"Carl.. nandito ka?"
"Obvious nga diba?? Alangan naman ba na picture niya lang yung nandiyan?" pamimilosopo ni Shane.
Inirapan ko naman.
"Bakit Jaz?" tawa lang ng tawa si Carl.
"K-kasi.."
"Kasi yung mapapangasawa niya nawala na lang na bigla sa Hotel. Baka kako tinakbuhan na siya ng taong yun nag-aalala siya." tawa naman ng tawa si Shane.
"Nakakatawa eh no?" Binatukan ko nga. "Hindi mo ba alam asan sila?" tanong ko kay Carl.
"Hindi Jaz eh. Buong araw kasi ako na nasa bahay lang at hindi Umalis.. Congrats nga pala. Sa dami ng ng bumati sa'yo kagabi ewan ko kung naalala mo na binati kita."
"Aba oo naman Carl! Kaw kaya yung makulit na hindibinitawan yung kamay ko sa kaka-shake."
"Magkukumustahan lang pala kayo eh. Mauna na ako.." pagpapaalam ni Shane.. Pipigilan ko pa sana siya kaso nakalayo na siya.
Tawa pa rin ng tawa si Carl saming dalawa ni Shane. Itong taong to parang dalawa lang yung Emotion eh. Kung hindi Masaya Malungkot. Hindi ko pa nga nakikita na nagjojoke to. Ikaw talaga yung hahanap ng paraan na mapatawa sya.
Ilang sandali pa nagpaalam naman siya na Aalis at tatawaing daw muna niya si Mama niya. Okay lang naman na maiwan ako na mag-isa sa sala hindi naman na ako Others sa kanila. Talagang ganito kami magbabarkada eh. Tinuturing namin na Family yung Family nila kaya naman close na close na talaga kami.
Nasa bahay na pala ako nila Carl non. Katapos talaga na maubos yung Invitation na pinamimigay dumiretso na kami. Dapat sana kasama ko si Marky eh kasi gusto siya makilala ni Miss kaso para na lang siyang bula na nawala sa Hotel na tinutuluyan niya. Nakakainis pa don hindi ko man lang siya macontact kasi wala yung phone ko. Si Shane naman kanina naubusan ng Battery. At ngayon nakalimutan ko na hiraming yung Phone ni Carl. Oh? Diba nakakainis lang?
"Jazmyn Hija.." nilingon ko naman yung boses.."Pasensiya ka na at natagalan ako.." sabi niya na inaalalayan na maglakad ni Carl. "Alam mo naman na ang tanda ko na."
"Okay lang po." nagmano naman ako nong nakaupo na siya.
"Akala ko kanina kasama ka ni Marky. Hindi niyo man lang sinabi na iisa-isa pa pala kayo na pupunta dito.." Kanina?? Iisa-isa??
"Ho??"
"Kelan yung 'kanina' mo ma??"
"Kaninang 11 na yata yun ng umaga. Tulog ka pa non eh.." Sagot niya kay Carl. "Sabi niya may pupuntahan daw siya. Timing daw naman eh malapit lang yung bahay sa pupuntahan niya kaya nagtanong na siya san yung bahay namin. Alam mo naman na matagal na kami dito alam na alam na ng nasa labasan ang bahay ko.." tumawa naman siya non.
Habang may sinasabi siya napaisip naman ako. Bakit ba na parang ang Weird ni Marky ngayon? Akala ko umalis lang siya tapos ngayon naman nalaman-laman ko na lang na pumunta pala siya dito kina Miss. Nakakainis pa don parang nagsinungaling siya sakin. Ano na naman bang balak ng lalaking yun? Another Surprise? pero parang hindi eh.. At Hindi ko talaga alam eh wala rin naman akong maisip.
"Jaz?? Jazz??" hindi ko man lang napansin na nasa harapan ko na si Carl at tinatapik-tapik ako sa balikat.. "Okay ka lang??" Worried yung mukha niya non eh. Ano ba yung nangyayari sakin? Ang dami ko na sigurong iniisip.
BINABASA MO ANG
Til Death Do us Part [Under Construction]
Teen FictionGuys Thanks For Reading this :))) Sobrang Naappreciate ko yunnn! ^_^