Prologue

2.3K 29 4
                                    

Prologue:

‘Good Luck sa Cebu Jazz! I Love you. See you in 4 years huh? Take Care. Gonna Miss you Bunso.

Love, Glady.’

Napangiti naman ako ng mabasa ko ang sulat ni Glady.  Nauna na siyang Umalis kaninang umaga pabalik ng bansa niya.. Sa Korea, dun siya mag-co-college. Ako naman bukas pa ako lalakad pa-Cebu. Halos 10 years ko ring pinangarap na makaalis na sa probinsay namin at mag-college na, pero ngayon na ilang oras na lang ang hihintayin ko.. parang ayoko na, ayoko ng umalis. Ayoko ng mapalayo. Lalong lalo na sa taong mahal ko.

“So, tuloy ka na bukas?”

Tumango lang ako bilang sagot.

“Pagbalik mo ditto.. RN ka na. baka hindi mo na ako lingunin niyan..” biro niyang sabi pero nahihimigan ko yung lungkot ng boses niya.

“Ano ka ba.” Tinulak ko naman siya pero mahina lang.

Naiiyak ako.

Naiiyak akong isipin na aalis ako, Iiwan ko na siya, sa takot.. Sa takot na baka kabalgtaran ang mangyari sa iniisip niya. Na ako ang hindi niya lingunin, ako ang hindi niya papansinin, ako yung ibabalewala at higit sa lahat.. takot na takot akong baka pagdating ng 4 years na yun, siya na ang unang nakalimot.

“Uuy! Bakit naiiyak ka?” Napansin niya rin pala.

“Wala..”

“Denial Queen ka talaga. Sige na. Bakit nga?”

“Wala nga..” Deny ko pa rin.

“Naiiyak ka eh. Tamo?” Turo niya sa mga luha na nabubuo sa mata ko.

“Hindi.. hindi.. ihi to.” Biro ko. Ayoko ng ganito ka-seryoso. Parang matutuluyan na ako.

“Baliw ka talaga.. Alam mo.. kung pwede ka lang talagang itanan..” nandilat naman yung mga mata ko sa sinabi niya. Ano daw? “Kaso Hindi eh. Ayokong maging balakid sa mga pangarap mo sa buhay. Alam ko gusting-gusto mong mag-nurse.” Sinalubong niya ang mga tingin ko sa kanya. Nakangiti siya pero pilit.

“Basta ha? Walang Limutan.”

“Of Course. Ikaw pa Miss Lim? Makakalimutan ko? Hindi yata Mangyayari yang sinasabi mo.”

“Peksman???”

“Peksman.” Tapos ngumiti siya ng totoo.

“Talaga lang ha????” aba! Sigurista yata ako.

“Oo. Kahit mamatay pa lahat ng lamok dito sa Bay.” Natawa naman ako dun. Nadaan pa niya sa biro.

Nasa Bay pala kami ngayon.

Last night nap ala naming ngayon na mag-date. Mag-usap ng personal. Tawanan ang isa’t isa. Kailan ba mauulit ito pagkatapos nito?

Iniisip ko pa nga lang nahihirapan na ako. Nung dati ngang nagkalayo kami ng ilang araw para sa Photo Journ contest namimiss ko na siya. Ano pa kaya ngayon na Hindi ko alam kung kalian ulit kami magkikita?

“Ingat ka sa Cebu ha? Mamimiss talaga kita ng Sobra.” Sabay hapit niya sakin.

“Oo naman. Ikaw din ha? Wag titingin sa ibang babae sa Baguio ha? Ang dami pa naming magaganda ron.” Napangiwi naman ako sa naisip ko. Papano’ng hindi niya ako papalitan na ang rami-raming magaganda dun.

Til Death Do us Part [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon