Chapter 13 Betrayed

49 5 6
                                    

Siri's POV

Nakatulala ako ngayon dito sa kwarto. Hindi ko rin alam kung ilang beses na akong tinawag ni Manang Leonor para kumain ng hapunan, pero ito pa rin ako..nandito sa tabi ng bintana at tinatanaw ang malawak na lupain na nakapalibot sa mansyon.

Sobrang gulo ng utak ko...May anak si V..hindi lang isa kundi dalawa...Kambal pa.

May relasyon sila ni Ms.Sy, hindi sila kasal pero may anak na kambal?

Paano nangyari yun? Akala ko ba kahit ang magkaroon ng girlfriend ay bawal sa ilalim ng Sy Entertainment?

Ginawa pa nga nilang big deal yung eksena namin dati ni V sa mall e...kaya eto ako ngayon syota sya.

Sa kontrata...sa papel, sa madaling salita....peke, kasinungalingan ang lahat sa'min.

Napaigtad ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

*Unknown No.# Calling *

Sino naman kayang baliw ang tatawag ganitong dis oras ng gabi?

" Hello?" Narinig ko mula sa kabilang linya ang pagtikhim ng aking kausap.

"Siri.." Tss...sya lang pala,,,,ano kayang pumasok sa kokote nya at napatawag sya?

" Bakit?" Hindi ko alam pero imbes na tarayan ko sya o kaya'y hindi pansinin at hindi sagutin ang tawag nya pero eto...ngayon kausap ko sya na para bang may kung anong mahalagang papel sya sa buhay ko.

"I'm sorry....I left you there..."kung dati ay wala akong pakielam sa mga tao sa paligid ko at tanging sa pamilya, pag-aaral at trabaho lang nakatuon ang atensyon ko ay tila unti-unti na itong nagbabago....Natututo na akong makihalubilo at maramdaman ang nararamdaman ng iba.

" Tss...okay." Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis...Na para bang iba ang dating sa'ken ng pagtawag ni V ngayon...Yun bang pakiramdam na naiinis ka dahil ngayon nya lang napansin na naiwan ka nga pala nya dito. 

"Okay? You're not even mad at me?"Taka nyang tanong.

" Bakit naman ako magagalit? Nakakamatay bang maiwan mo dito?" Sarkastiko kong sagot.

Tch....tsaka ano bang karapatan ko na magreklamo at magalit? Isa pa anak nya naman at TOTOO nyang girlfriend ang pinuntahan nya dun kapalit ng pag-iwan nya dito sa'ken. Wala lang naman ako sa kanya e..kaya hindi na importante pa ang mararamdaman ko dahil sa ginawa nya...Ginagamit nya lang ako para maisayos ang pangalan nya at ginagamit ko lang rin sya para sa popularidad at pera...kaya sa madaling salita..kailangan namin ang isa't isa...para maggamitan at mabuhay.

" You said you're not mad, but your voice sounded like you are..." sagot nya na kung siguro ay nasa harapan ko sya ngayon ay lulunudin na naman nya ako ng mga titig nya.

" Hindi ako galit...dahil wala akong karapatan..isa pa anak mo yang pinunta mo dyan...at wala akong kinalaman sa buhay mo." Diretso kong sabi sabay sulyap sa may bintana.

" You're part of me..my life...and I'm giving you the privilege to...because you said you're my girlfriend. " seryoso nyang sambit...para bang naging dismayado sya sa naging sagot ko...para bang inaasahan nya na sasabihin kong nagagalit ako...Ako lang ba, o sadyang nagiging feelingera lang ako at umaasa na may puwang at pusisyon pa ako sa buhay nya?

" V,...ilang beses ko bang kailangang sabihin at linawin sa'yo na hindi mo ako totoong girlfriend..palabas lang ang lahat kaya pwede itigil mo na yang kasisingit mo sa usapan natin na girlfriend mo ako lalo na't tayo lang namang dalawa ang nag-uusap kaya hindi mo na kailangan pang magpanggap..."sabi ko at nagbuntong hininga.

Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon