Jazmyn, pero hindi talaga namin siya mapilit.. Alam mo na--" Hindi ko na tinapos yung sasabihin  ni Mamu. Pumunta na talaga ako sa harap ng Pinto at binuksan yun ng bonggan-bongga.

"Kaya nga Andito na ako MA!!!! I MISS YOU!!!" dali-dali naman na lumapit silang dalawa saka yumakap.

"Thank God at Umuwi ka na rin dito. Sana nagpasabi ka para naman mapasundo ka namin." sabi ni Papsy.

"Papsy.. Okay lang.. Nandito naman na ako saka Sinundo ako ni Andrei.."

"Sino palang kasama mo?"

"Si Gady ho, saka si--"

"Si Andrei.. Kaming tatlo lang po." inunahan ko talaga si Andrei. ALam ko na bubukuhin niya ako kanila Mamu. 

"San na si Glady??" sabay silip sa pinto. "Namiss ko yung batang yun ah."

"Ah.. Kakauwi lang po. Sinundo kasi siya ng Tita niya sa labas kanina." kahit na si Jed talaga yung naghatid. Nagsinungaling lang ako. Hinanap na nga si Glady sakin ako pa hahanapan kay Jed kung sakasakali. Hindi naman tama yun. Ano ako? Hanapan ng taong nawawala? Saka pakialam ko na kay Jed na yun.

"Ganun ba? Pakisabi na bumisita siya sayo paminsan-minsan.. Wala ka pa namang kasama ngayung linggong to."

"WHY???" as in malaking why yun.

Til Death Do us Part [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon