Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko. Eto, nakatayo lang ako sa harapan niya. Nakatunganga. Tina-try ko na nga lang imagine-nin yung sarili ko ngayon para ma-feel ko na nakakahiya na tong itsura ko kaso wala eh.. Wala ni anumang kahihiyan na lumalabas sa sarili ko. Ano ba to? Bakit ba parang Tameme ako pag siya ang laharap ko?
"SFAM! are you okay?" pukaw naman ni Gllady sakin.
Tinignan ko naman siya ng masama. Kung hindi ba naman siya lukaret, bakit dinala-dala niya dito sa harapan ko ang lalaking ito? Okay na sana yung eksina kahit silang dalawa lang ni Andrei eh, hindi naman ako naiinggit.
Tinaasan niya naman ako ng kilay niya. It's like she's asking me what's-wrong-with-you. Gustong-gusto kong sagutin siya ng ewan ko sayo pero hindi ko nagawa. Next thing I knew hinihila ko na siya palayo kanila Andrei..
"Why? Whay's wrong?"
"Wag mo nga akong wina-what's wrong what's wrong kasi ako dapat ang nagtatanong sayo niyan.." nilingon ko sila Andrei sa likod ko saka bumalik ulit sa kanya.."Bakit andito yang dalawang yan??"
"Bakit? Sundo natin.."
"Bakit kinontact mo pa sila e kaya naman nating mag-commute pa-Surigao y'know."
"Ikaw kaya mo.. ako Hindi." sabi ba naman saka tinalikuran ako.
Sinundan ko naman siya na hinahakot yung bag namin sa ewan ko kung kaninong sasakyan. Basta yun daw yung ride namin pauwi.. Well, What can I say? And ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na tong mga lokong ito, free ride din to.. and I guess free rin sila na i-intriga ako ulit.
Nakakainis naman kasi kung bakit kasama a yung isang mokong na yun. Pwede naman si Andrei lang ah, o kung gusto naman niya ng kasama andun naman si Simon, Carl, Orlando or si Gerald. Bakit itong tao pa ang napili niyang isama?
"Girls sa Likod na lang kayo.. kami na lang dito sa Front seat." Natutuwa naman ako sa pagiging Understanding ni Andrei sa situation Siguro nabasa niya rin na ayaw ko sa kasama niya..
Nakapwesto na kami sa sasakyan, si Andrei ang nagmamaneho kasi ayun sa kasama niya nahihilo daw siya dahil siya daw ang nagmaneho pa-Airport. Hindi naman mareklamo si Andrei kaya Go lang siya ng Go.
"So hindi pa ba kayo mag-uusap?" Tanong ni Andrei n palipat-lipat ang tingon sa amin ng kasama niya.
Walang sumagot.
"Leave it to them. It's up to them kung kailang sila magkikibuan"
"Hindi ikaw ang kinakausap ko Glady ha? Shut up. So ano na?? hindi ko to paaandarin.."
"You --- Doof!! I want to rest.. wag mo akong idamay sa hindi pagkikibuan nila. Wag mong pilitin ang ayaw!" tapos inirapan niya si Andrei at tumingin sakin.
Ngayon silang dalawa pa ang nakatingin sakin. Ano pa nga bang magagawa ko? I decided to say Hi. Kahit two letters lang yun nabubulol pa rin ako. Siya naman hindi ko makita yung expression ng mukha niya. Nakatingn naman kasi siya sa bintana.
"Hindi niyo na kilala ang isa't isa?" tapos nilipat-lipat naman niya yung tingin niya. "O well, eight years din kaya yun.. Hindi mo kasi sila pinakilala sa isa't isa Glady."
"Oh! I forgot sir.. JAZMYN, this is Jed.." tapos kinalabit naman niya si Jed "At JED.. this is Jazmyn.." ngumiti nammna siya ng nakakaloko saming dalawa.
"Wala bang Hi diyan?"
"Hi!" talagang sabay pa kami.. and pinagkaiba lang tinawag niya ako sa pangalan ko. Ako parang wala lang.. Parang hindi ko siya kilala..
Ewan ko ba kung bakit hindi ko mabanggit-banggit yung pangalan niya. Kilala ko pa siya eh.. kaso parang naiilang ako. It's like we're back at one. Back to being strangers.
***********
Sa kalagitnaan ng byahe nakatulog na si Glady. Wala ng maingay salamat at makakapagpahinga na ako. Ako naman kanina pa ako nagpapanggap na hindi ko sila naririnig kasi naglagay na ako ng earphones e hindi naman naka-play yung ipod ko. Wala lang. Eavesdropping? Ansama ko nu?
First walang kwenta lang yung mga pina-usapan nila kaya wala rin akong napala. I decided to close my eyes para makatulog naman ako. But then, hindi ko inexpect na dahil dun may maririnig akong iba.
"Para kang si Superman kanina ah.. Kung makapag-prepare ka wagas. nagawa mong 1 hour and 30 minutes ang 3 hours drive.." sabi ni Andrei.
"Late na kasi tumawag si Glady kaya nagdali-dali na ako.."
"Ow? Or it's because you're up to something else?"
Walang umimik.
So, pakana pala to ng pinakamamahal kong kaibigan. At hindi ko maintidihan kung bakit niya to ginagawa. At ang mas lalong hindi ko maintidihan eh kung bakit parang ang saya-saya ko ng marinig na nagdali-dali siya and that he's up to something. May Marky na ako.. Ba't ba umaasa pa ako na magkakaroon ng Part 2 ang Lovestory naming dalawa?
Yeah, Love is Lovelier and Sweeter the second time around. Sa case nila Andrei at Glady yes. Samin? parang ang labo na. Pero heto si tanga asa naman ng asa, siabi ko ba talaga yun?
"You still love her huh?" gusto kong sapakin si Andrei dahi sa tanong niya pero diba nga nagtutulog-tulogan ako?? so wala.. papakinggan ko na lang yung sagot niya.
1 minute..
2 minutes..
3.. ang bagal niyang mag-isip ng sagot.. o baka tumango lang siya? Hay.. umaasa na naman ako. Baka naman Umiling na siya kaya hindi ko alam. May mapapatay talaga ako mamaya ni--
"Alam ko yang titig mong yan Bro.."
"Huh?--ah..."
"You don't have to deny things.. Alam mo yun?? deny ka ng deny lalong nagiging obvious na mahal mo pa.."
So, mahal pa talaga ako ng mokong na to? So everything's written all over his eyes. Ang sarap pala ng feeling na may babalikan ka. Taong akala mo hindi ka na mahal yun pala hinihintay ka lang..
"But then again.. Just a reminder bro.. may boyfriend na yan.."
Parang nagising naman ako sa katotohanan. Wala pa ngang isang minuto na nagde-daydream ako pinutol na ni Andrei.. Oo nga pala. May naiwan ako dong sigurado akong mahal ako. Bakit ba ako magtiya-tiyaga sa taong hindi man lang masagot ng tama ang tanong ni Andrei kanina. Dinadaan niya na lang sa titig ang lahat.
Pipi na ba siya?
Yeah, but then again.. May Marky na ako.. Maybe I should stop thinking about giving him another chance. Tama na yung ako na yung nasaktan dati.. Ayoko naman na masaktan ko si Marky though that means not making myself happy.
Paano naman ako magiging masaya kay Jed eh may asawa't anak na to? diba nga?
I was in the midst of scolding and arguing with myself when I heard him say..
"Mag-asawa nga naghihiwalay, mag-boyfriend pa kaya?"
"What do you mean??"
o-oh.. Diba tulog ako??
BINABASA MO ANG
Til Death Do us Part [Under Construction]
Novela JuvenilGuys Thanks For Reading this :))) Sobrang Naappreciate ko yunnn! ^_^