Siri's POV
Ilang linggo na ang nakalipas mula nang kausapin ako ni Ms.Sy tungkol kay V...Nalaman ko mula kay Marian na kaya biglang dumating noon si Ms.Sy sa condo ni V ay dahil sa pagpupumilit nung anak nila na si LJ na bumalik rito sa Pinas para makita ang daddy nya nang malaman nyang may sakit ito.
At buong linggong dumaan ay hindi kami nakikibuan o nagkakaroon man lang ng mahabang usapan ni V..kung magkakausap man kami ay tungkol lang ito sa trabaho namin o di naman kaya kapag may shooting o photo shoot kami para sa isang advertisement.
Malapit na rin ang comeback nila...Dalawang tulog na lang at magbabalik entablado na muli silang anim...Busy si V at buong BTS sa pagprapractice at pag rerecording ng mga bago nilang kanta. Nakabonet at sumbrero rin sila tuwing makakasalubong ko o di kaya ay pupunta sila para tumambay sa condo ko...Bawal daw kaseng makita ang bagong hairstyles nila...Pati hair colors....Abangan ko na lang daw sa comeback nila..
Para namang nanunuod ako ng mga ganyan.
=______________________='
Ni wala nga akong hilig manuod ng TV e....Magbasa pa siguro...pero ang manuod, argh....wag na lang.
Sunod-sunod rin ang TV guestings namin kasama ang BTS....Interview dun, interview rito....
At ngayon kasalukuyan akong inaayusan dahil ako lang ang iinterviewhin...
Take note ah....AKO LANG....HINDI KA SAMA ANG BTS.. AKO LANG...
at kinakabahan na ako!
Hindi ako sanay na humarap sa maraming tao nang hindi sila kasama.
Baka matae na ulit ako neto....Shet! Parang nung unang sabak ko lang...Kung dun sa mga nakaraang interviews ay hindi na ako gaanong kinabahan e, dito naman ngayon e...Feeling ko lilitisin ako dahil sa salang pagpapanggap bilang girlfriend ni V.....
"Are you ready?, the show will start in 3 minutes. " sambit ni Marian at inayos muli ang buhok ko.
Wala ngayon si Ms.Sy dahil may importante daw muna syang aasikasuhin para sa comeback nung pito...
Mas mabuti na nga yun e...nahihiya pa rin ako sa kanya hanggang ngayon dahil feeling ko tuwing kasama o katabi ko man lang si V sa harapan nya e, nagmumukha ata akong kabit at epal sa Lovestory nila....
Pero...paano naman ako diba? Aas-! Argghh! Bakit ba ganito? Pinipigilan ko na nga yung sarili ko e! Ayoko nang umasa sa kanya! Masasaktan lang ako! Dahil kahit anong mangyari.....
Kahit pag bali-baliktarin ko pa ang mundo....
Kahit na lumuha pa ako ng dugo...
Kahit na mapahiya pa ako sa harap ng bilyong tao....
Wala pa ring magbabago....
Wala pa ring pag-asa 'tong kabaliwan ko sa kanya.
Dahil wala talaga...may pamilya na sya...may anak, may nanay at sya bilang tatay...E ako? Anong panlaban ko dun? Ako lang naman si Siri, ako lang yung "fake girlfriend" nya ..syota nya sa kontrata....at ako lang ata yung nagmamahal sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Perfect Stranger
Ficção AdolescenteOne day , isang araw may isang Nerd....na aksidenteng.. . . . Nahalikan ng estranghero? But what if...hindi lng pala isang ordinaryong estranghero ang nakabingwit ng first ever kiss nya? What to do na? Tunghayan ang storya ng Nerd na puro trabah...