Chapter 10 Avrene Jillian Alonzo

74 5 15
                                    

Siri's POV

Nandito kami ngayon sa morge kung saan dinala yung katawan nung bata...

Avrene Jillian Alonzo pala ang pangalan nya...Galing sa pangalan ni V na "Laverne" at sa pangalan ni Ms.Sy na "Jillah"....Limang taon lang yung bata at tatlong taon na pala syang nakikipaglaban sa sakit nyang cancer...She was diagnosed with cancer when she was 2 years old....napakabata nya pa para mamatay.

Nakakalungkot dahil ang akala naming 2 buwan pa na palugit sa buhay nya ay naging katumbas lang ng 2 oras..nagkamali ang doktor...imbis na humaba pa kahit papano ang buhay ni AJ ay mas lalo pa itong umikli hanggang sa ikamatay nya.

Kasalukuyang nasa loob ngayon si Jillah samantalang nanatili naman sa may labas si V...ni ayaw man lang nyang makita ang katawan ng anak nya...kung ako din naman e, masakit din para sa'ken na makita na wala nang buhay yung anak mo.

"Mabait na bata si AJ, sya ang no. fan ng daddy nya..hindi alam ni V na may leukemia si AJ...sa States kase pinalaki ni Jillah ang anak nya, at that time hindi alam ni V na may anak sila ni Jillah...nitong week lang nalaman ni V na may anak sya pero hindi nabanggit ni Jillah na may sakit si AJ..." nakatulalang sabi ni Marian nakasandal sa pader gaya ko ...sabay naming pinagmamasdan sa loob ng morge si Ms.Sy na nakayakap pa rin sa katawan ng walang buhay nyang anak.

"B-bakit kuya ang tawag ni AJ kay V?" Napatingin sya sa'ken saka ngumiti.

"Hindi alam ng bata na anak sya ni V..ang alam nya kaibigan ng mommy nya si V, hindi ipinaalam ni V dahil balak nya sanang sabihin ito sa birthday ng bata sa September 18..pero nahuli na...Wala na si AJ." Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na umiyak dahil sa narinig ko...wala na talagang mas sasakit pa sa nararamdaman ni V ngayon...Kaya pala ganun na lang ang ngiti ni V nang makita my yung bata kanina.

Hindi ko alam pero may kung anong nagtulak sa'ken na puntahan si V sa labas..

Basta ang alam ko...kailangan nya ako...kailangan nya ng karamay.


{A/N: please do play the song}


Nadatanan ko syang nakalupasay sa sahig....Tulala, nakatingin lang sa kawalan pero my luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata.

Walang pasabi akong tumabi sa kanya.

"Sa tingin ko, unti-unti na kitang nakikilala....bipolar ka man minsan, masungit, mapang-asar but you still have a heart..." lumapit ako sa kanya at iniabot yung panyo na ibinigay nya sa'ken noon.

"Tingin ko oras na para ibalik ko ito sa'yo..." Hindi man nya kinuha yung panyo pero alam kong naririnig nya ako...

Ako na mismo ang nagpunas ng luha sa mukha nya gamit yung panyo at may kung anong nag-udyok sa'ken para yakapin sya..

Kahit konting panahon nya lang nakapiling ang anak nya sigurado akong mahirap pa ring limutin ang konting ala-aala na yun...o pwede rin namang wag nya na lang kalimutan....yung pakiramdam na kahit masakit at gustong-gusto mong kalimutan pero hindi mo magawa kase alam mong pagkinalimutan mo yung kati-ting na alaala na yun, mas doble ang sakit na mararamdaman mo.

"Hindi ka nag-iisa, V...nandito ako..dadamayan kita." Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa mga mata nya dahilan para mabasa nito ang balikat ko...pero wala akong pakielam...alam kong mas kailangan nya ng karamay ngayon kesa kaaway.

Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon