Chapter 27

914 14 2
                                    

Masaya naman ang naging Pasko namin. Kasama ko yung barkada sa pagsalubong non. Umuwi naman sila sa bahay nila nong 25 tapos bumalik din nong hapon at don na naman natulog sa bahay. Ang Kulit nga eh. Halos apat na araw na kaming magkakasama. At halos apat na araw ko na rin na hindi nakikita si Jed.

Sabi ni Janelle kagabi eh pagkatapos daw nong Christmas ay bumyahe na ito para hanapin si Chereese. Naglayas kasi siya kasama  nong anak nila nong gabi ng Homecoming. Siguro hindi na niya natiis yung lahat ng nakikita at naririnig niya mula sa mismong pamilya ni Jed. I feel Guilty.. Guilty kasi parang kinuha ko yung atensyon na para sana sa kanya.

"Jaz, ito? Kakailanganin ba to?" tanong ni Orlando na tinaas pa yung Manok galing sa Freezer.

"Naku wag yan! Mag-no-new year.. hindi yan namin hinahanda."

"Huh? Bakit?"

"Ewan. Itanon mo na lang kay Mamu anong ihi-lihi yung sinasabi niya samin."

Sinimangutan naman niya ako saka binaba yung Manok.

Nasa Grocery store na pala kami sa bayan at namimili ng pupwedeng gamitin sa sa New year. Kasama ko yung buong tropa oh except sa dalawang hindi namin saan nagtataguan. Masaya naman. Kahit na lagi akong binubwisit ni Orlando. Saka so Far hindi na kami nag-aaway o nag-a-argue sa mga bagay-bagay. 

Kami naman ni Marky ayun, Okay na. As in Okay na okay. Lagi na kaming nagtetext. Tawagan. Minsan nga Kinakausap di niya yung lahat ng taong kasama ko at sila Mamu at Papsy. Okay lang din naman sa kanila at parang ang close close na nila. 

Alam naman na niya yung nangyari nong last week. Hindi ko na nilihim kasi walang patutunguhan yun. Naintindihan naman niya yun. Okay lang daw. Kaya naman daw siya hindi nagpaparamdam sakin kasi alam niya na parang nalilito na din ako. Sinabi kasi ni Glady para daw hindi siya umasa. But she's wrong kasi sabi niya..

"Araw-araw. Gabi-gabi lagi kong pinagdadasal na sana magbago ang Isip mo. Umaasa ako na sana ako talaga yung piliin at mamahalin mo. Pero naisip ko rin na  kahit sino man sa aming dalawa pipiliin mo magiging masaya ako para sayo. Kaibigan kita eh..  at higit sa lahat Mahal kita."

Ang Corny lang no? Ang drama niya. Sabi pa niya excited na daw siya na magkita kami uli dahil sa christmas gift niya. Well, ako rin naman eh. Excited na ako sa ibibigay ko. Kahit na simpleng Locket lang yung ibibigay ko. 

"Jaz!! Yan yung magco-concert sa susunod na araw!!" sabi ni Orlando na hila-hila ako.

"Huy siraulo! bitiwan mo nga ako't may pinipili ako.." sabay turo ko sa mga sauce.

Parang hindi naman niya ako narinig kasi biglang umingay yug store. Badtrip naman! Kung kailan ako nagmamadali. Alas 4 na kaya ng hapon at may papanoorin pa akong TV show. 

Nong na-feel ko naman na lumuwag yung pagkakahawak niya sa kamay ko eh hinila ko na yung kamay ko. Bahala na nga siya don at kailangan ko na talagang matapos sa pang-go-grocery ko. Dumerecho naman ako ng lakad na nililingon si Orlando sa Likod ko. Biruin niyo yun di man lang napansin na wala na ako sa tabi niya at hindi na niya hawak yung kamay ko? Iba talaga basta Babae na ang pinag-uusapan eh.

Sa Kakalingon ko naman sa lalaking yun may nabangga tuloy ako at nahulog pa yung ibang bitbit ko. 

"Sorry po.." sabi ko saka pinulot yung mga kung anu-ano na nahulog. Buti na lang talaga at hindi yung mga itlog yung bitbit ko. Humarap naman ako sa kanya saka nagsorry ulit.

"It's okay. -- You Look Familiar?" turo niya yung mukha ko. Tinuro ko din yung mukha ko na nandilat pa talaga ang Mata. Biruin mo? May  nakakakilala sakin Kahit di pa ko sumasali sa Showbiz?

Til Death Do us Part [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon