Chapter 6

76 5 2
                                    

;Love Triangle?

•••

ROSARY'S

Lumabas sila Ms. Sy at V ng opisina at naiwan kaming pito dito sa loob.

"Chaine, nabisita mo na ba ang tatay mo sa ospital?" Napalingon ako kay Jk, na may hawak na cup noodles at chopsticks at sinusubuan si Suga na nakahilata sa couch habang sya naman ay nakaupo sa carpeted floor ng opisina.

"Uhhhh,hindi pa." Sabi ko at yumuko.

"Gusto mo puntahan natin sya ngayon?" Agad akong nag-angat ng tingin dahil sa narinig ko.

"Talaga?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Oo, tutal wala naman kaming appointments ngayon e,tsaka alam ko namang miss na miss mo na ang tatay mo."Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi nya.

"Oh? Ano pang hinihintay nyo dyan?! Tara na!" Sigaw ni J-hope at kumaripas ng takbo palabas kasunod nya si Jimin at Suga na naghihikab na naglakad palabas.

"Tss,mga isip bata pa rin talaga." Naiiling na sabi ni Jin at inilagay sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone.

"Nasaan nga pala ang nanay mo, Chaine?" Tanong ni Rm na sinabayan ako sa paglalakad.

"Patay na." maikling tugon ko...

"Pasensya na, Chaine hind-"

"Ayus lang."putol ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"CHAINEE!" napalingon ako kay Jimin na tumatakbo papunta sa'ken.

"Oh? Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko at hinawakan ang balikat nya.

"Ikaw ha! Nag-ilove you ka kay V kanina! Ayieeeeeeeee!" Nakangisi nyang sabi at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.

-____________________________-


'Akala ko naman kung ano na e! Aasarin lang pala ako,tss'

"Ngaa pala asan yung boyfriend mo? Hindi mo man lang ba sya isasama sa ospital para makilala ng tatay mo? Ayieeee!" Tanong nya pa habang naglalakad kami.

"Ayieeee! Chaine ha! I love you pala ha!" Asar pa nina J-hope at Jk, at sympre as usual walang pakielam si Suga na nauna na sa labas at si Jin na naglalakad rin habang nagcecellphone.

"Mga baliw,tsk! Sinasabi ko na nga ba at aasarin nila ako e!"

--

"Chaine! Samahan mo ako! Naiwan ko sa opisina ni Ms.Sy yung wallet ko!" Pagmamaktol sa'ken ni Jimin habang nandito kami ngayon sa may parking lot.

"Naku, Chaine kung ako sa'yo hindi ko na sasamahan yang ugok na yan, matapos ka nyang asar-asarin kanina? Mas mabuti pa kung babatukan mo yang ulol na yan kesa samahan!" Sigaw ni Rm habang nakasandal sa van.

"Eeee! Chaine, sige na,pleaseee?!" Sabi nya at niyugyog ang balikat ko.

"Ano? Jimenaño? Bata lang? Tss,bakit ba magpapasama ka pa kay Chaine? Ang laki-laki mo na! Kaya mo na ang sarili mo, ungas! Sasakay lang ng elevator at maglalakad e, kailangan pa talaga ng kasama?" sabi naman ni Suga habang nag-iinat.

"Ano ka ba, Sugarnito? Mukha bang lumaki yang si Jimenaño sa itsura nyang yan?" Asar naman ni Jk.

"Takte ka! Jungkook na mukhang mangkok!Mapapatay kita!" Samantalang halos hindi na makahinga sa kakatawa sina Jk at J-hope.

"Pwede ba, Chaine pakisamahan mo na lang yang fetus na yan pabalik sa opisina ni Ms.Sy, nabubuiset na talaga ako sa pagmumukha nyan e,napakaingay pa." Naiiritang sabi ni Jin kaya wala akong nagawa kundi samahan si Jimin pabalik sa office ni Ms.Sy.

Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon