Ang lakas talaga ng tama ni Marky eh noh? Lahat yata ng audience kagabi nabigla rin sa pinaggagawa niya. Siguro nga walang hindi kinilig sa pinag-gagawa niya. Aba maski ako naman aaminin ko kinilig ako. Ikaw ba naman Haranahin sa harap ng maraming tao at yayain na magpakasal. Hindi lang yun talagang kinausap niya pala sila Mamu sa Davao at napapilit niya ang mga pinsan at si Kath na Umuwi dito. Dinamay pa niya ang Tito ko saka si Direk Allan. Nakaplano na pala lahat. Yun naman ang pinakagusto ko sa lahat ng attitude niya kasi kahit na ang cool niya hindi siya yung tipo ng tao na 'bahala na' nakaplano talaga lahat.. lahat ng gagawin niya ngayon, lahat ng sasabihin niya, kulang na nga lang every step i-rerecord niya..
May plano nga pala kami na bisitahin ang Mama ni Carl ngayon kaso wala siya. Nagtaka naman ako. Puro puri yung ginagawa ko dito tapos madadatnan ko na lang sa hotel na tinutuluyan niya na wala siya. Nakakainis naman masyado yung taong yun.. Pero alam ko naman na may lalakarin daw muna siya kaya binigyan ko naman siya ng Isang oras, hello? kibago-bago niya dito tapos alangan naman na magtagal siya sa labas eh kung mawala yun? Hala! Baka nga nawala na yun!!
"O? Ano naman yang mukhang yan?" puna ni Shane.
"Nag-aaalala kasi ako sa taon yun eh.. Akala ko isang oras lang siya mawawala.. Mag-iisa't kalahating oras na oh?" sabi ko turo ko yung relo ko..
"Ba't di mo itext?" oo nga ba't di ko na lang itext?
"Pahiram nga ng Phone mo.."
"E san pala yung sa'yo?" nagtaka naman siya pero inabot naman niya yung Cellphone niya.
"Na kay Marky.. Naiwan ko kagabi kaya nga kanina kay Mamu na lang siya na nagtetext.." sabi ko na nagpipindot na sa Cellphone ni Shane.
To: +639212957***
Marky, san ka na ba? Buhay ka pa? Alam mo nag-aalala na ako sa'yo.. Nandito na ako sa Hotel..
"Salamat." sabay abot ko kay Shane ng Phone niya.
"Ano ka ba Wala yun. Tara! Marami pa tayo pagbibigyan nitong Invitation Card mo.."
"Hindi ba pwede na i-GM na lang natin yung mga iimbitahan??"
"Ikaw ang tamad mo! As if naman may Cellphone ka diba?"
"Eh kasi naman.." nilibot ko naman yung panigin ko sa buong paligid. "Nag-aalala na ako sa mokong na yun.. Ano kaya kung ikaw na lang ang magbigay niyan sa kanila saka pumunta sa bahay ila Carl?? Dito na lang ako.. Hihintayin ko yung mokong na yun.." She rolled her eyes.
"Ano ka ba? Hindi yun napano.. Saka malay mo kasama niya yung mga kaibigan natin na lalaki.. Saka malaki na yun alam na niya paano umuwi. " Sabay Hila niya sakin..
60 na Invitation yung dala-dala namin. Maliit lang naman yung bayan namin kaya okay lang na i-do-door to door namin yung pagbigay ng Invitation. Nakakatawa nga kasi napagawa na to sa Cebu pa. So kahit na nag-no pa ako eh nakagastos na nga malaki si Marky. Sali mo na diyan yung Catering, yung renta sa Theater group, sa sound system na alam ko worth 30-40 thou din yun. Hindi pa kasali yung Engagement ring na dala-dala niya. Buti na lang talaga at libre lang yung pagtira niya sa hotel.
60 na Invitation yung dala namin, 20 na lang yata ang natira. 2pm na katapos nito sa bahay naman nila Carl yung punta namin kasi gusto ni Maam Merlin na bisitahin siya at mukhang hindi siya makakarating. Well hindi lang naman siya yung nag-iisang hindi makakrating ng Party eh.. Marami-rami rin yung hindi sigurado at yung nagsabi na hindi talaga sila pupunta kasi naman eh.. Ngayo pa nagbigay ng invitation tapos mamaya na ang party. Sino naman ang handang sa sumabak sa ganyanan na parang minamadali? Sabi ko na kasi na wag na lang siguro magpaparty kaso mapilit tong si Marky. Gusto daw niya may Formality.. [yun nga yung gusto niya parati. FORMAL.] Sabi niya na dapat daw na magcelebrate din kasi umuoo ako. Eh alam na kaya yun ng buong bayan. Maski nga siguro yung karatig bayan alam na eh.
2pm na pero di ko pa rin nakikita yung Anino ni Marky. Hindi ko naman mabasa kung nag-reply na siya kay Shane kasi Bat. Empty na si Shane.. May 20 pa na kailangan dalhin namin sa municipyo at may ininvite kami na kakilala ni Papsy don at siyempre si Tito kahit na hindi ako sure na pupunta siya..
"Congrats nga pala.." Napatingala naman ako sa lalaking nakaharang sa harapan ko.
"J-jed.. uy! S-salamat.."
"Wish you all the best!" naka-todo fake smile pa siya. Kilala ko kaya siya para mag-ganyan-ganyan sa harap ko.
Nag-nod lang ako ng konti saka kinuha yung isang invitation, "Nahanap mo na sila??"
"Oo. Masaya nga sila eh.." sabi pa niya.
"Masaya di ako para sa'yo.. siya nga pala.. Ito o.. M-may Party nga pala mamaya.." sabay abot ko ng Invitation na yun.
"Your ENGAGEMENT party.." sabi niya that I can really tell na with bitterness ang pagkasabi niya.
Tumango lang naman ako. Alam ko ang tanga ko para i-invite siya sa party ko. Pero Kaibigan ko naman kasi siya.. Ano ba sa tingin niyo ang tama? Imbitahin ko siya kahit na alam ko na mababastos siya sa ginagawa ko at madidisappoint lang ako kasi di siya pupunta? o Wag na lang kaya? Kasi.. kasi hindi tama.. Pero andito na eh. Inaabo ko na nga so wala na talagang atrasan.
"Meron na ako niyan.." sabay taas niya sa hawak niya na Envelope, na naka-address pa talaga sa pangalan niya. Hindi ko naman nakita kanina na may hawak siya.. Sino??
"S-sino yung...?" wag na nga lang baka sila Mamu yung nagbigay o kaya si Kath.. Close siya sa taong to eh.. "Pupunta ka ba mamaya?"
"Para makita ko kung gaano ka kasaya??" He said Sarcastically tapos nag-smirk siya.. "I don't know.." sabay yuko niya.
Siguro intindihin ko na lang tong taong to. Tinutopak eh.
"Jaz, Pasok na tayo.. uuhm Jed" lingon naman siya kay Jed. "Alis na kami ha?? Nagmamadali na talaga kami.."
Tumalikod naman kami.. At hinila niya ako. Ang bilis nga na maglakad eh.
"Sige.. Bye.." sabi na lang ni Jed sa likod namin.
"Nagmamadali??" bulong na tanong ko kay Shane.
"Sabi ko lang yun.." sagot niya na hindi makatingin sakin. "Kasi kung hindi ka umalis don Feeling ko any moment eh sasama ka sa taong yun at kakalimutan mo na engaged ka na kagabi pa. Kung makatitig eh..." binitiwan naman niya ako at nauna na umakyat sa hagdanan. "Hayaan mo na nga lang ako.. Basta halika na.."
Napahinto naman ako. Ano ba yung expression ng mukha ko kanina? Natutuwa? Nagui-guilty? Nalulungkot?? Bakit ba? Hindi ko alam eh. Pero hindi ko rin alam kung tama ang hinala ni Shane na yun yung nasa isip ko. Kasi ang alam ko na iniisip ko kanina eh.. Ano ba ang iniisip ko kanina? Diba yun lang? Iniisip ko na kausap ko siya??
"JAZMYN!!!!!!" narinig ko na lang na tawag ni Shane..
"Naryan na!!" sigaw ko.. Parang kami kami lang yung nandito sa municipyo eh no?? Mas malala pa yung ginagawa namin dati dito kaya inis na inis si Tito sakin dati.
Bago ako umakyat, tinignan ko yung kinatatyuan ni Jed. Wala na siya.. Oo nga Wala na siya sa buhay ko. Nabura na.. Binura ko na kasi may bago na. May pumalit na na alam ko mas papanindigan ako at di ako iiwan.
BINABASA MO ANG
Til Death Do us Part [Under Construction]
Teen FictionGuys Thanks For Reading this :))) Sobrang Naappreciate ko yunnn! ^_^