;Rosary Clarkson
•••
ROSARY'S
"B-bakit a-ako nasa TV?!" Napasigaw ako dahil sa sobrang gulat. Whatttt? Nasa TV ako! Yan yung scene kanina sa mall! Yung scene na nakaakbay sa'ken yung walang modong lalake.
"Boyfriend mo ba yang artista na yan tulad ng sinasabi dyan sa balita, anak? "Jusq! Napakagusgusin pa ng itsura ko dyan tapos inilabas pa nila sa TV!
"Anak?"
"Uh-huh?Tay." Tae,anong sasabihin ko nito?
"Paki-ulit nga ng tanong mo sa'ken,Tay. "
"Sabi ko kung boyfriend mo ba yang artista na yan tulad ng sinasabi dyan sa bali-"
"ROSARIOOO CLARKSONNNNN!, BUMABA KA NA NGA DYAN AT MAG-SAING KA NA DITO! PESTE! ALAS-SYETE NA ALAM MO BA?! PERO HINDI PA RIN AKO NAGHAHAPUNAN!"
'Sabi ko nga eh,baba na ako at magsasaing.'
"Mamaya na lang po tayo mag-usap , Tay, ipapagluluto ko muna po si Tita Exa." nag-aalangan na tumango si Tatay bago humarap ulit sa TV para manood ng balita.
"Ikaw na bata ka ha!Saan ka naman nanggaling ha?!" Hindi pa ako totally na nakakababa ng hagdan pero dinig na dinig ko na ang walang prenong panenermon ni Tita sa'ken.
"Peste ka, gabing-gabi na tapos hindi pa ako nakakakain! T*ng*ina mo! Balak mo ba akong patayin sa gutom ha!?" Isang malakas na kutos ang natanggap ko mula kay Tita nang mapadaan ako sa kanya,sa sobrang lakas ng pagkabatok nya sa'ken ay tumalsik ang salamin ko.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at agad na pinulot ang salamin ko, bahagyang nagkaroon ng isang maliit na krak sa bugbog nito sa may kanan pero maayos pa naman ito dahil nakakakita pa rin ako kahit may kaunting krak ito. Isinuot ko ito at nagpatuloy na sa paglalakad.
Naglakad ako papuntang kusina at nagsimulang magluto,kumuha ako ng bigas at isinaing ito,agad ko ring kinuha ang nag-iisang lata ng sardinas at binuksan ito.
Oo, ganito ang buhay ko,ang buhay na kinakaharap ko.Mahirap kami ngayon,malayong-malayo sa glamoroso at marangyang pamumuhay namin noong limang taong gulang pa lamang ako. Nakakatawa ngang isipin eh, nagmukha kaseng fairytale itong buhay ko. Parang ako yung naging Cinderella ng 21 century,bakit? Kase una may tiyahin ako na walang ibang ginawa kundi ang pahirapan at saktan ako at sympre mawawala ba ang mga.
"O,Rosarya,buti naisipan mo pang umuwi." ani ni Freda panganay na anak ng Tita Exa ko.
"Ate,Ano?T*nga lng? Sympre uuwi yan nuh?Hello? Wala kaya syang bahay na matutulayan kundi dito lang sa'tin! Tsaka wala yang pera nuh!" Sigaw ni Drina, pangalawang anak ni Tita Exa. Silang dalawa ang anak ni Tita Exa na katulong nya sa pang-aalila nila sa'ken.
"Gaga! Ewan ko sa'yo! Hoy! Rosarya akin na yung pera ko!"inilahad ni Freda ang kamay nya sa mukha ko.
"Oo nga yung akin din, kailangan ko ng pambili ng bagong cellphone nuh!" Daing ni Drina at inilahad din ang palad nya sa'ken.
"Ano kase..." Dahan-dahan akong lumingon sa kanila.
"Nawawala yung wallet ko eh."isang malakas na sampal ang inabot ko mula kay Freda.
"Bobo ka talaga kahit kelan punyeta walang sibil!" isang sabunot naman mula kay Drina ang natamo ko hanggang dalhin nya ako sa likod bahay at ilubog ang mukha ko sa isang malaking drum na puno ng tubig.
BINABASA MO ANG
Perfect Stranger
Novela JuvenilOne day , isang araw may isang Nerd....na aksidenteng.. . . . Nahalikan ng estranghero? But what if...hindi lng pala isang ordinaryong estranghero ang nakabingwit ng first ever kiss nya? What to do na? Tunghayan ang storya ng Nerd na puro trabah...