Epilogue

1.4K 28 21
                                    

"Dadddy!!!!" sigaw nung bata sa may gate.

"Oh? Nasa trabaho pa.." Nagmano naman siya sakin. "Kumain ka muna ng Cookies oh."sabi ko sabay abot sa Cookies.

Kinuha naman niya. Ewan ko. Pero ang tahi-tahimik ng bahay.Naturingang madaldal kaming dalawa. Hindi naman kami nag-aaway o what-so-ever.

Pinulot niya yung Remote sa kabilang side niya tapos ini-on niya yung TV. At yun nga nakita niyang nandun si Spongebob. Mabobore lang ako kaya siguro do'n na lang ako sa kusina.

"Sa'n ka po pupunta?" halos lumabas yata yung puso ko sa dibdib ko sa gulat ko sa batang to. Naku't mabilis pa sa kidlat na nakarating sa paanan ko.

"Sa kusina.." sabi ko na turo yung kusina. "Kukuha ng maiinom natin." Kahit na hindi namna talaga.

"Ako na lang Po.. Umupo ka na lang muna diyan." parang mas matanda pa siya sakin eh.

Umupo naman ako. Wala naman akong magagwa kasi hindi ako mananalo sa batang yun. Nakatalikod na siya nong narinig ko na may umingay sa Gate.

"Hi Babe!!!" ang sigla lang niya eh.

"O. Nandito nga pala si.."

"Dadddddyyy!!!" OMG!!! mabibingi ako dito!!

"Pssshhh.." nilagay naman niya sa bibig ang hintuturo niya. "Nagugulat mo si Baby.." hinimas naman niya yung Tiyan ko..

"Sorry Baby.." ilalagay na sana niya yung kamay niya sa tiyan ko kaso nag-alinlangan siya. Tapos tinignan niya ako na parang nagtatanong. Kaya sabi ko Okay lang..

"Kailan po siya lalabas diyan sa tiyan ni Tita??" natawa naman ako sa tanong nitong si Carlisle.

"Sa July pa." sagot ni Jed na himas pa rin yung tiyan ko.

"April, May, June, July.." nagbilang siya sa kamay niya, saka hinarap niya samin yung nabilang niya. "4 months pa? Ang tagal naman."

Natawa naman si Jed kay Carlisle. "Parang Ikaw pa yung mas Excited ah? Bakit ka nga pala andito. Alam ba ni Mama mo to?"

"Opo..." tinrail niya yung sagot niya. I don't know bakit nag-aalangan siya.

"Bakit nandito ka nga?" ginulo pa yung buhok ng bata.

"Kasi po.. Wala po.." yumuko naman siya na parang nahihiya.

"Bakit nga??" tinignan naman ako nilang dalawa. "O sige ibulong mo na lang.."

Aba aba. Ngayon pa sila magsi-secret sakin eh araw-araw kong kasama itong asawa ko. Umupo na nga lang ako sa tabi, pero nakatuon pa rin yung tingin ko sa kanila.

Si Jed naman bigla na lang tumawa ng malakas. Hawak pa niya yun siyan niya. Ang Cute nga niya tingnan eh. Si Carlisle naman eh parang di natuwa sa inasal ni Jed at umupo na lang na nakayuko.

"Carlisle..." tawag niya sa bata na pinipigilan yung pagtawa.. Tumingin naman siya sakin. Tapos kay Carlisle uli. "Hindi naman Maaano si Tita Jazmyn saka ang Baby eh kasi andito ako..Hindi ko sila papabayaan. Gayumpaman Salamat." hinug naman niya ng konti si Calise and his Face lit up. Bata talaga.

Hindi nagtagal eh Umalis na rin si Carlisle at sinundo na siya ni Mommy niya. Inexplain naman ni Jed yung sinabi ni Carlisle sa kanya. Gusto lang daw niya na bantayan ang Baby at ako baka daw ano ang mangyari.. Well, inisip na lang namin na baka natatakot siya na maparehas kay Mommy niya na nakunan. Twas an Accident. Pero bata pa siya maybe he took it seriously. Ang masasabi ko lang sa batang yun alam ko sa paglaki niya eh magiging matinong lalaki siya. Syempre si Jed nagpalaki eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Til Death Do us Part [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon