Chapter Eight Point One

58 1 0
                                    

"Lolo, ang weird niya talaga. Pakiramdam ko, araw-araw niya akong sinusundan tsaka may masama siyang balak sa'kin." kinukwento sa akin ngayon ng apo kong si Lance ang mga pangyayari sa school nila kanina.

"Hindi naman siguro sa ganun, apo. Baka naman may gusto sa'yo yung tao?" sinabi ko naman sa kanya.

"Ewan ko ho! Basta ang alam ko, nakakainis siya. Alam kong nagmamagandang loob siya sa akin pero parang may pumipigil sa'kin na kaibiganin siya eh. Pakiramdam ko--"

"--Masasaktan ka ulit?" napatahimik naman si Lance at napayuko ito. "Hijo, hindi lahat ng tao sa mundong ito ay makakasakit sa'yo. You just got to give them a chance and let them enter your life para malaman mo kung sino talaga ang nararapat na maging kaibigan mo. If you keep on shutting doors on everyone, you won't find THE ONE for you. At parte sa pagiging tao ang masaktan. It teaches us to be stronger the next time something goes wrong."

"You know, Lolo.. You're right." sinabi ni Lance.

"I'm always right, apo." nginitian ko si Lance at nginitian ako nito pabalik.

"Sige ho, Lolo. Magbabike muna ako sandali." paalam naman sa akin ni Lance.

"Osige, hijo. Mag ingat ka." babala ko naman sa kanya.

"Opo!" 

Lumabas na si Lance ng bahay at tinanaw ko ito sa may bintanan na kinuha ang bike niya at nagsimulang magpadyak. Tuwing natatapos kami sa mga ganitong mga pag-uusap, hindi ko maiwasang mag isip isip ulit tungkol sa mga kinukwento sa akin ni Lance. Ngayon lang siya napapadalas na magkwento tungkol sa isang babae. Lalo na sa isang babae na pakiramdam ko, interesado din sa apo ko. Hindi kaya.. Pag-ibig na ito?

Lance's POV 

Paano mo nga ba masasabi kung mahal mo na ang isang tao? Naaalala kong pinag usapan namin 'to kasama ang mga katropa ko nung isang araw. Ito din ang naging dahilan kung bakit naging curious ako at napadpad ako sa library para mag research. Ito rin ang dahilan kung bakit ko nakilala si New Girl.. O mas kinikilala nila Lea na New Dirtbag ng Campus (kahit hindi naman). Pero paano nga ba?

Base sa mga nakalap kong impormasyon, masasabi mong mahal mo na ang isang tao kapag nararamdaman o nahahalata mo na ang mga signs na ito sa sarili mo..

1. Palagi mo siya iniisip. Kahit na hindi mo sinasadya, biglang lilitaw ang pangalan niya sa notebook mo habang nagsusulat ka ng lecture. O bigla ka na lang mapapatulala habang nag lu Lupang Hinirang dahil biglang sisipot ang mukha ng taong ito sa utak mo. Dito pa lang, malalaman mong LOVE na ito.

2. Wala kang ibang bukambibig kung 'di ang isang taong ito. Miski pang aasar pa yang nilalatag mong balita sa tropa mo tungkol sa babaeng ito ay hindi mo pa rin maiwasan na maisip na pinag uusapan mo pa rin ang taong ito.

3. Tuwing nakakasalubong mo siya, mauutal ka at mabablanko na lang sa kung ano ang gusto mong sabihin. Mapapaurong ang dila mo miski "Hi" lang ang gusto mong sabihin.

4. Every little detail about that special someone, inaalam mo. Kahit mapahiya ka pa sa tropa mo kapag bigla mo na lang tinanong ang tungkol sa taong ito ay walang hiya hiya nang tinatanong kasi gusto ngang malaman ang isang maliit na bagay tungkol sa taong 'to.

I'm Your New StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon