Chapter Twenty-Two

29 0 0
                                    

Lexi's POV 

Napakainit. Jusko. Para akong nasa loob ng isang panederia at ang tanging takas ko lang ay tanggalin ang suot ko. Pero ayoko at kailangan kong panindigan 'to! Para sa best friend ko rin naman 'to! Nagtataka ba kayo kung bakit hassel na hassel ako? Well, to make the long story short, nakasuot ako ng teddy bear costume. Yung tipong parang mascot sa Jollibee na super init sa loob at naaamoy mo ang sarili mong baktol. Grabihan 'tong ginagawa ko! Ako rin naman may kasalanan since ako rin naman nag suggest. At sure na sure ako na sasagutin na ni Tin si Travis sa lagay na 'to! Bigla namang tumawag si Travis at pahirapan kong tinanggal ang ulo ng teddy bear costume na ito. Sinagot ko si Travis.

"Oh, asan na kayo?" tinanong ko sa kanya at hindi na nag hello pa.

"Malapit na.." sinabi ni Travis na medyo nakapabulong. "Nakatulog si Tin sa kotse. Oh, ayan! Nasa tapat na kami ng condo! Maghanda ka na!"

"Opo. Good luuuuck!" sinabi ko at bigla na binaba ni Travis ang telepono.

Habang pahirapan kong binabalik ang ulo ko (medyo awkward sabihin) ay may tumawag ulit. Pero this time, hindi na si Travis ang tumatawag. Si Lance.

"Hello, Lance?" tanong ko dito.

"Lexi... Nasaan ka?" tinanong niya na medyo nanghihina.

"Um. Nasa condo. Tinutulungan ko kasi si Travis na maka--"

"--Pwede pumunta ka dito sandali? I need you.." sinabi niya nang walang anu-ano.

"B-Bakit?" tinanong ko na medyo may pagkakaba sa boses ko.

"Basta.. Kailangan kita.." sinabi niya at bigla siyang napasigaw nang malakas.

"Okay. Okay. I'll be there right away.." binaba ko na ang telepono habang nasa kalagitnaan ng pagsigaw si Lance.

Tinawagan ko naman ulit si Travis pero hindi siya sumasagot. Pakiramdam ko, paakyat na sila dito sa itaas ng condo. Tinext ko na lang siya at sinabi kong kailangan kong umalis at puntahan si Lance. Na good luck na lang sa natitirang plano niya na wala ako. Nagtext rin naman siya at sinabi niyang naiintindihan daw niya ang sitwasyon ko at pinayagan akong umalis. At the same time, pumapasok din naman sa isipan ko ang sitwasyon ni Lance ngayon na sa kasalukuyan ay nasasaktan at sumisigaw at umiiyak at nagluluksa. Wala na akong oras para magbihis, sabi ko sa sarili ko. Kaya tinakbo ko mula condo hanggang ospital (malapit lang naman) at nang makarating ako dito ay pinagtitinginan ako ng mga tao sa loob ng ospital. Siyempre naman, sino ba naman ang hindi magtataka kapag nakakita ng isang babaeng may katawan na teddy bear at may hawak na ulo ng teddy bear?

Pagkadating ko sa floor na kung saan nandun ang kwarto ni Lance ay nakita ko na lang si Lolo na natetense ang itsura na nakaupo sa waiting area. Umupo naman ako sa tabi niya at tinanong ko kung ano ang nangyari at ano ang problema.

"Hija, wala kang dapat ipag alala. Side effect lang ito ng chemo.." sinabi ni Lolo na hindi masyadong sigurado sa sinabi niya.

"Maybe not a side effect of chemo. Maybe a side effect of dying.." sinabi ko naman.

"Ano kamo?" tinanong ni Lolo.

"W-Wala ho! Okay na po ba si Lance? Nasan na po siya?" tinanong ko sa kanya.

"Nandun pa rin sa loob ng kwarto niya. He told me he was feeling better. And just when he said that, biglang sumakit nang matindi ang ulo niya that caused him to scream and call for you." sinabi niya.

I'm Your New StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon