{A/N: Please do play the song}
Siri's POV
Dalawang araw na ang nakalipas....Pero hanggang ngayon ang sakit-sakit pa rin....
Hanggang kelan ba 'to? Minsan nga naiisip ko sana hindi ko na lang sya nakilala, sana hindi na lang magkrus ang landas naming dalawa pa hindi kami nahihirapan pareho ngayon..
"Bes...kain ka na, oh." Napatingin ako kay Reign at sa dala nyang pagkain saka ko ibinalik ang tingin ko sa labas ng bintana.
Bakit ganito? Ginawa ko na nga kung ano sa tingin ko ay tama pero bakit nasasaktan at nahihirapan pa rin ako? Hindi ba dapat tapos na lahat ng sakit ngayon?
Mas lalo pang nagpagulo ng sitwasyon ang sinabi sa'ken ni Tatay nung mismong araw rin na kinausap ko si V sa rooftop.
"Anak....." nilapitan ako ni Tatay at umupo sa tabi ko..
"A-ano po bang sasabihin nyo?" Pinilit kong hindi mautal hangga't makakaya ko dahil baka mapansin ni Tatay ang mga luha kong nagbabadya na namang pumatak.
"Tungkol ito sa nanay mo.." iniangat ko ang tingin ko kay Tatay at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nya nang banggitin nya si nanay.
"Nung namatay ang nanay mo..hindi simpleng cardiac arrest ang sanhi nito." Taka kong tiningnan si Tatay..
"May nakatanggal ng mga aparato na nakakabit sa kanya ng mga oras na sya ring nagsisilbing pag-asa ng nanay mo para mabuhay noon...natanggal ng isang batang lalake ang life support ng nanay mo, at ang batang yun a walang iba kundi si V.."
"Pa-aanong?..Si V-v? A-aksidente lang yun d-diba, Tay?" Mapait na ngiti ang isinukli sa'ken ni Tatay.
"Sana nga aksidente lang ang lahat, anak...." Tuluyang pumatak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan...
"H-hindi nya yun magagawa, T-tay..." yakap mula kay Tatay ang natangap kong tungon..
Si V....si V na kinaiinisan ko noon...Si V na naging kasintahan ko sa papel...Si V na minahal ko...Si V na dahilan kung bakit nasasaktan ako ngayon, ay sya rin palang dahilan kung bakit ako nawalan at nasaktan noon...Ang dahilan kung bakit lumaki akong wala si Nanay sa tabi...
Ang taong mahal ko at minahal ko...ang syang dahilan kung bakit namatay ang nanay ko...
Third Person POV
Tahimik na nakamasid si Siri sa bintana ng kanyang kwarto...Dalawang araw na itong hindi lumalabas ng bahay...Kumakain naman ito at pumapasok na muli sa eskuwelahan pero wala itong kinakausap kahit na sino...Kahit pa ang best friend nyang si Reign...
Lubos na naguguluhan ang dalaga...Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya..Gusto nyang magalit kay V pero hindi nya magawa...Hindi nya alam ang gagawin..Gustuhin man nyang ilabas ang galit na kinikimkim pero kanino??
Kumakapit pa rin sya sa pag-asang mali ang sinabi ng kanyang ama...Ayaw nyang maniwala...Hindi nya kayang paniwalaan...hindi nya kayang tanggapin...Dahil ayaw nyang madagdagan pa ang sakit na pasan-pasan nya ngayon...
Tumayo sya mula sa pagkakaupo at napagpasyahang lumabas ng bahay...Gusto nyang makapagisip-isip..Gusto nya nang magsimula ulit.
"Siri...." walang lingon-lingon syang lumabas ng bahay at hindi pinansin ang pagtawag sa kanya ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Perfect Stranger
Ficção AdolescenteOne day , isang araw may isang Nerd....na aksidenteng.. . . . Nahalikan ng estranghero? But what if...hindi lng pala isang ordinaryong estranghero ang nakabingwit ng first ever kiss nya? What to do na? Tunghayan ang storya ng Nerd na puro trabah...