Chapter 17 Ewan ko sa'yo

61 4 0
                                    

Siri's POV

"Mahal kita, Siri...Mahal na mahal..." sambit nya at hinila ako palapit sa kanya at niyakap.






Hayyy..sana totoo na lang ang lahat ng sinabi mo....Sana nga mahal mo na lang din ako V...Sana hindi na pagpapanggap ang lahat sa'tin....Sana...

Mahal na nga kita...Mahal na kita , V..Pero, ano aasa ako sa katiting na kilos mo, at paniniwalain ang sarili ko na mahal mo rin ako? Tss..ayokong umasa..at kumapit sa salitang "baka sakali, at sana..." pero...Bakit parang hindi na lang ako nakakapit ngayon sa mga katagang yun? Nakayakap na ako sa mga katagang yun ngayon...Nakadikit at nakatatak na sa sistema ko ang mga salitang yun...Alam kong imposible...Alam kong bawal...alam kong hindi pwede...pero sinusuway ko pa rin...Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo ko?!....Bakit ba hindi ko na lang sundin ang isip ko na nagsasabing pigilan ang nararamdaman ko at dumistansya sa kanya?! Bakit ba ang kulit ko?!

"Bakit ba ang tahimik mo, Besh?Ayieee! Ginagahasa mo na ata sa isip mo si V, e! " kinurot ko ang tenga ni Reign sabay balik ng atensyon ko sa stage.

"Sira...Ginagahasa ka dyan?! Ang berde talaga ng utak mo, kahit kelan." Kasalukuyang nagsasalita yung isa sa mga host, yung babae na kesyo daw idol nya daw ang BTS, nakakanerbyos daw maghost ngayon dahil nandito yung mga idol nya...blah-blah-blah....hindi ko na masyadong naintindihan yung usapan nila dahil okyupado pa rin ni V ang utak ko....

"Asus...DPM!" Kantsaw nya at pagkatapos ay tumili-tili ulit nang sabihin nung host na magpeperform na ang BTS...

"D-DPM?" Tanong ko..Daming alam ng babaeng ' to, basta tungkol sa kalokohan e.

"Deny pa more! Ano ba yan Besh?, halos ata bata alam ang acronym na yan..Yung totoo, taga-bundok ka ba, Besh?" Tanong nito sa'ken .

"Psh..Ewan ko sa'yo.." iritado kong sambit at ibinaling ang paningin ko sa stage.

Nagsimula nang mag perform yung pito kaya pati itong katabi ko....ayun halos mapatid ang litid sa leeg sa kakasigaw sa pangalan ni Suga..Ewan ko ba kung bakit type na type nya ang lalakeng yun, no ngumiti nga ayaw nun..Siguro si V, hindi sya araw-araw ngumingiti pero yung si Suga, kahit siguro itapat mo ang mukha nun kay Vice Ganda ay hindi pa rin yun tatawa o ngingiti man lang...baka matulog lang yun.

"Ayieeee....Ewan ko sa'yo pero ganda ng ngiti...Sus si V na naman ang nasa isip..." Asar ni Reign pero hindi ko na lang sya pinansin....

Nagsimula na silang kumanta at sumayaw...

Napansin ko na kanina pa pasimpleng inililibot ni V ang paningin nya...Tss, di ako assuming ha, pero feeling ko hinahanap ako nyan...Tch.malay ko ba? Malay nyo ba?

Cute nga nyang sumayaw e..actually halos lahat naman sila cute sumayaw at all in all magaling...tama nga si Reign, magaling nga si Suga sa pag-rarap..At sa sobrang galing nya...wala akong naintindihan sa mga sinabi nya.=_________= ... ang bilis ng bibig e..

Nang matapos ang dalawang magkasunod na kanta ay nawala mula sila pansamantala..ang sabi netong katabi ko e, nagpapalipat-lipat na daw ng damit at naghahanda...ang sunod daw kase nilang ipeperform ay ang mga kanta sa bago nilang album...Tch..Um-Oo na lang ako...Alangan namang magtitili ako kagaya nya? Hello? Hindi nga ako kasali sa fangirl system nila.=______=

"Kyahhhhhhhhhhhhhhhh"

"OMG! "

"DNA! DNA! DNA!

Nakakabingi na talaga dito....Hmm..makalabas mga muna.





--







Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon