Walong taon na pala ang nakalipas. Walong taon na hindi ko nakita yung taong pinakamamahal ko. Yung taong nandiyan nung oras na kailangan ko ng kausap, kadamay at bestfriend. Walong taon ko n apalang hindi nakikita si Jed.
It was High school when we made a Deal. Na magkikita kami ulit after four years, pagnaka-graduate na kaming dalawa. Hindi ko lama yung deal pala na yun ay hindi na aabot pa ng apat na taon gaya ng napag-usapan.
*FLASH BACK*
"Jazz na lang kasi Marky.. Para naman akong pusa sa kaka-Myn-Myn mo eh."
"Ayoko nga ng Jazz na yan. Parang bibili lang ako ng Jaz cola pag yan ang tinawag ko sayo."
Nagtawanan kami. Gusto niya kasi tawagin ako ng Myn-Myn para daw cute. Eh ayoko naman kasi hindi ako sanay. Sabi naman niya na Cebu na ito, ibang Lugar.. Masanay na daw ako sa ibang nickname.
Ayoko sana eh, kaso.. Siyempre si Marky yan. Kahit naka-capital pa yang ayaw mo na yan hindi yan makikinig. Mas matigas pa sa bakal ang ulo niyan eh!
Kakalabas lang namin ng Library. Nagresearch kasi kami sa assignment namin sa Maternal and Child na subject. 2nd year na rin kami kaya duguan na ang mga lectures. Eksaktong pagkalabas namin ng Library eh nag-alarm na, kaya nagmadali naman kaming maglakad papunta sa room namin. Aba! ayaw yata naming ma-late. 3 days extesion at 395 din ang babayaran ko dun. Krisis na yata ngayon at mahirap ng maghanap ng Pera.
Nasa 4th floor pa kami. Isang floor na lang at malapit na kami sa kamamadali namin may nakabangga ako at natapon lahat ng bitbit ko, isama mo na diyan ang nameplate ko na hindi ko rin ma-explain kung bakit nasali sa mga nahulog. Ang tanga ko lang eh.
"Sorry po.." sabay namin nasabi ni Marky na nakayuko at pinupulot ang mga natapon kong gamit.
Tinulongan din naman kami ng lalaki, hindi ko pa nakikita yung mukha niya kasi nakayuko kaming parehas.
Inistrecth ko yung kamay ko. Para maabot ko yung nameplate ko pero naunhan ako nung nakabangga ko..
"Jazzmyn??" yung boses niya nun parang matagal na kaming magkakakilala.
"Opo." nakayuko pa din ako.. Inaayos ko yung mga papel-papel sa loob ng folder ko.
"Dito ka rin pala nag-aaral?" nung tinanong na niya yun, dun na ako nagtaka. Magkakilala ba kami??
Inabot niya yung kamay niya para makatayo ako. Actually dalawang kamay ang nasa harapan ko at nag-o-offeer ng tulong. Si Marky at itong taong hindi ko kilala.
"Kaya ko naman eh." sabay tayo. Nagulat ako pagka-angat ko ng ulo ko. "KUYA!!!!" ang saya-saya ko nun. "KUYA K.R.!!"
"Jazz!" siya naman parang hindi ko mapagtanto yung reaction. Masaya na nalulungkot na ewan. Konsensiya ba itong nakikita ko? pero bahala siya... Basta ako masaya ako na sa loob ng isang taon na paglalalgi ko dito sa Cebu may nakilala na ako na kababayan ko.
Napayakap ako sa kanya. "Kumusta ka na? Anong course mo dito?"
"IT. Sa nakikita ko ngayon eh Nursing ka."
Tumango naman ako. Siya napatingin sa kasama ko. Alam ko anong iniisip niya kaya mag-eexplain ako, kaya lang..
"I'm Glad that you've moved on.." moved on? What? "Okay lang yan Jazz. Malay mo hindi siya para sayo.. hindi kayo para sa isa't isa dahil mas gusto ng tadhana na maging kayo.." sabay tingin kay Marky na nasa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Til Death Do us Part [Under Construction]
Novela JuvenilGuys Thanks For Reading this :))) Sobrang Naappreciate ko yunnn! ^_^