Chapter 5

82 4 5
                                    


;On Cam- Kiss


•••






ROSARY'S

"Saan ba tayo pupunta?"Tanong ko kay V na abala sa pagmamaneho.

"..."

Boset talaga.Ang sarap talagang kausap nitong lalakeng 'to.

Iniabot nya sa'ken ang cellphone nya at napatingin naman ako dun.

"Anong gagawin ko dyan, aber? Masasagot ba nyang cellphone mo ang tanong ko?" Irita kong tanong.

"Tss,idiot, it's your new phone."

Akin to?

"Ano? Gusto mong isampal ko pa 'to sa'yo o kukunin mo na bago ko isampal dyan sa panget na pagmumukha mo?"Aray,wagas talagang makalait ang POGI na 'to e.boset

"Leche ka,mamatay ka din."Bulong ko at hinablot mula sa kamay nya yung cellphone.

Hutengene,paano ba 'to gamitin? Ni walang pindutan e?.

"Tss,ngayon lang ako nakaencounter ng nerd na may pagkabobo."sabi nya at itinigil ang sasakyan.

Kinuha nya mula sa kamay ko yung cellphone at binuhay ito.

Ah.malay ko ba namang nasa gilid pala ang pinipindot para mabuhay yang lintek na cellphone na yan.

"Saang bundok ka ba nagmula?" Grabehan na talaga ang laitan ngayon e.Kanina sabi sa'ken kung saang planeta daw ako nanggaling , ngayon naman kung saang bundok daw ako nagmula,kabuiset na talaga!

Grrrrrr! Gigil na si akoooooo!

Buiset na mga BTS! Makalait sa'ken wagas e!

"Tss,sorry ha, kasalanan ko bang namamangyan ako sa mga bagay na yan."sabi ko at tumingin sa labas ng bintana.Naalala ko na naman si Tatay, gising na kaya sya? Okay na kaya ang pakiramdam nya? Hinahanap nya kaya ako?

"Anong namamangyan? Mukha ka naman talagang mangyan ah.." sagot nya sa'ken at ngumisi.

Grrrrrr!Nabubuiset na talaga ako,mali! Nagagalit na akoooo!

"Tss,Makakalbo na kita, V,malapit na,ang galing mambara e." Gigil na sabi ko sa aking isip.

Matapos-tapos lang ang kontrata na'to,nakuuuu! Sisiguraduhin kong masasampal ko ulit ang lalakeng ' to, not once not twice but four hundred times.I swear,kagigil ang kagwapuhan---I mean UGALI e.napaka-argggghhh!




•••



"Answer all their questions as long as kaya mo and don't forget to say sweet things to V, kahit na medyo nakakadiring pakinggan para sa'yo, and remember you are his girlfriend so you have to act as sweet, caring and loving girlfriend to him as soon as possible."paalala sa'ken ni Ms.Sy bago kami sumalang ni V sa isang live interview sa isang sikat na TV show.Oo, INTERVIEW AS IN LIVE! My TV guesting kami ngayon!

Kaasar a ng lalakeng yun, hindi man lang ako sinabihan na interviewhin pala kami about sa RELASYON "kuno" daw namin.Feeling ko mahihimatay ako sa kaba ano mang oras!

"Ms. Sy?" Tawag mula sa pintuan ng isang babae.

"Yes?" Nakangiting sagot ni Ms. Sy dun sa babae.

"Magsisimula na daw po yung show, pakipunta na daw po dun sa set si Ms. Chaine." Nakangiting sambit nung babae na sa pagkakaalam ko e, staff nung show.
Napatingin sya sa'ken at nagulat ako nang sinamaan nya ako ng tingin.

Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon