Chapter 14 Stay

57 4 5
                                    

Siri's POV

"Diba?, Uy! Siri!" Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Reign.

"H-huh? Ano yun?" Ngayon ko lang naalala na nasa school nga pala ako at kasalukuyang nagrerecess dito sa may cafeteria.

"Hayy...Sabi ko pwede silang magpaautograph sa'yo diba?" Sabi ni Reign at itinuro yung limang estudyante na kanina pa ata nakatayo sa harapan namin.

"A-ahh...eh sige.."kinuha ko yung mga dala nilang magazine kung saan ako yung cover tsaka pinirmahan hindi pa nga sila nakuntento at nagpapicture pa.

"Alam mo pansin ko, kanina ka pang lutang, okay ka lang ba ha, Bes?" Tanong nya at seryoso akong tiningnan.

"Ewan." Wala sa sarili kong sagot at inayos ang pagkakasuot ko ng aking salamin.

"Tsaka ano bang pumasok dyan sa utak mong kay talino at naisipan mong isuot yang nerdy glasses mo, e pwede namang mag-contact lens ka na lang." Hindi ko na lang sya sinagot at itinuon ang atensyon ko sa pagbabasa nung ginawang essay ni Rm para sa'ken.

"Ay, nga pala, Bes!  May pupuntahan kase ako ngayon, pwede bang ikaw na lang magpasa netong essay ko?" Tumango na lang ako hanggang sa lumayas na sya sa harapan ko.

Ni hindi ko nga lang naitanong kung saan sya pupunta e . Sobrang occupied ang utak ko...naguguluhan ako....



Ngayon ko lang kase naramdaman 'to...



Ngayon ko lang naramdaman na magmahal ng isang tao na alam kong kahit kelan ay hinding-hindi ako magugustuhan at talagang hindi para sa'ken.



Oo, inaamin ko.....Mahal ko sya...







Mahal ko na sya....








Mahal ko na si V.....












Hindi ko alam kung kelan, bakit at paano ko sya minahal....basta isang araw paggising ko, sya na agad ang inaalala ko....Nung mga araw na inaasar nya ako, sinasabihan ng "Mahal kita" kahit iba ang ibig sabihin nun, at nung mga oras na sinabi nya sa'ken na ako ang girlfriend nya...






Dun ko lang narealize na mahalaga talaga sya sa'ken pero ako.....







Wala lang ako sa kanya.







Traydor ang puso ko...kasasabi ko lang bawal syang mahalin e! Pero ano?! Minahal ko pa rin kahit hindi pwede!



"Chaine." Napatingin ako sa tabi ko nang may magsalita.

"Rm? " Anong ginagawa nya dito?

Nakahoodie jacket at sunglasses sya pero nahulaan ko pa rin ang katauhan nya dahil sa boses nya.

"Anong ginagawa m--"

"Makinig ka.. kailangan mong sumama sa'ken ngayon na...Si V..." agad na naalarma ang sistema ko nang marinig ang pangalan nya.

"Bakit? Anong nangyari? "






----











"Kanina nya pa ayaw uminom ng gamot...Sobrang taas na ng lagnat nya, ni magpadala sa ospital, ayaw ng ungas na yan...Ewan ko ba dyan, sinapian na naman at--- ARAY! Napatigil sa pagdaldal si Jimin nang batuhin sya ni Suga ng sapatos sa ulo.

Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon