Nakakaiyak. Nakakalungkot. Nakakapang face floor. Pero habang nagtatambak na kami ng mga gamit namin sa loob ng taxi, I feel numb. Wala akong maramdaman. Well, I still feel yung pagkasakit-sakit na hampas ni Daddy sa mukha ko. Yung first and last time na nagawa niya sa akin na saktan ako after all these years. Hayy. As long as ngayon, alam na namin ang solusyon at gagawin na namin ora mismo, I won't have to be reminded of it.
Today is Friday. You might say Thank God It's Friday! And indeed, nagpapasalamat nga ako kay Lord na Friday na ngayon. Makakaalis na kami sa impyernong ito. Hindi na namin kailangan pagtiisan pa ang hindi naman dapat nararapat sa aming magkakapatid. Mas lalo na kay Mommy.
"Today is the day."buntong-hiningang sinabi ni Mommy nang nalagay na niya ang huling bagahe na dadalhin namin. "We should eat out and celebrate!"
"Heh.. Yeah, we should."sinabi ko sarcastically.
Sumakay na kaming magkakapatid sa loob ng taxi. Si Mommy naman, sumakay sa harap, sa tabi ng driver's seat. Didiretso muna kami sa bagong bahay namin sa QC bago kami mag celebrate ng freedom namin. Naisipan ko sanang matulog sa biyahe nang biglang nagsisitext sina Melanie, Allie at Jade. Kinukulit nila ako kung hindi pa ba pwede na mag last minute change of minds si Mommy. Sabi ko naman sa kanila, hindi na talaga. I mean, nasa taxi na nga kami, magpapalit pa ba ng desisyon si Mommy? Hayy. Bigla namang tumawag si Allie. Since naka-plan naman siya, she has the freedom. Parang kami. Sinagot ko ang tawag niya.
"Lexiiii.. Aalis na ba talaga kayooo?" sinabi naman nang dahan dahan ni Allie.
"Oo eh. Nasa taxi na nga kami eh." sinabi ko naman nang malumanay.
"Hayy.. Good luck sa QC! Kapag nagkaroon ka ng new friends, ipakilala mo sila sa amin ah! Wag na wag mo kaming kakalimutan kung 'di, may batok ka sa bawat isa sa amin!"
"Hahaha! Oo sige. But I doubt that I'll make new friends right away since.. You know.. New student ako." sinabi ko naman sadly because it's true.
"Kaya mo yan! You've got to show them you're capable of more than just being a new student! At tsaka P.S. Nagpapahanap si Jade ng hottie diyan ah! Hahaha!"
"Oyy ano ba?! Hindi totoo yun ah!" bigla ko namang narinig ang isa pang boses sa kabilang linya. Si Jade? Magkakasama sila?
"Magkasama kayo ni Jade ngayon?" tanong ko naman.
"Oo, Lexi. Magkakasama kaming lahat ngayon."
"Eh? Nasaan ba kayo?" tinanong ko.
"Nasa loob ng taxi, sinusundan kung nasaan yung bagong bahay ninyo.."
"WEH?!" napatingin naman ako sa likod at tiningnan kung meron nga bang taxi na sumusunod sa amin. TOTOO NGA! Eto talagang mga lokarette na 'to! Aalis na nga ako't lahat lahat, they still can't stop me from remembering them! Not that I don't want to remember them.. Nakita naman nila ako na nakatanaw sa kanila at kumaway sila from the inside of the taxi. Malamang. Alangan sa labas? Eh di nagkandahulog hulog sila sa loob ng taxi. "Mga loka loka talaga kayo! Paano niyo naman mababayaran pamasahe ninyo?!"
"Yun talaga inintindi mo? Hahaha! Don't worry, Lexi! May kasama naman kaming adult! Mommy ni Jade!" sabi naman ni Allie sa akin.
BINABASA MO ANG
I'm Your New Stalker
Teen FictionPaglipat mo sa bagong eskwelahan, matatawag kang "new student". Pero paano kung maging "new stalker" ka na din?