Kinain ko yung sinabi ko kasi ngayon, naglalakad ako patungo sa kanya.. Ngayon buong buhay ko na yung sinusugal ko sa pangako niya. Hindi ako sure kung totoo yung sinasabi niya. Hindi ako sure kung hanggang kailan.
Sabi ng isip ko 'Wag na', pero mali yata ang pagkalagay ng utak at puso eh kasi yung puso ko pa rin ang sinusunod ko kahit sabi nga ng teacher namin eh nilagay ang utak above your heart to be superior to at hindi para balewalain. Alam ko the safest way to mend a broken heart is to follow your brain kasi practicalan eh. Kaso sa sinabi niya nag-iba yung quote ko sa buhay. Sa ngayon, para sakin.. the Best remedy for a broken heart is to love again.
Nilunok ko na pride ko. Nakain ko na ang sinabi ko kasi ngayon Bahala na si Kupido kung ano ang ibibigay niyang Challenge sakin.. samin.. pero sa ngayon ito munang puso ko ang pakikinggan ko. Ito munang puso ko ang susundin ko, kasi gusto ko munang sumaya. Gusto ko munang maging maligaya uli sa taong pinakamamahal ko mula nong nakilala ko siya. Hindi naman siguro masama yun diba?
Dama ko yung kaba. Naririnig ko rin yung heartbeat ko. Alam ko masaya ako sa loob-loob ko pero ewan ko kung bakit pilit yung mga ngiti ko sa kanya. Naluluha pa ako na nakatanaw sa kanya na nakatayo sa harapan ko.
"Masaya ako na siya ang pinili mo.." bulong ni Mamu.
"Sabihin mo lang pag di ka pinanindigan niyan at malalagot sakin yang lalaking yan.." pabiro naman na sabat ni Papsy.
Kasabay ko ngayon sila na naglalakad. Ang ganda-ganda ni Mamu sa kulay Pink niya na damit. Nakalugay lang ang buhok niya. Hindi halata na 62 na siya. Si Papsy na man binatang-binata sa suot niyang Barong tagalog na may konting shade pa ng Pink. Ako naman..
Nakaputing gown ako na abot hanggan sahig ang haba. Bigay to ni Marky.. Sabi niya regalo niya na to kasi sinuli ko na yung singsing na binigay niya. Gusto kong tumanggi pero alam ko na masasaktan siya sa pangalawang beses na tatanggihan ko siya.
May mga konting pink beads din yung gown ko. Halos kaparehas ng shade sa mga tao na naglalakad sa unahan ko. Parehas sa gown ni Mamu at halos kaparehas sa polo sa tao na naghihintay sakin na naka-amerikana pa na nakatayo sa harapan ng Altar.
It's January 2, 2009. Bagong taon. Bagong buhay. Bagong Apelido para sa kin. Naglalakad ako ngayon sa harap ng Altar, Kasabay kong maglakad sina Mamu at Papsy para ibigay ang kamay ko at blessing nila samin, at Oo naghihintay sa harapan ko ang taong tunay na makapagliligaya sakin-- Si Jed.
"oh.. Wag ka ngang lumuha-luha diyan." napatingin naman ako kay Papsy. Kinakanchawan si Mamu.
"Sino ba naman ang hindi iiyak? Parang kahapon lang ang bata-bata pa nito ngayon ikakasal na." sabi pa niya na pinapahid yung luha sa gilid ng mata niya.
"Ma, Pa.. Ikakasal ako. Hindi ako lalayo sa inyo." ngiti-ngiti pa ako na tumingin sa kanila.
"Iba pa rin yung sa bahay ka uuwi." Si Mamu ang Drama eh noh?
"Bibisita naman ako eh.."
"Bibisita naman pala eh. Wag ka na nga mag-emote diyan Virgillia.."
Pasimpleng niyakap naman ako ni Papsy sa pag-akbay niya sakin at diin niya sakin sa side niya. "Mamimiss kita Miss Lim." Bulong ni Papsy. Last hour ko na pala na maging Miss Lim. Parang ang dali ng panahon.
Habang palapit kami ng palapit sa Altar palakas rin ng palakas ang kabog sa dibdib ko. Nako-conscious tuloy ako kahit alam ko may nakatakip sa mukha ko..
It's January 2, 2009. Hindi na kami nagdalawang isip na magpakasal after niya na magpropose. At Oo hindi din kami masyado na nagmamadali. Sabi nga nila sa walong taon na hintayan naming dalawa dadagdagan pa ba namin yun? Hindi na siyempre. Tama na yung Eight years na pagpapaloko. Panloloko. At nakakaloka naming Hintayan.
BINABASA MO ANG
Til Death Do us Part [Under Construction]
Dla nastolatkówGuys Thanks For Reading this :))) Sobrang Naappreciate ko yunnn! ^_^