Chapter 24

928 20 8
                                    

Nagsayaw na kami non. Ewan ko ba parang naiilang ako. Sinamhan pa ng tugtug na I Love You Goodbye. 

Nasa harapan ko siya ngayon pero hindi ko magawang isabi sa kanya yung mga napag-desisyonan ko. Ganito pala kahirap no? Gusto mo na gawin yung tama pero parang kalahating hakbang pa nga lang yung ginawa mo nahihirapan ka na. Yung alam mong nasa tama ka pero sa twing nakikita mo siyang masaya parang may mali eh. Parang may hindi tama. Parang may kulang sa napagdesisyonan mo. Sabi ko nga dati madai lang ang sagot sa mga tanong but we're just too coward that we can't accept the consequences.

Yes, I just can't accept the fact that this is the very last dance. The last holding hands. Ito yung huling gabi na ngingitian namin ang isa't isa ng ganito at magtitinginan ng parang wala ng bukas.

"Hindi mo ako pinagbuksan kagabi ah." sabi niya nong nasa second chorus na nong kanta.

"Sinadya ko .."

"Wag mo ng ulitin. ALam mo bang nag-aalala ako sa'yo kagabi at baka napano ka na?"

"Kasi Jed.."

Niyakap naman niya ako. PaPano ko ba sisimulan ang sasabihin ko.

"Thank God. After eight years." tinulak ko naman siya pero mahina lang. Yung para humiwalay lang siya ng konti. Nilibot ko naman yung mga mata ko sa paligid at chineck ko na walang makakarinig.

Nakita ko sa paligid sina Queennie at Simon na nagkayakap. Si Andrei naman at si Glady sumasayaw pero halatang nagmamasid lang kasi patingin-tingin samin. Nahagip naman ng mata ko si Kuya K.R. kapatid ni Chereese naka-smile lang siya at nag-thumbs up. Minsan tuloy naisip ko nong time na yun kung kapatid ba talaga niya si Chereese at bakit parang natutuwa siya na kami yung magkasama ni Jed. Kahit naman na ayaw niya kay Jed maliit na rason yun kaysa naman mapahiya ang kapatid niya at ang pamilya niya.

Tinignan ko siya. Sumunod naman siya sa distansya na pinafeel ko sa kanya gamit ang pagtulak ko. Alam ko nagtataka din siya.

"Jed, After eight years.. Masaya ako na.. na andito tayo ngayon. We've given each other a chance to forgive each other and be friends again. Alam ko nahihirapan ka na.. Ako din naman eh.."

"What do you mean??" sabat niya. "Hindi naman ako nahihirapan ah?"

Hinarap ko naman yung palad ko sa kanya. "Patapusin mo muna ako okay??" huminga naman ako ng malaim. "Jed kasi.."

"Excuse me Sir.." kinalabit naman siya ng guard sa likod niya.

"Mamaya na okay?" inis na saway niya sa guard.

"Sir kailangan talaga eh."

Ako naman na yung nainis. Kung kailan ko tatapusin yung sasabihin ko saka naman na may iistorbo. Gusto kong isipin na ayaw yata ng tadhana paghiwalayin kami pero hindi pwedeng yung tadahana yung kapitan namin sa ganitong siwasyon.

"Sige, unahin mo na yan baka importante." binitiwan ko naman ang kamay niya tapos nahinto kami sa pagsasayaw. 

Kahit medyo dim Nakita ko na may inabot na kapirasong tissue yung guard. Binasa naman niya yun gamit ang ilaw sa Phone niya. Siguro maiksi lang kaya mabilis niya ring nalukot. And He's face too. Parang gusto niyang sapakin si Manong Guard non.

"Sa'n  na yung nagbigay nito?" talagang inis na inis na yung mukha ni Jed non.

"Yun po." may tinuro ang guard sa likod ko. Lilingonin ko sana ng hinawakan naman ako ni Jed sa magkabilang braso.

"I'll text you. May kailangan lang akong ayusin.." tapos huminga siya ng maalalim. "But if I have to choose in time, At hindi na ako nagpaparamdam sa'yo.. Sorry.. I Love you but I don't wanna lose them Especially Carlisle." nahihirapan siyang sabihin yung mga yun ako din nahihirapan na i-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya. How dare him?

"Goodbye.." yun lang ang tanging nasabi at nagawa niya ng umalis siya. Maski yakap wala. 

"Baby, It's never gonna work out

I love you....goodbye"

Isang iyak na lang talaga ang pinakawalan ko sa gitna ng dance floor. YUmuko na lang ako at wala akong mukhang ihaharap sa mga tao sa paligid ko. Ano ba naman yung hinintay niya na matapos yung kanta at makaupo ako saka siya umalis. Bago siya nakapag-paalam. Alam niya ba anong kahihiyan yun? 

Ito yung ayaw kong mangyari eh, yung mamili siya. Kasi ako yung masasaktan. Tulad ngayon. Piangtitinginan na ako ng mga tao sa paligid ko. Ako naman itong dakilang tanga at hindi pa tumakbo palabas ng hall nong time na yun. 

ALam mo yung feeling na inunahan ka niya sa desisyon na dapat sana sasabihin mo sakanya. Pianghandaan ko to eh tapos tinakbuhan niya lang ako for the 2nd time. Nong una Eight years ago. Tapos ngayon naman. Ganito pala kasakit.

Ganito pala kasakit na iwanan ka na lang basta-basta ng taong akala mo nagbago na at gagawin lahat para sa'yo. Saan na ba yung pangako niya? Napako na naman? Bakit ba nagpapaniwala ako sa taong yun? Alam ko yung ginawa niya eh tama sa mata ng nakararami at sa mata ng Diyos pero pano naman ako?

"Jaz.." tumingala ako. Nandun si Orlando, Simon at Quennie. Pare-parehong nag-o-offer ng Kamay sakin.

Hindi ko sila pinansin. Sa halip ay yumuko ulit ako at nagpatulo ng luha. The Great Jazmyn Lim Fooled once more. Ang tanga-tanga ko!

"Jaz?" malayo yung pinanggalingan ng tinig pero kilala ko yun. "Jaz, are you okay?" naramdaman ko naman na yumuko siya sa harapan ko na sinisilip ako. Nainis naman ako. Ewan ko kung bakit sa kanya. Siguro kasi Nainis ako sa tanong niya. 

"DO I LOOK LIKE I'M OKAY??" sigaw ko sa kanya habang tinuturo yung sarili ko.

"IKAW? IKAW?" tinuro-turo ko na yung mga tao don. "ANONG MARARAMDAMAN MO KUNG INIWAN KA? ANONG MARARAMDAMAN MO KUNG MANG-IIWAN KA? ANONG MARARAMDAMAN MO KUNG YUNG TAONG NANGAKO SA'YO NA MAMAHALIN KA  HABANGBUHAY AY INIWAN KA NA? HOW CAN YOU SAY YOU'RE OKAY? PANO MO MASASABI NA OKAY KA KUNG YUNG TAO LANG NA YUN ANG MAGPAPA-OKAY SAYO EH INIWAN KA NA???" humagolgol na ako non. Bahala na kung para na akong sira nito.  "HINDI AKO OKAY. AND I DON'T KNOW I WILL EVER BE! ANG ALAM KO GINAWA KO LANG KUNG ANO YUNG TAMA SA PANINGIN NIYO"  kaharap ko na silang dalawa non.

"Now Glady.." humarap ako sa kanya tapos kay Andrei. "Andrei?! You Happy now? Masaya na kayo na wala na kami??"

Tumakbo na ako non. Gusto ko ng umuwi bahala na kung naka-mini dress pa ako. gusto ko lang talaga na umiyak sa bahay. 

Kalalabas ko lang ng Hall non ng pinilit ko na i-on ang CP ko. Hindi naman gumagana. 

"Sabi ni Simon Ihatid na kita." taps nag-smile siya. "Halika na.."

Til Death Do us Part [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon