Chapter 20 Behind The Story

71 4 4
                                    

Third Person POV

~Flashback~

Papasok na noon si Siri kanyang trabaho nang makabangga nya ng balikat ang isang lalake.

"Sorry.." mahinang sambit ni Siri at pinulot ang nahulog nyang bag.

"Aisst..nasira na naman..." mahina nyang bulong habang pinagmamasdan ang nasirang zipper ng kanyang bag dahilan para magkalat ang mga laman ng bag nya sa kalsada.

Pinulot nya ito agad habang nakamasid sa kanya ang lalake...Nakahoodie jacket ito at facemask kaya hindi nya makita ng maayos ang mukha nito.

Bago sya umalis ay sinulyapan muna nya ang misteryosong lalakeng nakabangga nya.

"Aisst. .salamat sa tulong mo, ah.."nagsimula na syang maglakad palayo ngunit bago nya tuluyang malagpasan ang lalake ay nagsalita muna sya. "Jerk." Sambit nya at naglakad na patungo sa pinagtratrabahuhan nyang fast food chain.

Ang blangkong ekspresyon ng mukha ng lalake ay napalitan ng ngisi...Hindi nya lubos akalain na magagawa syang sabihan ng babaeng yun ng ganun..

Lilisanin na sana nya ang lugar ngunit may napansin syang nakakalat na kung ano sa kalsada.

"Rosary Chaine Clarkson. " pagbasa nya sa ID ng babae kung saan nakalagay rin ang eskuwelahan kung saan sya nag-aaral.

Nagpasya syang umuwi na dahil hindi sya maaring pumunta sa mataong lugar katulad ng fast food chain kung saan nakita nyang pumasok ang babaeng nakabangga nya.

Mula noon ay araw-araw na nyang sinusundan ang babae kahit saan ito magpunta...Humahanap rin sya ng tamang timing kung saan maari nyang maibigay ang ID nito nang walang ibang nakakakita sa kanya.










"BESSSS! Tingnan mo ang pogi nila, diba, diba?" Nakangiting tanong Ni Reign kay Siri na bored na nakatingin sa kanya at sa hawak nyang poster ng BTS.

"Eh?Sino ba yang mga yan?" Nakapangalumbaba nitong tanong.

"Huh? Hindi mo kilala bes?" Hindi mapigilan ng lalake na hindi mapangiti dahil sa usapan ng dalawa..Tila ba napakainosente ng babae at wala itong kaalam-alam kung sino ang mga lalakeng nakaimprenta sa poster na hawak ng kaibigan nya.

"Magtatanong ako kung kilala ko?...tss"  Sagot nito at ibinaling ang atensyon sa kanyang libro.

"Waaaaa! Bes! Sila ang pinakasikat na boy group sa balat ng earth! Halos lahat kilala sila, ba't parang ikaw hindi?"

"Ows? Halos lahat kilala sila? Tsk..Ba't hindi sila kilala ng halaman at aso sa bahay namin?" Binatukan sya ng kaibigan nya kaya takang napalingon sya rito.

"Anong problema mo?" Inis nyang tanong sa kaibigan.

"Shungabels lang bes? Wala kaya kayong alagang aso, tsaka wala kayong halaman....damo lang." Napailing na lang si Siri saka muling nagbasa.

"Tingnan mo 'tong babae na'to, kj talaga e noh?, Hihihi...pogi mo kaseee...at ikaw rin at ikaw...kayong lahattt!" Sigaw ni Reign habang nakangiting tinititigan ang poster ng BTS.

"Hey, Nerd! " napamura ng mahina si Siri nang maramdaman ang pagtama ng libro at notebook sa kanyang ulo.

"Briella! Ano ba?! Bakit mo naman sya hinampas ng libro? " Inis na tanong ni Reign.

"Tss...I can everything I want, Ms. Weird and cheap kpoper..." tinaasan nito ng kilay si Reign saka binalingan si Siri na nakayuko habang nakaupo sa bench."Gaya ng dati..Make my assignment and project." Nakangising sambit nito saka hinila ang buhok ni Siri.

Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon