Nakaupo ako ngayon sa upuan ko sa loob ng classroom. Nagdidiscuss ang teacher namin tungkol sa African Literature na nakapag-advance study na ako kaya hindi na ako nakikinig. Sa ngayon, nagkukunwari ako na kumokopya ako ng lecture pero sa totoo lang, nagdu doodle lang ako sa likod ng notebook ko. Kung anu-ano ang nakasulat dito. Gusto ko nang umuwi. Nakakabored si Ma'am. Sana magkaklase na lang kami ni Lexi. At ang pinakaobvious dito ay ang isang malaking lettering na nakalagay ay Lexi. Ewan ko ba! Ang lakas ng tama ko sa kanya. Dahil ba 'to sa best friend ko siya? Hayy. Alam ko namang wala akong pag-asa sa kanya eh. Kasi sa mga kinikilos ni Lexi, halatang gusto niya si Lance. Hindi man niya aminin, HALATANG-HALATA. And it's tearing me to pieces.
"Class.. Medyo out of topic lang. As you all know, we will have our yearly promenade. And this year's theme will be a Do You Believe in Magic? Prom. It will be organized by yours truly together with the SCC committee. It will happen about 100 days from now. Why am I saying this today, you ask? Well, para makapagprepare na din kayo to grab a date!" lahat ng mga estudyante sa loob ng classroom ay nag-gasp at biglang nagchikahan sa isa't isa tungkol sa much-awaited na prom na ito. "Hep! Hep! Hep! Alam kong excited kayo about this right now pero just to notify all of you, may quiz kayo bukas!"
Nanahimik na ulit ang buong klase. Sigurado akong nainis at nalungkot sila dahil nalaman nilang may quiz kaming bukas. Teka! Prom? Do You Believe in Magic? na prom? Dahil sa pag-iisip ko dito ay sinulat ko ito sa notebook ko sa ilalim ng lettering ko ng pangalan ni Lexi. 100 Days. 100 days from now...
Pupunta kaya si Lexi kung sakaling ayain ko siya? Hmm.. Teka! Ayoko namang sirain pagkakaibigan namin kapag nalaman niya na may gusto ako sa kanya.. Teka ulit! Di naman niya malalaman kung sasabihin ko lang naman na friendly date lang yun di ba? Pero.. NATOTORPE AKO. -____-" Isa pa, baka ayain na siya nung Lance na yun...
PUSO: Wala namang masama kung susubukan mo, di ba? Follow me..
UTAK: Wag, Travis! Masisira pagkakaibigan niyo ni Lexi!
PUSO: Anung pinagsasabi mo, Utak? Hindi mangyayari yon! Magbestfriend sila ni Lexi eh!
UTAK: Eh pano nga kung di naman gusto ni Lexi si Travis, di ba? Ta's magiging awkward silang dalawa and hindi na sila magiging the same like before kapag nalaman niya na may gusto si Travis sa kanya!
PUSO: Palagi ka na lang kontra.. Nakakainis ka!
UTAK: Wala ka na lang nasabi kasi totoo..
Shh! Wag kayong maingay. Nakikinig na ako sa discussion ni Ma'am! Baka mamental block ako sa quiz bukas.. Patay ako. Please lang. Nanghihingi lang ako ng kahit konting katahimikan mula sa inyo. Okay? Very good.
Matapos ang klase namin ay nagkaroon kami ulit ng maiksing break at pinalabas na naman kami ng classroom. Pumunta ako sa locker ko na medyo malapit lang rin sa locker ni Lexi. Ang kaso lang, wala pa si Lexi. Napasulyap ako sa locker ni Lexi. Ang locker niya na pinaglalagyan niya ng mga gamit niya. Na pinupuntahan niya every after each subject. Bigla bigla namang nagkaroon ako ng idea...
Hindi nagtagal ay dumating na si Lexi na medyo bright ang mood. Ano kaya nangyari sa kanya kanina at bakit parang ang saya-saya niya?
"Oh! Mukhang maganda ang ngiti natin ngayon ah?" sinabi ko sa kanya habang naglalagay siya ng mga gamit niya sa locker niya.
"Wala 'to!" sinabi niya habang nakangiti pa din.
"Ngayon ko lang nakita 'yang ngiti na yan ah.. Ano ba talaga meron?" kinulit ko si Lexi na sabihin sa'kin.
"Wala nga!" sinabi niya sa harap ng mukha ko habang nakangiti pa din sabay alis niya.
"Weirdo.." napabuntong-hininga ako. "...Weirdong mahal ko."
Binuksan ko naman ang locker ko at may dinikit akong picture ni Lexi sa pinakalikod ng locker ko para walang ibang makakita. Kinuha ko naman ang sticky notes ko at nagsimulang magsulat. Sinulatan ko ang sticky notes ko simula 100 paurong up to 1. Bawat isang sticky note ay may kalakip na number. Magka countdown ako hanggang sa mismong araw ng prom. Dinikit ko ang sticky note ko na 'to sa pinto ng locker ko sabay sara ng locker ko.
"Kapag hindi ko nakuha si Lexi within the 100 days, titigil na ako." napabuntong-hininga ulit ako. "Kahit na alam kong masakit."
BINABASA MO ANG
I'm Your New Stalker
Teen FictionPaglipat mo sa bagong eskwelahan, matatawag kang "new student". Pero paano kung maging "new stalker" ka na din?