{A/N: please do play the song }
Siri's POV
"Nababasa na tayo!" Sigaw ko kasabay ng tuluyang paglakas ng ulan pero nung hihilahin ko na sya papasok sa mansyon ay pinigilan nya ako..
Hinila nya ako papunta sa malawak na lupain...
"V!" Sigaw ko pero parang hindi nya lang ako naririnig.
Patuloy pa rin sya sa pagtakbo habang hila-hila ako.
"V, Ano ba? Magkakasakit tayo nito e! " nilingon nya lang ako at nginitian.
"Don't worry, I'll take care of you..." sabi nya tsaka tumakbo palayo sa'ken.
.
.
.
.
.
.
.--
Putspa naman oh! Ang lamig! Shet! Kabuiset naman e! Nilalagnat na ata ako...tsk, si V kase pinaligo pa ako sa ulan.
"Siri? " rinig kong tawag ni Ms.Sy sa'ken mula sa pinto.
"Po?" Tugon ko at pinilit na tumayo patungo sa may pintuan.
"Hey, are you okay?, nammumutla ka...are you sick?" Bungad nya sa'ken nang buksan ko ang pinto.
"Umm..sinat lang nama--"
"Oh my..sinat? Hindi ka lang sinisinat, nilalagnat ka na, Siri.." sabi nya matapos hawakan ang noo ko.
"Kaya mo pa ba? Or I'll bring you to the hospital na? " tanong nya at inalalayan ako pabalik sa kama.
"Kaya ko pa naman po..." sagot ko at nagtalukbong ng kumot.
"Thank you, Siri..."napamulat ako dahil sa sinabi ni Ms.Sy. "thank you for making V happy again..Thank you dahil sa mga oras na kailangan namin ng karamay ay hindi mo kami iniwan,.." hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti.
"Ginawa ko lang po yun dahil yun ang tamang gawin.." sagot ko na dahilan para yakapin nya ako.
"I'll be going back to Manila tonight, and bilang pasasalamat sa'yo, you can have two days off...ipapacancel ko lahat ng appointments mo bukas...and if ever na gumaling ka kaagad, pwede kang mamasyal dito, basta lagi mo lang isasama si Marian para hindi ka maligaw..." napangiti ako dahil sa narinig ko...
Salamat naman at makakapagpahinga ako....
Pero may isang bagay akong naalala...
"Ms.Sy?" Tawag ko sa kanya na kasalukuyang palabas na ng kwarto.
"Yes? "
"Paano po yung pag-aaral ko? Ilang linggo na po akong absent sa school..."sabi ko...
Tsk...paano kase nung isang araw na umatend ako ng klase, wala rin naman akong natutunan dahil sobrang occupied ng utak ko...at kasalanan yun ni V.
"I'll send my secretary na lang sa school nyo para ma-inform sila at maayos nila yung schedule mo.." Tumango na lang ako at saka bumalik sa paghiga.
"Thanks again, Siri...I'll send Manang Leonor na lang para dalhin dito yung mga meds na kailangan mo at para na rin maalagaan ka.." I mouthed "salamat" dahil hindi ko kaya pang maisaboses ito...nararamdaman ko na rin kase ang pagtaas ng init ng temperatura sa katawan ko, na mas lalong nakakapagpahina sa'ken.
BINABASA MO ANG
Perfect Stranger
Roman pour AdolescentsOne day , isang araw may isang Nerd....na aksidenteng.. . . . Nahalikan ng estranghero? But what if...hindi lng pala isang ordinaryong estranghero ang nakabingwit ng first ever kiss nya? What to do na? Tunghayan ang storya ng Nerd na puro trabah...