RoboX4's POV
Meanwhile..
"Bye, Travis! Bye, Lexi!" sinabi ko kahit na alam kong nakalabas na ng tuluyan ang parehong sina Lexi at Travis. Sa hindi niyo lang alam, mag bestfriend na mag bestfriend ang dalawang 'yon! Pero hindi ko na ipapahaba pa yung bagay na yon dahil kailangan ko pang magluto dito sa kusina.
"Welcome to RoboX4's Cooking Show!
Hello! Hi! Hello! Nandito na naman ako, si RoboX4 para maghatid sa inyo ng isang mahalagang parte ng istoryang ito! Ang behind the scenes kung paano ako magluto ng makakain ni Travis sa t'wing dumadating siya! Bzzt! Bzzt!"
Hinanda ko lahat ng mga kasangkapan para sa pagluluto ko. Pinatong ko ito sa working table at nagsimula na ulit akong maghost.
"So, para sa araw na ito ay gagawan ko si Master Travis ng... *drumroll* FRIED OREOS! O mas kilala kay Master Travis na Oreo Pancakes! Ihanda niyo na ang mga sarili ninyo 'pagkat magsisimula na tayo!
Step 1: Isuot ang "I love cooking" apron. Para feel na feel mo ang pagluluto!
Step 2: Tingnan sa salamin kung maayos ba ang apron. Alam mo na.. Baka baliktad!
Step 3: Sumayaw habang suot ang apron at magsimula ng dance number para may beat ang pagluluto!
Para sa araw na 'to ay gagamitin ko ang tono ng Sumayaw Sumunod! At kung hindi niyo alam ang tono ng kanta, search niyo lang sa YouTube! Yung instrumental ah! Iba kasi ang lyrics ko.. (Tingnan niyo na din sa nakaattach na video sa gilid) Okay na? HERE WE GO!
♫♪ Ang kasiyahan ng tunay na pagluluto
Ay mararamdaman lalo na't kung feel na feel mo
Fried oreos na bago ay naghihintay para kainin mo~
Sumayaw sumunod ka sa kalam ng tiyan mo
Kasabay ang oreos na finafry ko ngayon!
Sumayaw sumunod ka sa kalam ng tiyan mo
Makisama, mag-enjoy ka.. Ngayon~
Fried oreos natin ay lutong luto na, wag sunugin
Tanggalin sa kawali para simulan na i-tong kainin
Fried oreos na bago ay naghihintay para kainin mo~
Sumayaw sumunod ka sa kalam ng tiyan mo
Kasabay ang oreos na finafry ko ngayon!
Sumayaw sumunod ka sa kalam ng tiyan mo
Makisama, mag-enjoy ka.. Ngayon~ ♫♪
Ayan! Mukhang luto na ang fried oreos natin! Para manatili siyang mainit, itatago ko siya sa ulo ko! Since ang ulo ko naman ay gawa sa oven. Hehehe! Consider niyo na lang na ang mga fried oreos na ito ay mga brain cells ko.. Hihi! Even though wala akong brain.. BABALA: WAG PONG TANGKAING ILAGAY ANG MGA FRIED OREOS SA LOOB NG UTAK MO. Para sa akin lang applicable ang bagay na ito dahil para kay Master Travis ito. Sige! Hanggang sa muli! Babye!"
Tinanggal ko na ang apron ko at sinabit ito sa sabitan dito sa Eating Room. Niligpit ko na rin ang lahat ng kalat na naidulot ko after ng dance number na iyon. Gusto ko sana kayong bigyan ng fried oreos ko kaso.. Para kay Travis talaga 'to eh. Sige. Isasaksak ko na lang muna pwet ko sa saksakan dito para makapag charge. Teheehee.. Bye! SHUT DOWN.
BINABASA MO ANG
I'm Your New Stalker
Genç KurguPaglipat mo sa bagong eskwelahan, matatawag kang "new student". Pero paano kung maging "new stalker" ka na din?