Sa tinagal-tagal kong kaibigan tong dalawang to ngayon ko lang narealize na nakakakilabot pala pagkasama mo sila. Actually ini-exagerate ko lang. Papano ba naman, habang amg-s-speech si Queennie para sa batch namin akalain niyong pinatugtug ang careless whisper as background music. Kahit na masamang-masama na makatingin si Queennie sa kanila hindi pa rin sila paawat kaya isang malakas na batok lang naman ang naging reward nila kaya lang walang epekto kasi nong paupo na si Queennie hinila naman nila yung upuan niya. Napaka-plastic ko kung hindi ako natawa non.
"IKAW SIMON!! PAPATAYIN NA TALAGA KITA KUNG HINDI MO ITITIGIL YAN!!"
"HA-HA-HA! Makakaya mo? Maraami yata akong witness." sabay gala niya sa mga mata niya sa loob ng Elizabeth Hall.
"Naku Queennie! Hayaan mo na yan. Hindi pa talaga yan nakaka-get over sa'yo kaya ganyan yan!" Get Over? Tinignan ko naman si Simon na nakataas pa ang kilay ko. Mukha nga akong Jealous Girlfriend non.
"Later." tapos tumawa na naman siya. "Baka si Queennie yung hindi pa nakaka-get over sakin Jane."
"YUCK! Nahiya naman ako don!" tapos inirapan siya ni Queennie.
Nakakatuwa lang na grabe sila mag-asaran ngayon eh dati hindi naman sila ganito. Ang pormal nga nila. Binato ni Simon ng Cherry mula sa cake si Queennie. Si Queennie nammna parang punong-puno na non, kaya tumayo siya at binagsak yung kamay niya sa lamesa.
"ANO BANG PROBLEMA MONG LALAKI KA??" pulang-pula na yung mukha niya non, talagang asar na asar na siya sa katabi ko. Habang si Simon naman pangisi-ngisi lang. Sino namang matinong tao ang hindi maasar niyan?
"Ikaw.." tapos tumikhim siya ng konti. "Ikaw yung Problema ko." tapos tumingin ng derecho kay Queennie. Lahat naman kami nag-ayeeee. Isali mo na rin tong si Jane na hinampas-hampas si Orlando na nasa kaliwa ko dahil sa kilig.
"A-ano?" nabubulol pa si Queennie non.
"Pinoproblema ko kasi kung papano ka maka-get over sakin." sabay-sabay naman kami na nagtawanan non. Si Queennie kinukuyom na lang yung Kamay niya.
"Actually Queen, Pinoproblema niya pano ka niya isasayaw mamaya.." Yun naman pala eh. May pakinabang naman pala si Orlando.
"Pakisabi sa kanya na problemahin niya muna paano ako papayag." tapos naupo siya.
Si Orlando naman tinukso pa so Simon at inulit pa talaga niya yung sinabi ni Queennie.
"Narinig ko naman eh." bulong niya sakin na nakayuko na at walang gana.
Hindi ko alam ano yung ibig sabihin ng tuksohan nila kanina, pero kung ano man yun mukhan nararamdaman ko kung gaano kalungkot si Simon. Well, parehas lang kami ng nararamdaman ngayon.
8:00pm na ng mag-umpisa kaming kumain. After nong mga 20-30 minutes non pinatay na nila ang ilaw at yung spotlight nandun na sa Emcee.
"As Promised kanina.. Sweetdance yung unang sayaw at siya rin ang last. But before that.. May nagrequest na haharanahin daw muna niya ang isang tao na naging kasintahan niya.. so let's all welcome.. Mr. Black Panther." Nagpalakpakan naman kami. Marami din yung nag 'yeeee' saka nagtitilian.
"Another day passes by and I'm dreamin' of you
And though I know it might be just a dream, dreams come true
Somewhere, somehow I'll find you
even though it takes all of my life
BINABASA MO ANG
Til Death Do us Part [Under Construction]
Teen FictionGuys Thanks For Reading this :))) Sobrang Naappreciate ko yunnn! ^_^