Hi! :)))
Masyadong gusto niyo ang KimXi eh! Hahah! Kayaeto na.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Jazz, Na-kunan mo na ba ng Vital signs yung Miss Zaragosa?"
"Oo. Nasa Chart na niya, France. Paki-tingin na lang."
"Okay, che-check ko na lang later! Salamat ulit. Kumain ka na dun. Andiyan na yung sundo mo eh." sabay nguso sa may hagdanan. "Mukhang kanina pa naman yan diyan."
"Bayaan mo yan." itinuon ko na lang ang pansin ko sa chart ng pasyente ko.
"LQ na naman??"
"Ha? LQ ka diyan Kaibigan ko lang yan." sabay tingin ko kay Marky at inirapan ko din lang naman.
"8 years na kayong classmates, 8 years na kayong magkasama. Higit Three years na yan nakatayo diyan sa Hagdanan na yan masundo ka lang para kumain... tapos sasabihin mo FRIENDS LANG?" nagmake face naman siya. "Unfair naman yan kang AmBoy!!"
Natawa naman ako sa kanya. Eversince nakatrabaho ko itong babaeng to wala na siyang ginawa kundi asarin kaming dalawa ni Marky. Pano ba naman kasi, Mula nung nagkakakilala kami ng lalaking ito naging bantay sarado na siya sakin. Hindi naman sa nasasakal ako, naiinis lang talaga ako pag inaasar kami na dalawa na mag-syota kasi hindi naman talaga.
Kahit papano naman sinusuklian ko yung mga kabutihan na ginagawa niya sakin. Kaya nung una akong nakapasok dito sa Chinese Hospital eh, tinulongan ko naman siya. Madali lang naman ang pagtulong kong yun kasi may share yung pamilya namin dito.
Isa pa, kahit naman inaasar kaming dalawa. Ayoko na malayo kay Marky. Ito na yata yung naging Bestfriend ko mula nung Nabura sa buhay ko si Jed.
"Jazz.. kung ayaw mong sumabbay sakin, kainin mo na lang to."
Nilapag niya ang Cup Noodles sa Mesa sa loob ng station sabay ng isang pink na rose sa ibabaw tapos tumalikod.
Gusto kong tumili sa ka-sweet-tan ng lalaking yun. Pero bawal. Baka kasi mapatawag pa ako ng Chief Nurse at mabura ako sa Ospital na ito. Kaya i-tetext ko na lang siya.
To: +639212957***
Marky.. Nag-abala k p. Tnx. Ü
Hindi naman tumagal nag-reply agad siya.
From: +639212957***
Ür WelcÜm. Bati n taU? :-)
To: +639212957***
Oo Nmn. Bzta s susunod wag mo q paghintayin ng ganun ka Tagal.
Nag-okay naman siya at sabi pa babawi na lang daw siya next time.
May alitan kasi kami last week dahil lang naman sa pinaghinaty niya ako. Ang usapan kasi ay susunduin niya ako sa bahay. Namuti na yata ang uwak pati yung mata ko wala pa rin siya. Sa lahat pa naman ng ayoko ay yung pipaghintay ako. After nun hindi ko na siya pinansin at hindi ko na pinakinggan yung explanation niya. Oo alam ko first time na mangyari yun pero Kahit na. Pinaghintay pa rin niya ako. Ano ba naman na magtext siya at sabihing male-late siya diba? Nakakapagod ba yun na gawin?
Kahit na inis ako sa kanya hindi ko rin naman magawa na tuloyang magalit kasi, naawa din namana ko sa taong yan. Bukod kasi sakin eh wala siyang ibang ka-close dito sa hospital na ito. Masyado siyang tahimik na. Mukhang may pinagdadaanan pero hindi ko alam. Hindi sa wala akong paki-alam pero alam naman niya na makikinig ako kung meron mang problema diba?
He's been there for me all through out, kaya ginagawa ko lahat para masupportahan siya. Ayokong ako yung magtatanong ng Problema kasi Ayokong magmukhang nanghihimasok.
*******************
Ako nga Pala si Jazmyn. 25 years old na ako.
8 years na ako na nakatira dito sa Cebu. Mula nung naka-graduate ako ng highschool hindi na ako nakauwi pa ng probinsya namin. Hindi sa walang pamasahe. Meron naman, sobra pa nga. May mga bagay lang talaga na ayooko ko ng balikan.
Hanggang ngayon hindi ko parin kayang balikan ang mga bagay na yun, kasi ayoko ng masaktan. Hindi rin naman ako masokista. Hindi ako Tanga. Assuming sigurong matatawag pero ayokong isipin niyang siya ang dahilan bakit pa ako nagbalik.
Okay lang din naman ako dito sa City eh. Nasasanay na ako sa usok, sa amoy, sa Hangin, Krimen.. Actually kami pa nga yung nanggagamot eh.
Nurse na nga pala ako. Mula nung naka-graduate ako sa Southeastern University nagtake na agad ako ng board at sa awa ng diyos napasa ko naman ng one take lang at nakuha ko ang lisensya ko. Minsan rin iniimbitahan ako ni Mama na umuwi na ng Province, pero ayoko talaga eh. Ayoko ng balikan yung sakit at Hapdi ng nakaraan.
"Jazmyn! Yung Cellphine mo kanina pa tunog ng tunog." sabay snap-snap ni France sa harap ko. "Binigyan ka lang nga ng Rose natutulala ka na.. Sagutin mo yan."
Hindi ko na pinansin yung pang-aasar ni France. Sanayan lang naman kasi yan.
Tinignan ko yung Cellphone ko..
Calling...
Unknown Number
Nagdadalawang isip ako na sagutin.
Hindi ko kasi kilala yung tumatawag. At dahil na rin sa rason na baka siya yung tumatawag.
BINABASA MO ANG
Til Death Do us Part [Under Construction]
Teen FictionGuys Thanks For Reading this :))) Sobrang Naappreciate ko yunnn! ^_^