Gusto ko siyang intindihin, pero hindi ko alam saan magsisimula.
Alam ko, natatakot lang siya na mawala ulit si Jed sa kanya, pero hindi naman masama magtanong muna diba? Para naman hindi yung siya ang nagmumukhang kawawa. At ako itong parang Kontrabida sa relasyon nila eh wala naman akong ginagawang masama. Saka si Glady naman ang tumawag sa Jed niya para sunduin kami. Kung hindi nga lang kay Andrei hindi talaga ako sasama.
Si Andrei na parang kinakapatid ko na. Yung more than Best Friends, Close to Lovers pero yung iisipin pa lang namin na maging kami? Eeew. Parang kapatid ko lang yung pinatulan ko.
Oo nga pala si Andrei.
Si Andrei nasa harapan ko ngayon. Tulala. Siguro iniisip niya yung ginawa niya kanina. Gusto ko siyang i-comfort pero Paano?
Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kasi hindi ko talaga alam ang puno't dulo ng lahat ng to. Ayoko na ring malaman.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para kumuha ng tubig. Sana yun man lang magawa ko para sa kanya.
"Uuwi na muna ako." Sabay tayo niya.
"Mag-tubig ka muna..??" Too late. He's out of my sight. Nasabi ko na lang sa sarili ko na "Okay. Ikaw na lang uminom ng tubig mong yan."
Nakakainnis naman kasi.
Ang saya-saya namin kanina tapos yung saya na yun mawawala dahil lang sa isang lalaki? Ang babaw naman na rason yun.
Ang daming tanong na bumabagabag sa utak ko non pero hindi ko alam kung saan magsisimula, sino ang tatanungin at kung sasagutin ba nila ng maayos ang tanong ko. Isa pa, para saan pa at magtatanong ako? Para magpatawad? Hindi naman yata tama yun. Ako yung nananahimik dito tapos ako yung susugurin. Bahala nga siya. Bahala nga sila.
From 10 down to 7. Dahil nagwalk out ang tatlo, 7 na lang ang kasabay ko ngayon na kumain. Well, masaya pa rin naman kaya lang mukhan nadisappoint ko sila. Feeling ko kasi ako ang may kasalanan.
Minsan na nga lang kami ma-kompleto napurnada pa dahil lang sa.. Ano ba itatawag ko dun? Maling akala? or Sa pag-a-assumme?
"Okay lang Jaz.. Atleast nakompleto tayo maski mga halfday lang.." sabi ni Orlando. Siniko naman siya ni Queennie.
"Naku! Hayaan mo na yun. Madrama lang talaga yung isang yun." tapos tinitigan niya yung Pagkain niya. Alam ko disappointed talaga siya. Siya kasi yung Leader eh, Siya yung laging pasimuno ng lahat. So expected na siya yung nag-organize nito. "Saka, kawalan din nila at hindi nila natikman ang porkchop mo.." sabay taas ng tinidor niya na may porkchop.
Nahiya naman ako. Kasi naman..
"Ayos yun! Kayo lang ang nakatikim ng Sunog kong Luto."
"Masarap naman ah.." sumubo naman si Simon. "Medyo matigas at pait nga lang.." binatukan naman siya ni Glady.
"SFAM, don't mind them. The thing is masaya tayo.." tinignan naman niya kaming lahat sa lamesa. Yung tipong kinokombensi yung mga tao sa paligid niya. "diba??" tumango-tango naman siya. Yung iba Umuo na lang. Yung iba dinaan na lang sa ngiti.
Masaya pa ba to?
Hindi naman sila nagtagal at umalis na rin katapos kumain. Nag-stay pa sandali sina Glady at Sharmane para tulongan akong magligpit, pero umalis din.
Hindi pa nga ako nakapag-isang araw dito parang gusto ko ng bumalik sa Cebu. Disaster na nga yung kanina, ano pa kaya kung magtatagal ako? Hindi ko yata kakayanin yung ganun.
Namiss ko tuloy yung tahimik na buhay ko malayu dito. Sana hindi na lang ako umuwi. Mas okay pa yun eh.
*********
Nasa sala ako sa bahay namin. Nanonood ng Crazy Little thing Called Love for the nth time. Ito lang kasi yung movie na kahit ilang beses kong panoorin kikiligin pa rin ako. Yung Parang feeling mo high school, young and inlove ka pa din. But now, wala akong gana eh. Tinry ko lang talaga manood nito para mawala yung mga iniisip ko.. Pati na rin ng mga nangyari kanina. Kaso, wa epek eh.
Kahit anong gawin ko, at kahit na anong ipasok ko sa utak ko ngayon. Bumabalik pa rin yung pangyayari.
Don ko na realize na affected pa rin talaga ako sa kanya. Pero.. Iba naman ang affected sa Mahal diba? Hindi yun parehas. So if ever affected ako, sure ako yung affection na nararamdaman ko ay dahil magkaibigan lamang kami. No more. No less.
Bigla namang napukaw yung attensyon ko ng marinig kong nagriring ang cellphone ko.
"Hello?"
"Myn! Kumusta na ang biyahe?"
"M-marky.."
"Oo, bakit?? May ini-expect kang ibang tawag?"
"W-wala.." kasi ang totoo kinakabahan ako. At hindi ko alam kung bakit. "hmm, okay naman yung biyahe.. eh, ikaw? Kumusta ka na diyan??"
"okay lang, kaso miss ko na ang girlfriend ko eh.. Sayang nga at mukhang hindi ako papayagan na magleave.. Susunod pa naman sana ako Diyan."
"Sayang.." wala sa sarili ko na sagot sa kanya.
Hindi ko alam anong nararamdaman ko eh. Parang nawalan ako ng gana.
Heto, nakikinig ako kay Marky pero lumalabas sa kabilang tenga yung mga sinasabi niya. Oo na lang ako ng Oo. Wala na akong ibang masagot bukod sa tawa.. "hmmm."
".. ang saya nga namin sa ward eh, first time ko pa naman nagpunta dun. Saka yung si Ano.. Si Tom nakita ko din. Miss na daw niya tayo.. Dun din pala siya nagtatrbaho noh? Pati yung Girlfriend niya. Di man lang natin alam.. tapos.." tumahimik siya. Huminga ng malalim. Alam ko may duda siya eh, pero ayokoong pangunahan.
"Babe? You okay?"
"oo naman.." huminga naman ako ng malalim. Parang lalagnatin ako ng wala sa oras nito. "Pagod lang siguro."
"Sige, pahinga ka na. Bye. I Love You and Goodnight Babe!! Mwaaah!" Goodnight?? Tumingin naman ako sa bintana, madilim na pala.
"Sige.." sabay off ko ng phone.
Naguilty naman ako sa sinagot ko. Ang sweet sweet nong tao tapos ginaganon ko. Kaya ginawa ko tinext ko na lang siya. Kakasend ko na nong message nong tumunog yung cellphone ko. Tulad ng ginawa ko kanina hindi ko na tinignan kung sino yung tumatawag. Mga kilala ko naman yung nakalagay don. Siya yung last kong katext at kausap so malakas ang feeling ko na siya ang tumatawag.
Siguro gusto niyang marinig mismo yung sinasabi ko yung tinext ko sa kanya. Kaya nong kakasagot ko pa lang sa phone bigla ko ng sinabi na..
"Matutulog na ako babe, I Love you! Goodnight. Mwaah." hindi ko alam kung bakit sinabi ko na matutulog na ako. Siguro nagtampo na siya kaya matagal bago siya makapagsalita..
Sana naman magsalita ka na para mababa ko na yung Phone.
"Buksan mo muna kaya tong pintuan bago ka matulog." Huh?
Tinungo ko naman yung Door. Pagkabukas na pagkabukas ko lumabas ako at nilagpasan ko siya. Tinignan ko yung daanan. Gabi na. Wala na ngang tao sa kalsada. Pero gusto kong makasiguro kaya chineck ko talaga left and right.
"Ano ka ba.. Ako lang yung andito."
Halos mapatalon ako nong magsalita siya.
Nilingon ko siya, nakatayo siya sa pintuan. He's wearing his Yellow Shirt, Black short pants and his Lakers baseball cap. Almost the same person who's stading there 8 years ago. Waiting for me. The difference is He's not mine anymore.
BINABASA MO ANG
Til Death Do us Part [Under Construction]
Novela JuvenilGuys Thanks For Reading this :))) Sobrang Naappreciate ko yunnn! ^_^