Reign's POV~ 3 days before BTS left for their concert~
Naglalakad akong mag-isa....mag-isa sa ilalim ng maulang gabi....
Wala pa akong palya sa pag-iyak mula sa ospital hanggang sa makaalis ako roon...wala akong ibang ginawa kundi paagusin ang luha ko ng sabay-sabay....
Talagang hindi ako naalala ng bestfriend ko..
"Sino ka?Hindi kita kilala."
Nagsimula nang mag-unahang pumatak ang ma luha ko ...nakakainis, gusto kong magalit at sigawan sya para lang maipamukha sa kanya na ang tagal-tagal ko syang hinintay pero nagawa nya lang akong kalimutan ng ganoon na lang..
"Hindi mo ba ako naaalala? Ako 'to si Reign...bestfriend mo....Hello? Brayne Lee, here?!" Pabiro kong sambit.
"I'm sorry, Ms.Lee, hindi talaga kita kilala.." nginitian nya ako habang nakatingin sa'ken ng diretso...
"A-ako 'to si R-reign....best friend mo 'ko." Napansin kong natigilan sya dahil sa sinabi ko..
"Ahh....so classmate rin kita?" Laglag ang balikat ko na napayuko dahil dun...
May amnesia nga sya gaya ng sinabi ni Jimin...Itinext nya ako kanina kaya agad akong nagmadaling umalis ng room kahit nasa loob pa ang prof naming gurang at bungal para lang puntahan sya dito sa ospital...Sa madaling salita, nagcutting classes ako para lang mapuntahan sya rito pero hindi man lang pala nya ako maalala....
Masakit kase bukod sa mapapatawag ang mga magulang ko bukas sa school dahil nagcutting ako ay siguradong sandamak-mak na palo sa pwet pa ang aabutin ko kay momshi dahil dun..Pero bukod dun, masakit din kase talaga dahil minsan na akong namatayan ng kaibiga--best friend pala...at sa totoo lang..nawala sya dahil sa pagiging dakila kong tanga....
Tumakbo ako palabas ng kwarto nya at hindi ko inaasahan na makasalubong si Suga na naghihikab na naglalakad..
Agad syang napalingon sa direksyon ko at nagpatuloy sa paglalakad....
Akala ko lalapitan nya ako para tanungin kung okay lang ako at patahanin pero hindi...nilagpasan nya lang ako na parang hindi nya ako kilala.
Napalingon ako sa kanya na patuloy pa rin sa paglalakad at dinukot pa ang face mask nya sa bulsa at isinuot yun sa mukha nya.
Ouch...lang talaga to the nth power of the power.. Nakalimutan ka na nga ng bestfriend mo, sinampal ka pa ng isang napakalaking potassium sa mukha...as in ganito...
P*TA WAG KANG MAG-ASUME!!!!!
Yun lang naman ang dahilan ng mala- Maria Cristina Falls ko na luha ngayon.....Nakakainis...sabi nila mas maganda daw mag-emo kapag umuulan kase feel na feel mo daw yung mga patak ng ulan sa mukha mo tapos may biglang poging lalake na darating at papayungan ka...
Pero bwitit na buhay 'to! Mahigit dalawang oras na ako dito sa tabi ng kalsada,,,pero no show pa rin si poging magpapayong saken...
Nakakaiyak diba?
Idagdag mo pa yung sipon ko na humahalo sa patak ng ulan sa mukha ko with the tasteness of luha mula sa mata ko..
Kung may kanta ang BTS na Blood, Sweat and Tears....ako? Raindrop, Uhog and Tears...
BINABASA MO ANG
Perfect Stranger
Teen FictionOne day , isang araw may isang Nerd....na aksidenteng.. . . . Nahalikan ng estranghero? But what if...hindi lng pala isang ordinaryong estranghero ang nakabingwit ng first ever kiss nya? What to do na? Tunghayan ang storya ng Nerd na puro trabah...