Chapter 19 The end

63 6 2
                                    


Third Person POV

{A/N: please do play the song }

~Flashback

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Siri habang pinagmamasdan si V na busy sa pagcecellphone.

"I won't sleep unless you say good night to your boyfriend." Tugon nito.

"Sinong boyfriend?" Dahil sa narinig ay lalong nainis si V...Hindi nya alam kung sadyang malakas lang ang tama sa utak ng girlfriend nya o sadyang slowpoke lang ito pagdating sa mga bagay-bagay.

"Ask the wall, idiot..." inis syang lumabas ng kwarto at nagtungo sa may sala...

Kumuha sya ng isang basong tubig mula sa ref ay ininom ito...Hindi nya gustong masabihan ng ganun si Siri..pero hindi nya napigilan ang sarili nya dulot na rin ng tugon nito sa kanya kanina...

Napahinto sya sa pag-inom nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Who's this?" Pagsagot nya sa tawag at naglakad patungo sa may garden habang hawak-hawak ng kaliwang kamay nya ang basong may lamang tubig.

"Lubayan mo na ang anak ko.." napakunot ang noo ni V dahil sa tugon na narinig.

"I'm sorry but I think you've got a wrong call, Miste-"

"Hindi ako nagkamali ng tinawagan, Mr.Alonzo....Ako ang ama ni Siri...tumawag ako para sabihin sa'yo ang ilang importanteng bagay na dapat mong malaman kaya pakinggan mo sana ako."

He's awake? Yan ang unang tanong na naglaro sa utak ni V....

"Alam kong malaki ang utang na loob ko sa'yo dahil tinulungan mo ang anak ko na magkaroon ng trabaho bilang panustos sa mga gastusin ko rito sa ospital, kaya naman nagpapasalamat ako sa'yo dahil dun...pero bilang ama na nagmamahal sa anak..Hinihiling kong layuan mo na ang anak ko tutal gising na ako....hindi nya rin kailangan pang magtrabaho sa'yo at sa kompanya nyo dahil magaling na ako.."

Tahimik lang na nakikinig si V habang nakatingin sa madilim na hardin.

"Layuan mo sya dahil masasaktan lang sya nang dahil sa'yo..."Hindi na napigilan pa ni V na hindi magsalita dahil sa huling narinig.

"I love your daughter, Sir...and I promised you i will never hurt her.." seryoso nyang tugon.

"Oo, mahal mo sya pero hindi yan sapat na batayan para hindi mo sya masaktan...Gusto mo talagang malaman ang totoo kung bakit ko to sinasabi sa'yo?"

Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa...Nagbuntong hininga si Zero, ang ama ni Siri bago muling nagsalita...

"Nang dahil sayo, namatay ang nanay ni Siri..." halos magtiim ang bagang ni V nang marinig yun...

"Noong araw na nakaratay sa ospital ang nanay ni Siri ay pumasok ka sa loob ng kwarto nya at pinakielaman ang mga aparatong nakakabit sa katawan nya...na naging sanhi ng kamatayan nya.." Unti-unting nagbalik sa isipan ni V ang mga ala-ala noong limang taong gulang pa lamang sya...Ang hindi nya sinasadyang pagkakatanggal ng life support na nakakabit noon sa nanay ni Siri matapos itong mabrain dead, ilang araw matapos operahan dulot ng aksidente nangyari dito.

"May isa pa...bukod dun..Ang nanay ng anak mo...Siguradong kasusuklaman ni Siri dahil ang kompanyang hawak nya ay ang kompanyang itinayo ng asawa ko para ipamana sa anak ko sakaling mamatay sya..nang dahil sa ginawa mong pangingielam noon, wala akong nagawa kundi ipagbili ang kompanya para may panggastos sa libing ng asawa ko...naghirap kami, minaltrato ako ng sarili kong kapatid at halos patayin nila noon si Siri...lahat yun ay hindi sana nangyari kundi dahil sa ginawa mo.."

Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon