Siri's POV
"Hihihi...." napatingin kami pareho ni V dun sa bata dahil sa tawa nito.
"Why baby?" Tanong ni V .
Tch..Wengya naka-baby ah..
Agad na itinuro nung bata yung likod ko kaya napalingon kami dun.
=_____________________________=
Paano ba naman kase hindi matatawa yung bata kung may anim na clown dun sa likod..
Halata masyadong nag-eeaves drop silang anim e.
Yung isa kunware nagcecellphone, yung isa naman pasipol-sipol na naglalakad na paalis, yung dalawa kunwari pang naghahabulan at naghaharutan, yung isa naman napakaboyscout...tss may dala pa talagang libro at nababasa habang nakasandal sa pader..tss partida, baliktad pa yung pagkakahawak nya sa libro, paano nya kaya yun nababasa? =_________________= at yung isa ang pinakamalupit....nakayakap ba naman sa pader at nakapikit...Tch, bagong pauso lang? Matulog ng nakatayo habang nakayakap sa pader?
Kanya-kanyang gawa ng palusot e...
"Tss...those f^ckin' bastards." Rinig kong sabi ni V at tiningnan ng matalim yung anim na kasalukuyang nakatingin din sa'min.
"What the hell are you doing here? " tanong nya dun sa anim na ipinagpatuloy yung mga palusot nilang scenarios.
Sabay-sabay silang nagkatinginan bago kami nilingon..
"Ayieeeeeeeee!!!!! Mahal mo pala ha!" Sabay-sabay nilang sigaw bago kumaripas ng takbo.
Halata sa mukha ni V ang pagkainis lalo na't namumula na yung magkabilang pisngi nya.
"Hihihi....Kuya V , you're blushin--" tinakpan ni V ng kamay nya yung bibig nung bata bago pa nito matapos ang sasabihin nito.
"Kuya? Kapatid mo?" Tanong ko kay V na ikinakunot ng noo nya.
"No." Tipid nyang sagot saka tumingin muli sa dinaanan nung anim na bugok.
"No.1 fan nya po ako.." napatingin ako dun sa bata nang magsalita ito.
Napangiti ako saka lumapit dun sa bata.
"Ang ganda-ganda nyo po, Ate bagay na bagay po kayo ni Kuya V." Tsk...Hay nakuu...Ba't ba ang sisinungaling ng mga bata ngayon?
"Ikaw rin naman ah, maganda ka rin nama-" hahaplusin ko sana yung ulo nya kaso bigla syang umiwas at tsaka natumba...agad naman syang nasalo ni V.
"D^mn...." mahinang mura nya at binuhat yung bata.
"V! Dalhin na natin sya sa ospital!" Sabi ko dahilan para hawakan ni V ang kamay ko habang yung isa nyang kamay ang may buhat dun sa bata.
--
"Nurse! Tulong!" Umalingaw-ngaw ang sigaw ni V sa buong ospital habang karga-karga nya yung bata. Namumutla na ito at napapansin ko na rin na parang nanlalagas yung ilang buhok nya.
"Sir...akin na po yung bata."Ibinigay ni V yung bata dun sa lalakeng nurse at kaagad naman syang sinundan nung doktor.
Nakahawak pa rin sa kamay ko si V pero hinayaan ko na lang....bakas din sa mukha nya ngayon ang pag-aalala dun sa bata...Mas lalong humigpit ang hawak nya sa kamay ko nung lumabas yung doktor mula dun sa kwarto kung saan dinala yung bata.
"Lumalala na ang sakit ng anak nyo...and sad to say she only have 2 months to live." Kung nakakawindang na malaman na may taning na ang buhay nung bata mas nakakawindang na malaman na may anak na pala ako! Anak ng! At kelan pa ako nagkaanak?
BINABASA MO ANG
Perfect Stranger
JugendliteraturOne day , isang araw may isang Nerd....na aksidenteng.. . . . Nahalikan ng estranghero? But what if...hindi lng pala isang ordinaryong estranghero ang nakabingwit ng first ever kiss nya? What to do na? Tunghayan ang storya ng Nerd na puro trabah...