Chapter Fifteen

38 1 0
                                    

So, nandito kami ngayon sa entrance ng SM-The Block. Nakapila kami sa labas kasi maraming papasok na nagpapacheck ng mga kani-kanilang bag. Pagkatapos naman ng iilang mga tao ay ako na ang papasok sa loob ng entrance. Narealize ko na lang na naiwan ko pala bag ko sa locker ko sa school at nadala ko lang ang notebook na pinagsulatan ko para kay Lance. Patay tayo diyan! Pagkadating namin pareho ni Travis sa loob, biglang nag alala ako.

"Travis, naiwan ko bag ko sa locker ko.." sabi ko naman sa kanya.

"Eh? Pwede naman tayong bumalik mamaya! Okay lang yun." sabi naman niya.

"P-Pero.." bigla naman niya ako pinigilan na magsalita.

"Look. Relax ka lang. We'll get it later, okay? Ngayon, ang kailangan mo muna alalahanin is kung anung dress ang gusto mong ibili ko sa'yo. Okay?" tumango lang ako kahit ang weird nung pagkasabi niya na mamili na daw ako ng dress na gusto ko.. Eh, hindi nga ako nag dedress eh?

Bigla naman akong hinigit ni Travis papunta sa Forever 21. Ang laki nung Forever 21 dito sa SM! Ewan ko ba kung makakapili ako ng damit dito o KUNG may gusto akong damit dito. Hawak-hawak pa din ni Travis ang wrist ko nang makarating kami sa harap ng Forever 21. Hinila niya ako ulit at may kinuha si Travis na dress. Plain light blue sa itaas na may pacross na lace at striped black and white sa lower part ng dress na ito. Tinapat ito sa akin ni Travis na para bang tinitingnan kung bagay sa akin.

"Eto, isukat mo.." sinabi niya habang inaabot niya sa akin ang damit na ito.

Nang tinanggap ko ang nakahanger na damit na ito ay hinigit na naman ako ni Travis sa wrist ko na hanggang ngayon, di pa rin niya binibitawan. Dinala ako ni Travis sa harap ng dressing room. Napatingin naman ako kay Travis na nakangiti sa akin ngayon at napatingin din naman ako sa dress na binigay niya.

"Sure ka, maganda 'to?" tanong ko naman sa kanya.

"Para malaman natin? Isukat mo!" sinabi naman niya sa'kin sabay tulak sa akin sa loob ng isang dressing room.

Sinara naman ni Travis ang dressing room at naiwan ako sa loob nito. Wala naman akong masyadong problema sa dress na 'to. Ang maliit na problema ko lang ay baka hindi ko kayanin na dalhin yung damit. Wala kasi akong gaano na hinaharap kaya baka lumaylay. Saklap kapag ganito eh. So, sinukat ko nga ang damit na ito. Kumatok naman bigla si Travis.

"Okay na? Patingin!" sinabi niya sa'kin mula sa labas ng dressing room.

Inayos ko na lang nang konti yung itaas at in-unlock ko na yung pinto. Kusa naman itong bumukas dahil tinulak ito ni Travis. Nakatalikod ako sa pinto at nang humarap ako kay Travis ay kinilatis ako from top to bottom. Medyo tinataas ko nang konti yung harap ng dress na 'to dahil hindi nga kinakaya.

"Magpalit ka na. Tingin tayo ng iba." sinabi naman nito sabay sara ng pinto.

So nagpalit nga ako pabalik ulit sa suot ko kanina na uniform ng Goodwill. Inayos ko nang konti ang buhok ko pero hindi ito kumalma. Mas umalsa ang buhok ko at nagmukha akong bruha. Buti na lang at may dala akong pang ipit. Kinuha ko ito sa bulsa ng palda ko at tinalian ko ang buhok ko pa- Elsa ng Frozen. Magaling kasi ako magbraid sa sarili ko. Inunlock ko na yung pinto at hinila ito papasok. Bigla namang sumulpot si Travis sa harap ko at hinila ako papunta sa isa pang damit na sa tingin niya ay maganda na naman. Bright pink naman ang dress na ito na sleevless at may light na ruffles sa harap. Mahaba ang likod nito pero maiksi ang harap. Pang matangkad. Or at least, feeling matangkad.

I'm Your New StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon