Chapter 16 Comeback to Remember

69 4 15
                                    

Siri's POV

Nakatulala pa rin ako habang lulan ng kotse na minamaneho ni V....OA na kung OA pero...OA talaga ako ngayon dahil sa pagkashock...Buiset naman kase e..kikiligin na sana ako dahil sa ginawa nya kaninang "kabute surprise" pero parang utot na lang itong nawala nang magflashback sa'ken yung mga sinabi ni Ms.Sy...

Yun ay hindi kami pwede..

Langit sya...Lupa ako...Di kami talo....At kahit kailan hanggang pangarap ko lang ang lahat...Alam ko namang bahagi lang ng pagpapanggap namin yung ginawa nya kanina e...

Pero hindi ko na itatanggi...feel na feel ko yun kanina

Kinuha ko mula sa bag ko yung salamin ko at isinuot yun...Sumasakit na kase ang ulo ko e...Nakalimutan ko kaseng isuot kanina yung contact lens ko marahil dahil na rin sa sobrang kaba ko dun sa interview...

Napansin ko namang panay ang sulyap sa'ken ni V.

Hindi ako nagfefeling ah..pansin ko lang talaga.

Hindi ko na lang yun inintindi at ibinaling ang atensyon sa labas ng kotse...Naiilang na kinikilig ako dahil sa presensiya nya...Buiset...Mixed emotions lang e..

"Won't you stop wearing cheap eyeglasses? "

Lah. .problema nya sa salamin ko? Diba bigay lang 'to ni Ms.Sy sa'ken?

"Bakit ba? Anong problema mo sa salamin ko?" Masungit kong tanong.

Kaasar e...Mas komportable nga ako kapag nakasalamin kase nakacontacts e...Hindi ko rin kase yun matagalan....Magsuot nga ng heels, suko agad ako e...yan pa kaya?

"Tss.."

Tengene...may dalaw ata ang ugok na'to...Gulong kausap...Kaasar lang.

Nanahimik na lang ako dahil wala naman akong nakuhang matinong sagot mula sa kanya....Gustong-gusto ko ngang itanong sa kanya kung bakit sya biglang sumulpot kanina sa show pero mas pinili kong wag na lang yung ungkatin pa...

Baka isipin ang isang ' to may gusto ako sa kanya....=_______________= ... E wala naman...

Tsk...lakas ko tumanggi.

--

"Bakit tayo nandito? " Singhal ko at tinanggal ang pagkakakabit ng seat belt sa'ken.

Sinuri ko ang tanawin sa labas at napagtantong hindi ko alam kung nasaan kami...Leche...kinidnap ako...Kung alam ko lang na dadalhin nya ako sa lugar na hindi ko alam hindi na sana ako natulog.

"Get out." Utos nya at bumaba ng sasakyan.

Lengye! Kaasar! Asang lupalop na ba kami?

Padabog akong bumaba ng sasakyan at sinundan sya na mabilis na naglalakad patungo sa isang puno....Puro kase puno at bulaklak ang makikita mo dito e...Maganda sya, fresh air...tapos tahimik pa...puro butterflies sa paligid na nagpapalipat-lipat sa mga bulaklak..

"Ano bang gagawin natin dit-"

"Sit." Putol nya sa'ken at tinapik yung konting espasyo sa tabi nya.

"Paano kung sabihin kong ayoko?" ngumisi sya saka tumayo.

"I'll kiss you." Kaya dahil sa sinabi nya ay mabilis pa sa alas kwatro akong umupo sa may ugat nung punong mangga.

Adik lang e? Halik agad? Pwede namang ikulong na lang e....

Tatawa-tawa syang bumalik sa pagkakaupo saka isinandal ang ulo nya sa katawan ng punong mangga.

Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon