Suga's POV
"Hoy, ungas!kakain na tayo, gumising ka na dyan!"
=______________________________=
Ang ingay....leche sino ba yung ungas na tinatawag nila? Ba't ba hindi na lang yun gumising para tumigil na sa kakasigaw 'tong si Jin...
Putchanghamnida...
"Sinong tarantado ang naghagis ng unan sa mukha ko?"
"Ako, bakit may angal ka?" Sabi ko nga wala e.
"Kanina ka pang ginigising dyang, monggoloid ka..putol na ang litid naming lahat pero nahihilik ka pa rin dyan." Sinabi ko ba ring sermunan nyo 'ko? =___________=
"Wala ka pala kay Rm e.." nakangising asar ni Jimin sa'ken nang makarating ako sa may hapag-kainan.
"Tss...tigilan mo'ko kung gusto mo pang mabuhay."
"Tss, tsk..maraming magagalit sa'yo kapag pinatay mo'ko, tsaka hindi na matutuloy yung pagsasalin lahi ng mga pogi sa mundo kapag nawala ako." Inakbayan pa ako ng loko bago sumubo ng pagkain na mula sa plato ko.
"Kapag nawala ako,paniguradong madaming babae ang mag-iiyakan..wala na kase yung pinakapoging lalake sa balat ng mundo.."
-____________________-
Ang daming sinasabi...
"Unang-una, kapag nawala ka, magdidiwang kaming lahat,pangalawa, kahit mawala ka dito sa mundo, wala silang pakielam dahil nandito sa harapan mo ang tunay na depinisyon ng gwapo...pangatlo, wag kang mag-alala dahil may kilala akong babaeng unang-unang iiyak sa burol mo, ungas." Kala mo nagpanatang makabayan ang loko dahil sa dami ng sinabi e, hindi naman sya ang kausap.
"Hyung, sino?" Tanong ni Jimin...Ayos ah, hindi pinansin yung panlalait sa kanya ni Jin kanina.
"Si Snow White." Napatigil ako sa pagsubo nang makitang nakatitig sa'ken yung anim na ungas.
"Awww....ikaw yung pumatay sa'ken pero ikaw rin pala yung unang iiyak, ang twit-twit mo naman." Ngumuso pa ang loko at inilapit ang mukha nya sa mukha ko.
"Ingungudngud ko mamaya yang nguso mo sa pwet ng kalabaw." Tumigil sya at itinuon ang pansin sa pagkain.
"Hindi naman sya si Snow White e..si Sleeping beauty yan! Kulay nya lang ang nagdala, alam mo namang sya ang nakatalo kay Sleeping Beauty sa patagalang matulog." Natawanan silang lima maliban kay V na mukhang nasa kalawakan na naman ang utak...
"Hala sige, tawa lang..pag nabulunan kayo, isa-isa ko kayong dadagukan." Natigilan sila sa pagtawa at nagsilamon na ulit.
"Saan ka pupunta, V? Hindi ka ba sasama sa'min sa Spaaaaaa?" Kala mo, diyamante yung mata ngayon ni j-hope dahil sa kislap lalo na nang banggitin nya yung spa...
"I'll visit Siri." Tugon nya.
"Asus! Tatlong araw lang kayong hindi nagkita, miss mo na agad?" Asar ni Jk.
"Just go and get your lovelife, for you to feel what I am feeling right now." Nakangising sabi ni V.
"Oo nga, ungas! Pormahan mo na kase si Reign!" Sinamaan ng tingin ni Jk si Jimin na nakangiti ng nakakaloko sa kanya.
Tsk...torpe...gusto pa atang pagselosin ko sya bago umamin dun sa babaeng saksakan ng ingay..ano bang nagustuhan ni Jk dun? Bukod sa naiingayan ako sa bunganga nyang mala-armalite sa kadaldalan, naiinis ako dahil lagi nya akong inaabala sa pagtulog kapag pupunta sya sa studio...
BINABASA MO ANG
Perfect Stranger
Novela JuvenilOne day , isang araw may isang Nerd....na aksidenteng.. . . . Nahalikan ng estranghero? But what if...hindi lng pala isang ordinaryong estranghero ang nakabingwit ng first ever kiss nya? What to do na? Tunghayan ang storya ng Nerd na puro trabah...