Chapter One

253 10 6
                                    

"Bakit naman kasi kailangan niyo pang umalis?!" isang malaking rant na sinabi sa akin ng mga katropa ko. Oo nga naman. Bakit kailangan kong umalis? Bakit kailangan naming lumayo? Nasa school nga pala kami ngayon para sa clearance signing namin. Pinag she shake shake shake ako ng mga kabarkada ko na para bang bote ng gatas na kailangan alugin para humalo yung lasa ng gatas sa lahat ng parte ng bote nito. Tama nga naman sa akin 'to. Alugin at gisingin sa katotohanan na hindi ko na makikita ulit ang mga minamahal kong kaibigan. Huhu. Ang drama ko!

"Guys, wala rin naman tayong magagawa. Napagdesisyunan na eh. At tsaka, mas okay na rin 'to. Kaysa naman puro na lang pag aapi ang tamuhin namin sa pang-araw araw naming buhay, di ba?" sinabi ko bilang pag eexplain kung bakit nga naman kailangan naming umalis.

"It's just that.. Mahirap lang talagang tanggapin, Lexi eh." maiksing sinabi ni Melanie.

It's true. Mahirap tanggapin. Pero eto ang pinakamadaling paraan para mawala ang lahat ng sakit. Para mapawi ang lahat ng mga pinoproblema namin sa kasalukuyan. At para rin naman mabura na rin ang mga alaalang hindi rin naman dapat maalala.

"We'll still keep in contact naman, di ba, guys?" sabi ko naman sa kanila bilang konting pag cheer up. Nagkatinginan silang lahat sa isa't isa.

"Well, yeah. But it still won't be the same.." sinabi naman ni Allie sa sobrang down niya na aalis at mawawala na ako next school year. WAG KANG IIYAK, LEXI! WAG KANG IIYAK!

"Don't ya' worry, dear! I know na once you're in this barkada, it's kind of hard going out. But you don't need to do that. You can remain in the barkada as it always had been." sabi ni Melanie bilang comfort.

Alam niyo ba yung feeling na mapapalayo ka na nga sa mga taong nang-aapi sa'yo pero mapapalayo ka na rin sa mga taong pinakaminamahal mo? Masaklap eh. Pero wala na rin naman akong magagawa since hindi naman ako nagdedesisyon sa mga bagay-bagay sa pamilya namin. Or well.. Used to be na pamilya namin. Eitherway, ang hindi ko rin naman talaga matanggap is mapapalayo ako kay Daddy. He's always been the closest in my heart. Pero iiwanan na namin siya dahil kailangan na namin pumunta QC para magpakalayo. Masaklap. Mahirap. Nakakaiyak.

Matapos namin ayusin ang clearance namin ngayong araw na 'to, may gala pa ang barkada namin. Pero hindi na ako sumama kasi gusto ko muna ng moment alone. Since last time ko na rin naman mapagmamasdan ang kapaligiran ko, susulitin ko na rin at iiwasan ko na lang ang bagsik ng mga relatives ko from my father's side.

Habang nakasakay ako sa jeep, hindi talaga mawala sa isip ko ang lahat ng bagay na ngayon pa lang naman nag si sink in sa utak ko. Lutang nga ako ngayon eh. Nagsisiliparan mga iniisip ko sa paligid ko. Ewan ko ba. Ang dami ko talagang iniintindi sa ngayon. Marami rin akong iniisip na mga tanong na namamasok-labas sa brain ko. Grrrr. Bakit kailangan mong umalis? Oo, alam ko yung dahilan! Pero bakit kung kailan akala ko maayos na ang lahat? Akala ko ba, maayos na nga ang lahat? Hayy. Zzz. Chupee nga, mga lintek na tanong na yan!!!

"Lexi, dear.. Ikaw na ba yan?" sinabi ni Mommy pagkabukas ko ng pinto sa bahay na lalayasan rin naman namin a few days from now.

"Yeah, Mom! I'm.. home." medyo nag hesitate ako na tawagin ang bahay na ito na home dahil sa palagay ko, this isn't home. A home, by definition, is a family. Composed of a mother, a father and a child. Pero somehow, I don't feel like I'm a part of one anymore.

"Oh, good! Mag ayos ka na ng mga gamit mo. We've got a lot of packing to do!" sinabi niya sa akin nang pasigaw since nasa halos kabilang bahagi siya ng bahay na 'to.

I'm Your New StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon